Nakita ko pa na tumango ng isang beses si Kyro at tumingin saglit sa bintana ng sasakyan bago tumalikod. Nakasisiguro akong kung anuman ang sinabi ni ma'am ay napanatag si Kyro. Masyadong protective minsan kaya hindi na ako nabigla nang lumabas talaga siya kanina, parang kapatid na rin kasi ang turingan namin.
Pumasok naman agad si ma'am at bumuntong hininga pa bago nagsuot ng kanyang seat belt.
"Saan naman tayo pupunta?"
Dahil sa tanong na yon ay tumingin siya sa akin at parang pinag-aaralan na naman ako!
"I'm sorry." Wika niya habang mariin paring nakatingin sakin. Umiwas ako ng tingin kasi hindi ko kayang tagalan ang titig niya. Masyadong seryoso. Hindi naman siya ganito ka-seryoso noon. Well, Gracia, nagbabago ang tao pagdaan ng panahon. O, baka kumportable lang ako sa kaniya noon.
"May nagawa ba akong mali?" Nalilitong wika niya.
"Wala, ma'am." Labas sa ilong kong sagot.
"Surely not the time of the month, right? That's supposed to be in ten days from now. Or nagbago yung cycle mo?" Kumalat ang init sa aking leeg patungo sa mukha. Ang seryoso pa ng pagkakasabi niya.
Alam kong naghihintay lang siya ng sagot pero dahil sa huling sinabi niya, hindi ako nakapagsalita. Natatandaan niya pa yon? Nang naramdaman niyang hindi ko siya sasagutin ay pinaandar na niya ang sasakyan. Sa wakas!
"I'll bring you to my haven. Don't worry, hindi naman kalayuan yon dito." Sumulyap pa siya kaya nakita niyang titig na titig ako sa mukha niya. Nakita ko pa ang paglunok niya bago ngumisi.
"What?" Takang tanong ko.
"It's free, and I really don't mind, Miss." Hindi parin mawala ang ngisi sa mukha niya kaya natanto ko kung ano ang pinupunto niya. Tsk. Hindi ko na napigilang magtanong.
"Sobrang masaya ka ata ngayon, ma'am?"
"Of course! I am happy." Tanong niya habang paliko kami sa San Antonio Street.
"Baka gusto mo ng araw-arawin ang pagbisita sa shop ko niyan?" Sarkastiko kong saad habang nakatingin sa tanawin.
"Pwede ba?" Dahil sa bilis ng kaniyang naging tugon ay tumaas na talaga ang kaliwang kilay ko at hindi na umimik.
"I apologize for interrupting your work earlier. I planned to simply wait for you to finish, but with the situation a while ago..." huminto pa siya at parang nakiramdaman bago nagpatuloy.
"I had already planned this trip, napaaga lang." Pag-aanunsyo niya habang mahigpit na hinawakan ang manibela.
Wala naman siyang ginawang masama pero bakit ba ako naiinis? Dahil ba kay Rachel? Wala namang masama kung makipag-usap siya. Tyaka parehas naman silang single. Kung gusto nila ang isa't isa ay pwede naman.
Dumaan ang limang minuto ay nagsalita na ako.
"So gusto mo ngang bumalik sa shop?" Dahil sa tono ng pagkakatanong ko ay biglaan niyang hininto ang sasakyan. Muntik na akong tumalsik kung hindi lang sa seat belt. At mabuti nalang na walang mga dumadaang sasakyan.
"Ano ba, ma'am?!" Galit na wika ko.
"What's wrong? What exactly is the problem, Grace?" Mahinahon niyang tanong habang kinalas ang kaniyang seat belt.
"Wala naman akong natatandaang ginawang mali. Ayaw mo ba akong bumisita sa shop mo? Kasi kung Oo ay hindi na kita bibisitahin doon. Ayaw kong mainis o magalit ka sakin. Alright?... O, baka naman ay galit ka kasi naputol ko kung anong pinag-uusapan niyo ng bestfriend mo? I told you, I can always wait." Bumagsak ang balikat niya sa huling sinabi. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at kinuha ang dalawang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Calling Your Name
RomanceI called your name twice, thrice ................ you didn't even answer the fourth time. I'm on the losing end of falling; will you be able to save me? Baby, I need you now.