16

69 7 1
                                    

Amira's POV

"And this is the Cafeteria."

Inikot ko ang tingin ko sa buong Cafateria. Kahit naman di sabihin ni Shon at Chester alam ko ang paikot ikot sa kumpanya na to. Nagtrabaho kaya ako dito.

"Sakto lunch time. Kain na muna tayo." Yaya ni Jim.

Naglakad kami sa isa sa mga mahahabang upuan at doon naupo.

"Ako na kukuha ng pagkain niyo." Alok ni Jim na tinanguan naman nila.

"Pagod ka na ba?" Tanong ni Henry sa akin.

Ngumiti ako sa kanya saka umiling.

"Hindi pa. Ikaw ba? Ayos ka lang ba? Di ba sumasakit ulo mo sa mga kailangan mong tandaan?" Balik na tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Tumingin siya sa malayo saka umiling.

"Pamilyar. Pamilyar sa akin ang lahat. Ang bawat gilid ng kumpanyang ito sobrang pamilyar." Sagot niya.

"Sempre naman. Halos sampung taon mong inalagaan at pinrotektahan ang kumpanyang to Boss. Mahal na mahal mo to eh." Sagot ni Shon.

Ibinaba niya ang dalawang plato sa harapan namin at ilang plato sa gitna.

Curry at fish fillet ang menu. Nagdala din sila ng salad at juice.

"Ganoon ba? Kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Kumportable." Sagot naman ni Henry saka ngumiti kay Shon.

Tila naman nagulat si Shon at napatigil ito saka ngumanga.

Ahm. Ang OA nila ah.

Umupo sila Shon at Chester sa harapan namin katabi naman nila sila Jim at Jam.

"Paano ba naging sa akin ang napakalaking kumpanyang ito? Sa ganitong edad ko." Tanong ni Henry saka nagsimulang kumain.

Sumubo ako ng curry at kanin bago tumingin kila Shon at Chester.

Nagtingin pa silang dalawa saka sabay na ngumiti.

"Ikaw ang nagiisang anak nila Mr. and Mrs. Borrison. Uhm. Sempre anak din ni Mr. Borrison si Thea but anyways, ikaw ang eldest so technically ikaw ang magmamana nito. Eversince naupo ka as CEO mas gumanda ang pamamalakad sa kumpanya. Maybe because lumaki ka sa maayos na pamilya. Mabait ka Boss, lalo na sa nangangailangan pero demonyo ka sa mga kaaway mo, natin. Sa mga taong mahilig mang apak ng mahihina. Ayaw na ayaw mo sa ganon. Kahit cold ka idol ka namin ni Pakner. Mahal na mahal ka namin Boss." Kwento ni Shon.

"Yeah. We respect you a lot Boss. Whatever your desicion is, we will always respect it." Dagdag pa ni Chester.

Tumingin ako kay Henry na napatingin sa plato niya.

Hindi ako makapaniwalamg ganitong klaseng tao siya.

Cold? Demonyo? Hindi ko nakikita yan sa Henry na nasa tabi ko ngayon.

Lagi yang nakangiti, maalalahanin, masipag at pala biro. Oo tahimik siya pero kahit ganon napaka approachable niya.

"Sino? Sino dyan?!"

Napalingon kami nang may babaeng nagsisisigaw sa entrance ng Cafeteria.

Uminom ako ng juice at halos maibuga ito nang makitang si Ms. Peñalba. Ang secretarya ng Presidente ng kumpanya, na si Cal.

Ngayon ko lang din nalaman na si Cal pala ang Presidente ng kumpanya. Di naman kasi sya madalas mapunta sa quarters naming mabababang empleyado.

"Loiuse!" Tawag ni Jim sa kanya.

Psycho...or not? (SiP Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon