Natahimik siya ng ilang sandalı bago nagsalita.
"So? Ano naman ngayon kung naghahalikan tayo? Kinahihiya mo ako?" Oh my goodness! Hindi niya ba kayang intindihin yon? Muntik ko ng makalimutang lasing pala ang kausap ko.
"Hindi yon ang punto ko! Ang akin lang ginawa natin yon sa paaralan. Studyante ako sa paaralang yon at professor ka. Kita mo? Bawal yon! Kasihudang walang mga tao at pamilya mo ang may-ari ng paaralang 'yon, mali pa rin." Naiinis kong pagpipilit na maintindihan niya ang punto ko.
"Ah, I get it." Tumatango pa kunwariy naiintindihan niya.
"You don't want to be seen with me in public. Ayaw mong may makaalam. I get it, Grace." Napadabog ako dahil sa inis.
"Ano ba?!" Pasigaw kong saad. Mabuti nalang nasa malayo si Fourth.
Tumayo siya at lumapit sakin. Sobrang seryoso ng ginagawad niyang titig sakin.
"Yon lang ba ang pinoproblema mo noon? Yon lang ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan?" Mahinang anas niya bago ako hinapit sa bewang. Bigla namang nanlambot ang mga paa ko bago pa ako makapagprotesta. Kung hindi ko pa hinawakan ang balikat niya para pangsuporta ay baka nabuwag na ako sa kinatatayuan ko ngayon.
"Yon "lang"? "Lang"? Akala mo bang naging madali para sakin yon? Hindi!" Nakatingala kong sigaw sa kaniya.
"I could resign right away and be with you, Miss. I don't care what anyone else says as long as you're mine. I love you and you love me, that's what matters." Pilit niyang hinuhuli ang tingin ko habang ako nama'y umiiwas sabay iling.
"Hindi. Ayaw kong umabot sa puntong mamili ka satin at sa trabaho mo noon. Alam ko kung gaano kaimportante sayo ang trabaho mo." Madiin kong saad. Nang tumingin ako sa kaniya para ipakita na tama ako, ay nakita ko ang bahagyang pagngisi nya.
"Hmm..how sure are you?" May bahid ng tukso ang tanong nya. Nakakainis.
Sasagot na sana ako pero 'di ko mahanap ang boses ko sa biglaang galaw niya. Nilapit niya ang kaniyang mga labi patungo sa aking tenga bago nagsalita.
"Miss, when it comes to you, walang trabaho trabaho. Naalala mo?" Hinipan niya muna ang tenga ko bago hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko.
"Ma...am" Nanginginig kong wika.
"Say my name." Bulong niya bago hinahalikan ang leeg ko.
"Just...uh.." Hindi ko alam kung sariling boses ko pa ba 'yon. Halos malukot ko na ang damit niya sa pagkakahawak ko.
Mahihinang mura muna ang pinakawalan nya bago tumigil at tinignan ako sa namumungay na mga mata.
"No, we're not doing this. Baka bukas, iiwan mo na naman ako. I need assurance first, Miss." Kasabay noon ang pagtalikod niya at paghiga sa sofa. Habang ako nama'y namumula sa kahihiyan. Jusko Gracía, ano yun?! Muntikan ka ng bumigay!
Kinuha ko yung unan sa may paanan niya at hinagis sa direksyon nya. Sapul!
"Umuwi ka na sa inyo. Baka hinahanap ka na." Chineck ko kung relo ko at 2:30AM na pala.
Hindi naman siya nagsalita pero kinuha lang yong unan at niyakap.
Nakikita kong nahihirapan siyang maituwid ang mga paa niya kaya't tinulak ko ang braso niya.
Tumingin naman siya saglit bago tumalikod at pumikit. Doon ko lang napansin ang mahabang peklat nya sa leeg pataas sa likurang bahagi ng ulo niya.
Umupo muna ako at hinawi ang buhok nya. Akala ko magre-react siya sa ginawa ko pero hindi naman. Alam kong hindi pa siya tulog pero nagpapaubaya lang sa gusto kong gawin.
Nilandas ng mga daliri ko ang peklat nya sa leeg hanggang sa likurang bahagi ng ulo niya.
"I'm sorry." Saad ko habang tinitigan ng maagi ang peklat nya. Kumusta ka sa panahong 'yon? Sinong nag-aalaga sa'yo non?
Kalaunay humarap siya sa akin ng may lungkot sa mga mata habang yakap-yakap ang unan.
"Don't be. Hindi mo kasalanan, okay?" Pagsasalita niya habang pinupunasan ang aking mga luha gamit ang isang kamay.
Tumango lang ako at tatayo na sana para kumuha ng kumot niya pero mabilis niyang kinuha ang kamay ko at kasabay non ang pagbagsak ko sa ibabaw nya.
"Ano ba, ma'am?" Mahina kong anas bago tumayo kaso yumakap siya bago pumikit.
"I'm tired." Mahinang usal nya pa.
Alam kong mahihirapan siya dito kaya't ginising ko na para lumipat sa kwarto.
"Ma'am, tayo na diyan. Lipat tayo sa kwarto ko." Walang kung ano ano'y bigla siyang tumayo at muntikan pang mahulog ang picture frame sa may table. Sinundan ko nalang siya.
Tinignan niya muna ang kabuuan ng kwarto ko bago humiga. Nang makitang nakapikit na siya ay kinuha ko ang mga medyas sa mga paa niya. Tumayo muna ako para kumuha ng malamig na tubig at bimpo.
Pagbalik ko, akala ko'y nakatulog na siya pero dilat na dilat ang kaniyang mga mata at pinagmamasdan ang mga ginagawa ko. Tumikhim nalang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
Pinunasan ko ang mga braso nya patungo sa leeg at sa mukha. Para naman siyang bata na tutok sa mga ginagawa ko.
"May baon kang t-shirt sa sasakyan mo?"
"None." Saad niya.
"Kukuha lang aka ng masusuot mo. Hopefully may magkasya sayo."
Nang nakabalik ako'y natutulog na siya, nakatalukbong pa sa kumot. Hindi ko nalang sana siya pipiliting magbihis kung hindi ko lang nakita na panloob na ang natitirang damit niya sa ilalim ng kumot.
"Ma'am?" Niyugyog ko ang mga balikat niya pero tulog pa rin. Wala na akong nagawa kundi bihisan siya.
Una kong sinuot sa kaniya ang puting malaking round neck t-shirt at navy blue na pajama. Nang makitang maayos na siya ay kumuha na ako ng unan at kumot at naglakad palabas ng kwarto.
Chi-neck ko ang pintuan at mga bintana, nang makasigurong nakasara na ang lahat ay nahiga na ako sa sofa. Ilang minuto lang ang lumipas at nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Calling Your Name
RomanceI called your name twice, thrice ................ you didn't even answer the fourth time. I'm on the losing end of falling; will you be able to save me? Baby, I need you now.