Chapter 7

60 1 1
                                    

Ilang araw na lang ay papalapit na ang valentines day. Ngunit para kay Sachi walang dahilan para masabing special ang araw na iyon. Ang tanging ineexpect niya lang  ay makatanggap ng greetings kay James at mas magkausap pa sila ng matagal na tila walang inaalalang oras. Kahit abutin pa sya ng umaga na nakatapat sa harap ng computer. Masaya na siya makausap lang ang binata.

Kinaumagahan pagkabangon niya ay nag-beep ang kanyang cellphone at nabasa niya ang isang reminder.

Monday Feb.11, 2013 – Going out with zehb

“Sheesh… di pa pala ako nakapag paalam kay manager.” – Sachi

Biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Demi is calling….

Pagkasagot niya ay excited na pagbati ang bumungad sa kanya.

“WAHHHHH! Zehb at last matutuloy na din yung lakad natin walang Indianan ah. Aantayin kita sa tapat ng school naming mamaya. A promise is a promise okay! See ya’ Bye!” – Demi

Toot..toot…toot…

“He.. Hello.. tsk… binabaan agad ako” – Sachi

Tinapon ni Sachi ang cellphone sa kama at agad na nag-prepare sa pagpasok sa school. Nag-coffee, naligo, nagbihis, nag-almusal, nag-tooth brush,nag-ayos at ready na syang umalis.

***

Habang naglalakad sa corridor ng university ay nakasabayan niya si Nancy sa paglalakad.

“Good morning Sachi! Blooming ka ngayon ha. Who’s that someone special? *clinging on sachi’s arms” – Nancy

“Hay.. Anu bang pinagsasabi mo diyan. Sa tingin mo sa sobrang busy ko may time pa ko para sa mga ganyan.” – Sachi

“A chatmate maybe?” – Nancy

Tinanggal ni Sachi ang pagkakahawak ni Nancy sa kanya at biglang iniba ang usapan dahil hangga’t maari ayaw niya magkwento about kay James.

“Teka! Natapos mo na ba yung architectural plates na ipapasa natin ngayon?” – Sachi

“Oh! Speaking of that magpapatulong sana ako sa’yo. Pwede ka ba after class?” – Nancy

“As usual late ka na naman magpapasa, di ako pwede alam mo namang may work ako diba.” – Sachi

“Yeah sorry I forgot, ipapagawa ko na lang nga yun’ sa kapatid ko.” – Nancy

“Tara bilisan natin *tumakbo siya paakyat ng hagdan Male-late na naman ako niyan eh.” – Sachi

“Oh wait, teka lang antayin mo kaya ako.” – Nancy

***

At Collin’s mansion      

Kakatapos lang magbihis at mag-ayos ni Denzel pagkalabas niya ng kwarto ay nakasalubong niya ang kanyang ate na bihis na bihis at nakasunod ang isang maid na may dala-dalang mga maleta.

“A..Ate Nica?  What’s going on?”  Pagtatakang tanung ni Denzel.

Nginitian lang siya ni Janica at bumaba na sila pareho para mag-breakfast. Pagkarating sa dining table ay nakabihis na din ng pang-alis ang Mommy nila na lalong ipinagtaka ni Denzel.

“O Nica okay na ba yung mga gamit mo? Dear anung tinatayo tayo mo diyan. Eat your breakfast na malelate ka niyan.” – Mrs. Collins

“Eh Mom? Hindi niyo man lang ba eexplain sakin what’s happening?” – Denzel

“We’ll be staying in America medyo matatagalin din kami dun since graduating ka na maiiwan ka dito.” – Mrs. Collins

Tumayo siya bigla sa kinauupuan. “PeroMom! Dahil na naman ba kay Daddy ano na naman bang kalokohan ginawa niya at kailangan niyo pang bumalik dun.” –Denzel

Journey to Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon