Dear My Youth
Jac FernandezMasasabi ko na magaan ang umaga na kasama sila; ito ang tipo na hindi mabigat sa pakiramdam na bumangon ka, sapagkat ito'y kabaligtaran.
Sabi nga nila, In life, kapag nagkaroon ka ng dalawang kaibigan, maswerte ka na, at kung tatagal kayo ng higit na pitong taon, it's a friendship for life.
Alam kong malaki ang posibilidad na magkahiwalay na kaming magbabarkada. Siguro ito na ang huling first sunrise of the year na pagsasaluhan naming lima dahil maghihiwalay na kami ng landas pagkatapos ng high school, ilang buwan na lang ang bibilangin.
Masaya ako dahil parte sila ng kabataan ko; si Sienna, Jorge, Loren, at pati na rin si Kyohan kahit na nakaraang taon lang s'ya napabilang sa'min. Sila ang bumuo sa kabataan ko.
"Anong New Year's Resolution n'yo?" tanong ni Jorge pagkatapos ay humikab na may kasama pang nginig. Nakahalukipkip ito dahil paniguradong nilalamig s'ya kahit pa nakasuot na sya ng long sleeves.
"Hindi natutupad 'yon kapag sinasabi," ani Loren na nakasandal sa puno katabi ko.
"Korni mo," si Kyo naman ang nambara na lagi n'yang ginagawa dahil trip n'yang asarin si Loren palagi, kumbaga hobby n'ya na ito. Papalag na dapat ang isa, mabuti na lang ay madaldal si Jorge kaya natabunan ang sasabihin ni Loren.
"Ikaw, Sienna? Tumalon ka ba para tumangkad ka na?"
Umirap si Sienna na napakadalang lang n'yang gawin, ayaw n'ya kasing binabanggit ang tangkad n'ya na ilang taon na ay hindi pa rin nagbabago. Kahit tuloy magkokolehiyo na kami ay mukha pa rin s'yang bata. Sa amin lahat, s'ya na siguro ang matuturing na 'okay', at s'ya ang hindi kailangan ng New Year's Resolution.
"Hindi na 'ko umaasa," halos pabulong n'yang sagot.
"'Wag kang mag-alala, hangga't 'di ka pa eighteen, may pag-asa pa 'yan," ani ko naman tsaka 'to binigyan ng ngiti, pero sa loob-loob ko ay inaasar ko rin s'ya.
Napa-sunod ang tingin ko kay Jorge na napatayo mula sa kinauupuan n'yang malaking tipak ng bato. Mula sa mga inaantok n'yang pares ng mga mata na halatang puyat pa katulad lang din ng lahat sa amin, ay nakita ko kung ano ang nakapukaw ng atensyon n'ya. Sa ilalim ng puno ng Banaba, nandoon ang mga puting bulaklak na ngayon ko lang din napansin.
"Matagal na ba 'tong nandito?" tanong nito na kumuha ng atensyon naming lahat.
"Dandelion ba 'yan?" Lumapit si Sienna sa kinaroroonan nito, at ako naman ang agad na sumunod. "Ang ganda."
"Totoo ba 'yan? Posible bang tumubo rito 'yan?" sunod-sunod na tanong ni Loren.
"It's the power of nature, p're." Iginawi ni Kyo ang isang kamay n'ya sa paligid na parang namamangha sa mga nakikita n'ya. "Everything in this world is simply inexplicable," paandar na naman nito habang naka-akbay sa nakangiwing si Loren. Kung alam lang talaga ng mga tao ang side ni Kyo na 'to na nakatago sa emo na porma n'ya, siguro ay mas marami s'yang kaibigan.
Inalis ko ang tingin sa dalawang lalaki para ipukaw sa isa namang lalaking nakaluhod at mangha rin sa power of nature.
"Huwag mong bunutin, magiging bulaklak pa 'yan," suway ko kay Jorge, pero agad-agad nito akong inasar at pinorma ang mga salita sa bibig n'ya na "I already did, bitch." Ang sarap talaga n'yang sabunutan, kaya siguro pinaparusahan ang mga tao ni Mother Earth dahil sa mga taong katulad ni Jorge.
Katulad ni Jorge, hindi rin nakinig sa'kin si Sienna at bumunot ito ng isang dandelion seed. "'Di ba may superstition na kapag humiling ka at hinipan mo 'to, matutupad ang hiniling mo? Subukan kaya natin? Ang boring naman paulit-ulit na lang 'yong New Year's Resolution na hindi natutupad."
"Hindi naman ata totoo 'yon," paninira ni Loren ng mood, sa aming lahat, siya ang may napaka dry na sense of humor. Mabilis s'ya sa bola, pero mahina s'ya sa pag-pick up ng mood at madalas sa joke.
"Superstition ang sabi, hindi milagro," paninira ko sa sinabi nito.
