Oh, almost three months na pala ang bakasyon niya sa States. Nakamove-on na kaya 'to?
"Who's that?" Nagtatakang tanong ni ma'am. Sino ba naman kasing bibisita sa kalagitnaan ng malakas na ulan.
"Si Leandra, nakatira rin diyan sa pangalawang apartment malapit sa guard house." Hindi ko na dinugtungan na anak ng may-ari nitong inuupahan ko.
"Pagbubuksan ko lang." Kalmadong saad ko sa kaniya. Tumango naman siya.
Iniwan ko na si ma'am sa may kitchen area para buksan ang pintuan. Bigla ring nasa paanan ko na si Fourth. Of course, siya lang naman ang nagso-spoiled sayo, ano? Umiling pa akong tumingin kay Fourth, siya naman ay tumingin rin sakin habang winawagayway ang buntot.
"Gracie, I miss you!" Madamdaming saad niya habang yakap-yakap ako matapos kong pagbuksan. Nababasa ang mukha ko sa talamsik ng ulan. Naramdaman ko ring basa ang damit nito. Tumakbo lang ata 'to papunta rito. Ilang metro lang naman ang layo ng apartment niya kaso sobrang lakas ng buhos ng ulan kaya wala pa rin.
Wala ring dalang payong bagkos puno ng mga pasalubong ang isang kamay niya.
"Yeah yeah, miss din kita. Amoy imported ka ah?" Natatawa kong saad. Mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin bago tumawa.
"Baliw."
"Sya! Pasok at nababasa rin kami ni Fourth." Ako pa ang kumalas sa yakapan namin.
"Wow. Sobrang welcoming." Halakhak niya bago kinuha ang ibang plastic bags na may lamang laruan ata ni Fourth sa tabi ng pintuan at pumasok na. Tutulungan ko sana siya kaso ayaw patalo.
Nagpaiwan ako sandali para icheck kung may bumara na naman bang basura sa kanal. Nang nasiguro kong wala naman ay pumasok na ako.
Sobrang tahimik kaya't pagkalagay ko ng tuwalya sa taas ng lagayan ng sapatos ay ginala ko ang paningin ko.
Hindi ko alam kung nagbatian ba 'tong dalawa pero base sa postura ay parang hindi.
Nasa mesa si Lean, abalang inaayos ang mga plastic bags habang nasa paanan niya naman si Fourth. Si ma'am naman ay nakahilig lang sa sink habang pinagmamasdan si Lean ng masinsinan.Parang magkasing tangkad lang tong dalawang to. Pwede ring mapagkamalang magkakapatid dahil parehas may itsura. Kaya lang, kung anong kina pormal ni ma'am, si Lean naman sanay sa malalaking polo, t-shirt, at pants, pero malakas parin ang datingan. Bumalik ang tingin ko kay ma'am at napansing magkakrus na ang dalawang braso niya.
Nang napansin na nakatingin ako sa kan'ya ay inirapan niya ako bago nagpunas ng mga kamay.
"Lean.." Sabay pa na tumingin ang tatlo sakin. Naasiwa naman ako sa tingin ng dalawa kaya't nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Si ma'am Justice....professor sa alma mater ko." Natagalan pa ako kung kaibigan ba ang sasabihin ko, ex, o ano. Pagkasabi ko non ay tumalim ang tingin ni ma'am sakin. Si Leandra naman ay naliwanagan at naglahad ng kamay.
"Leandra, ma'am." Tinanggap naman ni ma'am ang kamay nya pero hindi man lang ngumingiti kasalungat sa pinapakita ni Lean.
"Justice lang." Simpleng saad ni ma'am. Mapanukso namang tingin ang binigay ni Lean pagbaling sa'kin.
"Lean, maligo ka muna at baka magkasakit ka pa. Ako ng bahala diyan." Sabay nguso sa mga pasalubong niya.
Nag-aalinlangan pa siya kung susundin ba ang sinabi ko.
"How about my clothes? Wait, I think naiwan ko yung pajama set ko dito last time . 'Yon nalang susuotin ko." Tumikhim si ma'am kaya't dalawa kaming tumingin sa kaniya. Nag-iwas lang siya ng tingin pero nakita ko pa rin kung pano kumunot ang noo niya.
BINABASA MO ANG
Calling Your Name
RomanceI called your name twice, thrice ................ you didn't even answer the fourth time. I'm on the losing end of falling; will you be able to save me? Baby, I need you now.