Napangiti nalang ako sa narinig. Pero, hindi ko rin maipagkakaila na sobrang nabilisan ako sa mga pangyayari. Parang nung nakaraan lang ay nagmamadali pa siyang ligpitin ang mga gamit niya para umuwi pagkatapos ng programa na kung, hindi ko pa siya hinanap at naabutan noon ay hindi kami magkakapag-usap? Wala naman akong balita sa kung anong nangyari sa kaniya pagkatapos ng ilang taon, at parang ganun din naman siya sakin.
Hindi ko lang maiwasang mag-isip ng mga negatibong bagay. Bukod naman kasi sa mga batian at kumustahan through text, call about work at kay Fourth, wala na kaming ibang pinag-uusapan. HIndi naman niya direktang sinabing manliligaw siya.
Naramdaman ko nalang na nilagay ni ma'am ang kaniyang ulo sa kanang balikat ko. Kahit hindi ko lingunin ay alam kong nakatingin siya.
Marahil kung hindi nangyari ang mga bagay-bagay noon, ano kaya tayo ngayon ma'am? O tayo parin ba kaya?
"Are you okay?"
"I'm good. Ngayon ko lang nalaman na meron palang ganito kagandang lugar sa Santiago. Hindi naman siguro public to kasi may electric fence sa buong lugar." Kahit hindi ko siguradong electric fence nga ba 'yon.
Umayos naman siya ng tayo pero na nanatili parin sa likuran.
"Before, it was open to the public. Ngunit dahil madali lang ma-access ang lugar na 'to, naabuso. Nung nilagyan na ng bakod last year, may nakakapuslit parin pero hindi na katulad nong dati. Maraming boteng nagkalat sa may duyan banda at dito sa kinatatayuan natin noon. "
"Oh? Buti nalang napanatili ang natural na ganda ng lugar na'to. Sino pala ang may-ari?"
"I bought this land 7 years ago." Mahina nyang saad. Tumabi na si ma'am sakin at tumitig sa karagatan.
"Ang tagal na pala." Yon lang ang nasabi ko. Wala ba siyang balak pagawan to ng coffee shop or ibang business? For sure papatok to sa lahat. Kahit parang cottage lang.
"Yeah."
"You like this place?"
"I 'love' this place! Ang ganda kaya tapos hindi lang kalayuan sa siyudad." Agaran kong sagot kaya napangiti siya.
"Right, that's what you want; how about your dream of having a small house where you can see the sunrise and sunset?"
"Hmm. Pangarap pa rin syempre kaso, sobrang mahal na ng mga lupain ngayon eh. Baka ilang taon pa akong mag-iipon para makabili ng sariling lupain. Iba parin sa feeling yung may sarili kang lupa at bahay. Ikaw ba?" Pag-iiba ko ng usapan.
"What about me?" Seryosong tanong niya habang tumingin na sakin.
"Ano yung dream house mo at saan mo naman gustong ipatayo?" Parang timang kung tanong. Alam ko naman na marami silang ari-arian at isa pa, sino nalang ang makakasama ni president kung lilipat siya.
"The answer is still the same." Makahuligang saad niya. Nagkatinginan kami ng sinabi niya iyon. Sinadya ko talagang tignan siya kaya lang, parang kanina pa siya nakatingin kaya umiwas nalang ako ng tingin.
"Ma'am, tapos ko na nga iyong assignments, at papers sa Philippine History! Pwede na tayong gumala." Nilingkis ko pa yung braso ko sa kaniya nang masigurong wala ng mga tao. Tumawa nalang siya at napapailing bago ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Nakita ko pang may kinawayan siyang mga estudyante niya ata na naglalakad patungo malapit sa sasakyan niya. Nakita ba ako?! Parang hindi naman. Nakita ko pa kung paano sinipat ng isa yung passenger's seat. Buti nalang tinted tong sasakyan niya.
"We had a conversation with your Philippine History professor earlier. May bago raw kayong activity kaya walang galang magaganap ngayong gabi. Tapusin mo muna 'yon." Saad niya pagkapasok palang.
BINABASA MO ANG
Calling Your Name
RomansaI called your name twice, thrice ................ you didn't even answer the fourth time. I'm on the losing end of falling; will you be able to save me? Baby, I need you now.