Malakas na tumawa si Kyo kaya naman lalong bumusagot si Loren. Agad din s'yang sumunod sa pagbunot ng dalawang piraso ng bulaklak kung saan binigay n'ya sa'kin ang isa kaya nadampi ang malamig na mga daliri n'ya sa'kin. "Atsaka saktong lima lang ang bulaklak, baka para sa'tin na talaga 'to."
"Pero malay n'yo...baka kailangan na rin natin ng milagro," ang sabi ko naman pampalubag loob sa lalaking kanina pa inaalaska. "Kung iisipin ilang buwan na lang graduate na tayo, college na, hindi natin alam ang susunod na mga mangyayari."
"Drama mo naman," si Jorge.
Nagdikit halos ang pares ng kilay ko. "Shut up, George," pang-aasar ko sa pangalan n'ya dahil ayaw na ayaw n'yang namamali ang pagbigkas dito. Nahalata ang pagkainis nito sa'kin dahil lumaki ang butas ng ilong n'ya na insecurity n'ya. "For sure, ang hihilingin mo lang naman ay tumangos ang ilong mo!"
"Okay, foul!"
Napangiwi ako nang may pumisil sa pisngi ko. "Okay, manahimik na kayo," utos ni Sienna. "Bumilog na tayo para humiling. Let's make a wish for our future."
Tumahimik na kaming lahat kahit na sa porma namin ngayon ay mukha kaming kulto na magdarasal sa umaga. Bahagyang naging singkit ang mga mata ko nang biglang humawi ang mga ulap para magbigay daan sa araw. Tumapat ito sa kinaroroonan namin kaya naging maaliwalas ang mga mukha ng bawat isa sa'kin.
Sa tapat ko, nakapikit na nang mahigpit si Sienna. Mukhang alam na n'ya ang hihilingin n'ya. Hanggang sa dumapo ang mga mata ko kay Jorge na nakatingin din sa'kin bago ito magsara. Hindi ko na sinilip ang sa dalawa dahil alam kong pareho na silang nakagawi upang humiling.
Natira ako sa aming lima na mulat ang mga mata, dahil sa amin, ako lang ang nalilito. Wala akong gustong hilingin, sapagkat malabo para sa'kin kung anong gusto kong mangyari pagkatapos ng high school. Binitawan ko na ang hiling ko na makapasok sa UP dahil una sa lahat ay alam kong hindi ako papasa. Ultimo ang pagsusulat ay gusto kong bitawan. Natatakot akong pumalpak at mabigo sila Mama at Papa sa desisyon ko. Ngunit mas natatakot akong makita ang sarili kong pumalpak. Kaya sa huli, hindi ko alam kung saan ako patungo.
"On the count of three, hihiling tayo. Sabihin n'yo sa isipan n'yo ang hihilingin n'yo. Kapag tapos na kayo, sabihin n'yo para sabay-sabay na natin 'tong hihipan."
Nagbigay ng oo ang lahat, habang naiwan akong pinagmamasdan sila. Marahan kong ipinaloob ang dandelion sa palad ko para itago 'yon at ibalik mamaya kung saan iyon nanggaling.
"Tapos na 'ko," nanguna si Jorge. Sana lang hindi talaga ang nose job na lagi n'yang hiling ang hiniling n'ya this time. Sa totoo lang, hindi naman n'ya kailangan ng nose job, oo kinulang s'ya sa nose bridge, pero pogi pa rin naman s'ya at lagi s'yang mukhang malinis.
"Ako rin," nagsabay si Loren and Kyo.
"Ready na rin ako... ikaw Isay?" tanong ni Sienna. Mabuti na lang ay nakapikit pa rin silang lahat kaya hindi nila ako nakikita.
"Ready na," pagsisinungaling ko.
Umayos ng tindig si Sienna; humugot ito ng hangin bago muling magsalita, "Okay... one, two, three."
Tumama sa'min ang simoy ng hangin kaya pagkahipan nila sa bulaklak ay lumipad ang mga mata ko sa nagkalat na piraso ng mga bulaklak. Naningkit ang pares ng mga mata ko dala ng pagtama ng araw na nagsasabing simula na ng bagong umaga. Sa mga bulaklak na 'yon ay nakapaloob ang hiling o pangarap nila patungo sa alapaap, o kung saan man iyon mapunta. Hindi man ako nakahiling para sa'kin, umaasa ako na gamit ang mga bulaklak na iyon ay matupad nito ang nasa puso't isipan nila.
❋❋❋
BINABASA MO ANG
Dear My Youth
Ficção GeralLiving in an endless loop of languishing every day, Isabella Roxas reminisced her youth in desperation to feel the freedom she once had and the dreams she let go of. With the bittersweet pain of remembering comes her regret of failing to make the ri...