Habang wala pa ang next instructor nila Denzel, abala ang mga kaklase niya sa pagkikwentuhan. Ang iba naman ay tahimik lang at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Samantalang si Denzel naman ay nakikinig lang sa usapan ng kanyang mga barkada habang nakasandal sa pader ng classroom. Nang makarating na ang kanilang instructor ay agad silang bumalik at umayos sa kanya-kayang upuan.
“Attention class! We will be having a cotillion for this coming Juniors and Seniors Promenade so we’ve decided na sa bawat section kukuha lang kami ng tig-iisang pair para magperform. Mr. Denzel James Collins and Ms. Crissia Angela Gomez we’ve decided na kayo ang piliin since kayo ang muse at escort sa room at magaling kayong sumayaw syempre may incentives din ang pagsali niyo. I’m seeing both of you for today’s meeting after your breaktime okay” Bungad ni Mrs. Santos sa kanila.
Hindi na nakatanggi si James sa kanyang teacher kailangan niya din kasing makabawi dahil sa pagkakaabsent niya ng ilang linggo. Tuwang tuwa naman si Crissia dahil partner niya ang taong gustong gusto niya. Popular din siya sa kanilang campus at hindi matatangging magaling ito pagdating sa performing arts.
Habang breaktime kasama ni James ang kanyang mga barkada sa cafeteria. Sa school nila Denzel ang tawag sa ng karamihan sa kanya.
“Panu ba yan Denzel makakaeksena mo ang babaeng pinakamamahal mo." Humahalinghing na tawa ni Brian pagkasabi nito.
“Will you shut up!" Tinignan naman siya ni Denzel ng masama dahilan kung bakit nanahimik ito.
“Oi pre tigilan mo nga si Denzel sa tingin mo ba madali para sa kanya yun” Saway sa kanya ni Mark.
"Nabadtrip ako bigla pero kailangan ko to para makabawi sa grades aaminin kong may pagmamahal pa din ako kay Crissia hindi naman kasi kami nag break nang dahil may third party or kung ano man I have a reason naman." Sabi ni Denzel sa isip niya at doon nga'y naalala niya ang nakaraan.
2 years ago At the airport.
“Den bakit kailangang ganito I’m willing to wait for you kahit mahirap pipilitin kong magka time para sa’yo kahit magpuyat pa ko or kahit di ako matulog sa isang araw makausap ka lang.” Hikbi ni Crissia habang nakayakap pa din kay Denzel.
“Crissy we’ve talked about this already diba ayokong umasa ka. You know how much I love you pero for this time kailangan ko muna i-end yung relationship natin." Pilit niyang tinanggal ang yakap ni Crissia sa kanya.
“Pero Den…” Bulong ni Crissia.
“Shhhhh… Stop crying na I really have to go.” He kissed Crissia on her forehead and finally waved his goodbyes.
Habang nasa eroplano nakatulala lang si Denzel sa bintana hindi siya naluluha pero bakas sa mukha niya ang lungkot at sobrang sakit sa kalooban niya ang pakikipaghiwalay kay Crissia. But he has no choice he needs to be there on his Dad side kahit masama ang loob niya dito. Muntik nang mapatay ang kanyang Dad sa America dahil sa pambabae nito mabuti na lang ay naagapan agad ang mga natamong malalim na sugat at gumaling din ito. Pero dahil sa mahal na mahal ng Mommy ni Denzel ang Dad nila agad niya din itong napatawad kung kaya’t walang magawa si Denzel kundi sundin ang desisyon ng mommy nila.
“Den ayos lang ba sa’yo yun? Pwede mo naman kasing ipagpatuloy bat pinakawalan mo pa?” Pag-aalala ng ate Janica niya.
“Ate Nica naman alam mo naman na hindi ko kakayanin yung long distance relationship I’m afraid to disappoint her” Sabi ni Denzel.
Wala ng nasabi ang ate niya, napahinga na lang ito ng malalim at ibinaling muli ang sarili sa pakikinig ng musika.
"How am I going to face her now." Sabi ni Denzel sa sarili na hanggang ngayon ay nakaupo sa bench at hindi nakikisali sa kulitan ng barkada.
BINABASA MO ANG
Journey to Virtual World
Teen FictionThis story is about Sachiko Honoka that is so-called “a girl who lives on the internet.” One day her cousin sends a link of a new virtual game called “Journey to V-World.” When she started to play this game as Aria Aoi there’s a mysterious guy named...