***
Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko bumabalik na naman sa alaala ko ang nangyari noon. Nang bigla akong may napansing papalapit may hawak-hawak siyang bouquet of roses.
“William."
“Happy Valentines Sachi” Iniabot ni William ang mga bulaklak at naupo silang dalawa.
"Uhmm yung lugar... parang nung dati.."
"Nung 7th monthsary natin. Sachi gusto ko sanang makinig ka sa mga sasabihin ko. I want to explain everything. Will you hear me out?"
"Si...sige.."
"Nung high school tayo...."
-Flashback-
"William just let me go! Maghanap ka na lang ng iba huwag na ko! ayoko na! hirap na hirap na ko sa sitwasyon ng pamilya mo. Masyado ng naaapektuhan yung relationship natin!"
"Yan ba ang gusto mo Francine! ganyan mo gusto solusyonan yung problema natin ha! Iiwan mo na lang ako at gusto mong magmahal ako ng iba kahit wala naman akong nararamdaman."
"Dahil magkaiba tayo hindi ko na kayang makibagay sa pamilya mo ang laki ng expectations nila sakin. Siguro nga I'm like a fool but William I'd rather see you with someone else than pushing me to do things na kahit kailan hindi ko pinangarap."
"No! Hindi ko kaya I love you so much."
"Kung talagang mahal mo ko pagbibigyan mo ang gusto ko... Go out with someone else... then find out what's really in your heart. Where you still have to fight for this relationship or you just have to let go of me and be in love with other girl."
"Fine! I'll do it but in one condition."
"Ano yun?"
"You're still my girlfriend unless I found that someone."
"Deal!"
-end of flashback-
"Napaka immature ko para mag-agree sa kagustuhan niya siguro dahilan sa mga bata pa kaming dalawa. Kababata ko si Francine, noon pa man malapit na talaga kami sa isa't isa. Kilala siya ng mga parents ko dahil naging kapitbahay namin sila noon. Unti-unti nagkagustuhan kami at naging magkarelasyon na ikinagalit ng mga magulang ko dahilan sa hindi gaanong nakakaangat sa buhay ang pamilya ni Francine. Pero dahilan na rin sa may pinag samahan ang mga parents namin they gave us chances. Ang daming sinacrifice ni Francine para saming dalawa. Gusto ng mga magulang ko na maging parte din si Francine ng negosyo namin in the future kung kuya't pinag-aral nila ito sa isang International School pumayag rin naman ang parents ni Francine dahil sa totoo lang walang kasiguraduhang mapag-aaral nila si Francine hanggang makatapos ito. Hirap na hirap na siya sa pag-aaral lalo na't ayaw niya naman ng ginagawa niya. Napalayo rin siya sa mga magulang niya. Madalas siyang nalulungkot. Siguro nga naging selfish ako para lang hindi kami magkahiwalay. Nakadipende na kami sa isa't isa. Ayokong magkahiwalay kami pero wala akong magawa kung di hayaan siyang maging sunud-sunuran sa mga magulang ko. "
Biglang napatayo si Sachi sa kinauupuan at nilagok ang isang baso ng wine.
"So ako yung someone else na yun ha! ginamit mo lang pala talaga ako!"
"Sachi! calm down patapusin mo muna ako please."
Naupo muli si Sachi at ipinagpatuloy ang pagkwento.
"Hirap na hirap na ko' kakaisip kung gagawin ko ba o hindi. Nung nalaman ko kay Nancy na may gusto ka sakin dun ko sinubukang kaibiganin ka. Pero hindi para gawin kang kabit o anu pa man. Siguro gusto kong i-try na ibaling yung sarili ko sa iba nagbabakasakaling magkagusto nga talaga ako sa iba. "
BINABASA MO ANG
Journey to Virtual World
Roman pour AdolescentsThis story is about Sachiko Honoka that is so-called “a girl who lives on the internet.” One day her cousin sends a link of a new virtual game called “Journey to V-World.” When she started to play this game as Aria Aoi there’s a mysterious guy named...