Chapter 4

31 2 5
                                    

Dear My Youth
Jac Fernandez

Mula sa diary ko noong high school, pahapyaw na mga alaala ang nagbigay sa'kin ng saya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula sa diary ko noong high school, pahapyaw na mga alaala ang nagbigay sa'kin ng saya. Kaya kahit malalim na ang gabi, pumilas ako sa sobrang papel ng diary na iyon para sumulat ng liham para sa Isabella noon.

Minsan, sa journal ko na lang nailalabas ang hinagpis ko at lahat. At siguro gamit ang liham na 'to, kahit papaano mababawasan ko naman ang mga pagsisi ko at mapapatawad ako ng kabataan ko. Kailangan ko na lang siguro tanggapin na may mga bagay na hindi para sa'kin. Katulad ng mga kwento at tula sa kuwaderno kong kumupas na ang mga letra at sulat, at ang self-made magazine. Sumubok naman ako para sa mga pangarap ko. Ngunit ngayon ko masasabi na ang sakit, ang hirap bitawan ng mga bagay na mahal mo.

"Walang pera sa pagsusulat. Humanap ka ng propesyon na rerespetuhin ka ng mga tao—propesyon na may pangalan ka." Napapikit ang mga mata ko nang marinig ko na naman ang mga salitang iyon. Kahit ata ilang beses na iyon nagpaulit-ulit, ganoon pa rin ang lebel ng sakit. Dahil doon, naging duwag ako. Natakot ako sa mangyayari sa kinahaharap dahil kapag bata ka, mas maigi na makinig sa iba dahil mas marami silang alam kaysa sa iyo. Hindi ko lang alam noon na iyon na pala ang simula ng pag patay ko sa mga bagay na makapagpapasaya sa'kin.

Huminga ako nang malalim, at gamit ang panulat na na hindi ko namalayan na mahigpit pala ang hawak ko, ay kumalma ang daliri ko para pigilan ang higpit at makasulat nang maayos.

Dear Young Isabella.

❋❋❋

Kung saan ko nakuha ang tapang kong lumabas ng ala-una ng madaling araw, ay kinukwestiyon ko rin. Maayos naman ang kapaligiran sa bahay namin dahil residential area ito at halos magkakakilala na ang lahat ng tao. Kung may tambay man sa labas, panigurado, kakilala ko rin iyon.

Ito lang din naman ang tamang oras para pumunta sa patutunguhan ko lalo na't malabong makapasok ako kung umaga o hapon ako pupunta. Bago iyon, dumaan muna ako sa isang convenience store na malapit sa amin. Hindi ko matanggal sa isipan ko na gusto kong uminom upang mapagaan naman ang loob ko, nang sa ganoon, makatulog ako nang mahimbing pag-uwi.

Nagmadali na rin akong umalis para hindi ako abutin ng umaga. May pasok ako mamaya, pero kaya ko naman sigurong pumasok nang wala sa sarili. Matagal ko nang gawain iyon simula noong kolehiyo pa lamang ako. Kumbaga kung may expertise ako, iyon ang pumasok nang bangag at may hangover.

Ang convenience store na pinanggalingan ko ay sinubok na rin nang matagal na panahon, dito kasi kami tumatambay noon. At masaya ako na kinaya nitong manatili dahil may mga memorya nang nakaukit dito na ayokong bitawan.

Kung bibilangin ang mga minuto papunta sa patutunguhan ko, aabutin siguro ako ng labing limang minutong paglalakad. Ngunit dala siguro na mag-isa lang ako at nang malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakarating na 'ko sa pakay ko.

Sa pamilyar na tindig ng mga puno ng Banaba, ay ang matataas na kongkretong pader na humaharang papasok ng eskwelahan—sa Hanan Academy. Isinakbit ko ang plastic na hawak-hawak ko sa kanan kong braso para maghanda na sa pag-akyat sa puno. Matagal ko na 'tong hindi nagagawa, at alam kong iba ang lakas ko noong bata pa 'ko. Pero mukhang kaya ko pa naman, natatandaan ko pa ang pakiramdam kung paano namin inaakyat 'to.

Dear My YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon