Chapter 3 - Take it seriously

47 2 0
                                    

Nakaupo ngayon ang magbabarkada sa cafeteria habang sila Charles at William naman bumili ng makakain nila.

“Sachi… Sachi…" Nancy pokes her.

“Oi anu ka ba Nancy kita mong nagdo-drawing ako eh nagulo na tuloy” Binura naman lahat ni Sachi yung naumpisahan niya.

“Ay sorry naman, itago mo muna kasi yan. Diba pareho kayo ng daan ni William? Napansin mo ba kung san siya pumunta? Sabay dapat kami pupunta sa office ni Daddy kahapon kaya lang pagkagaling ko sa parking lot wala na siya.”Tanong ni Nancy.

“Nagpunta siya sa Restaurant nila di ko nga alam diyan sa kapatid mo sabi niya nagugutom siya pero nung nagpunta siya dun kinausap niya lang naman yung manager namin." Sachi says while scratching her head.

Nahinto sa kwentuhan ang dalawa nang dumating na sila Charles at William dala dala ang limang soda at limang order ng pasta.

“O girls anong pinag uusapan niyo?“ Tanong ni Charles habang dinidistribute ang foods nila.

“Eh pano etong si Nancy tinatanong si Sachi kung bakit biglang nawala yang kapatid niya kahapon.” Walang ganang sagot ni Anessa.

Naupo na ang dalawang lalake magkakatabi sila Sachi, Nancy at Charles habang katapat ni William si Sachi at katabi nito si Anessa.

“William alam mo namang aalis tayo kahapon napagsabihan na naman tuloy ako ni Dad” Inis na sabi ni Nancy habang tinutusok tusok ang pasta.

“Sorry na Nancy may inasikaso lang ako sa Restaurant.” Williams smiles on her.

“Whatever you say…” Nancy grabs her soda.

“Sino naman inasikaso mo pre! Si Sachi lang ata dinalaw mo dun eh” Pagbibiro ni Charles habang sinisiko si William.

Nagtawanan sila maliban na lang kay Sachi na napatingin na lang sa kinakain nito. Biglang tumingin ng masama si William kay Charles at tumigil ito sa pagtawa.

“Okay guys tama na yan bilisan na natin kumain at malelate na tayo sa next subject.” sabi ni Anessa.

Habang nasa klase pagkalingon ni Sachi ay nagkatinginan sila ni William at ngumiti ito sa kanya. Biglang inalis ni Sachi ang tingin niya at tumuon sa professor niyang nagkaklase. Kumabog ang dibdib niya na parang kinakabahan. Kahit anong pilit niya hindi niya pa din maialis sa isipan na pagkatapos ng mga nangyare noon ay andito si William at barkada niya pa rin na parang walang nangyari. Nakatulala lang si Sachi nang bigla siyang binulungan ni Anessa.

“Sachi is there something going on between you and William?” Bulong ni Anessa.

“ANO?! Ano bang pinagsasabi mo I hate him!” Napasigaw si Sachi.

Nahinto sa pagsasalita ang kanyang prof at nag umpisang magbulungan ang klase habang ang iba nilang barkada ay nagulat at nagtaka sa sinabi ni Sachi.

“Ms. Honoka get out of this room! Now!” Galit na sabi ni Mr. Cruz.

“I’m sorry Sir” Nakayukong sabi ni Sachi.

Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at lumabas ng pinto.  Tumambay siya sa kanilang library nang makatanggap siya ng text galing kay Anessa.

From: Anessa

Girl sorry di ko sinasadya I wont asked you again about that. I hope you’re not mad at me :\

Replied to Anessa:

It’s alright nabigla lang ako. Don’t worry I’m not mad :) please don’t tell anyone kung anu man napag usapan natin.

Anessa Replied to Sachi:)

From: Anessa

I will, sorry again…

Journey to Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon