Tres

249 9 0
                                    

Dane

"I hate you!" I scream at sinampal siya.

"Ouch. Haha, Malay ko bang matatakutin ka pala?." Natatawang sabi niya kaya inirapan ko siya. Tinakot ba naman ako. Syempre nakakatakot kaya, muntik na akong atakihin sa puso dahil sa kaba.

"Kahit naman sino 'yon matatakot. Kita mong nag-uusap tayo tungkol sa aswang, syempre matatakot ako!" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Kaya mo'ko sinampal?" Natatawang tanong niya kaya mabilis akong tumango.

"Bagay lang 'yon sa'yo Kuya. Tripper ka kasi eh." Busangot ang mukha ko.

"Dito ka natutulog kapag andito ka?."

"Yeah." Sagot niya. Hindi kasi ako nakakapunta dito kapag pumupunta sila dito. Nag-s-stay ako kina Tita Rose kapag pumupunta sila dito.

"Soooo, Kuya. Alam mo namang wala na si Lolo curious lang ako ano ba talaga ang ikinamatay niya at bakit ayaw ikwento saakin ni Mom or dad neither?." Tanong ko sa kaniya habang inaayos niya ang mga bag namin sa gilid.

"Lagi kang curious Dane" Mababang sagot niya kaya binato ko siya ng sapatos ko na agad niya namang naiwasan at ibinalik saakin.

"Ano ba kasi!"

"Sa'yo nga hindi sinabi sa'ken pa kaya?." Sagot niya kaya nanahimik ako saglit. Oo saglit lang dahil naiisip kong tama siya.

"Pero. May narinig ako noon. Si Lolo ay na yanggaw daw kaya namatay." Muling pagsasalita niya kaya nanlake ang mata kong sinusuot ulit ang sapatos ko.

"Seryoso kuya? Yanggaw? Hindi ko alam kung ano talaga 'yan pero parang nakakatakot na." Nakangiweng sabi ko kaya ngumise siya.

"Yanggaw. Ang yanggaw ay parang inaaswang ka. Yung bibigyan ka nila ng mga pagkain o inumin at kung matitikman o mainom mo man ito. Pwede kang maging isa sa kanila. They can put a squab on your stomach nor other insects." Sagot niya kaya napatango ako. Pwede na palang maging albularyo itong si Kuya sa dami ng nalalaman.

"May gamot paba?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Maraming albularyo ang kayang manggamot ng ganiyan. Trust no one. 'Wag na wag kang basta kakain sa bahay ng kahit sino. Ka-klase mo man, kaibigan o kahit sino pa unless kilalang kilala mo talaga." Sabi niya kaya napatango ulit ako. Noted. Totoo naman ang sinasabi kasi ni Kuya. Trust no one. Kasi saan ba nagsisimula ang traydor? Sa kakampi.

"Meron ba nun dito Kuya?" Tanong ko ulit.

"Marami. Capiz nga diba?"

"Ehh. Wag naman kasi tayong basta basta man ganiyan. Hindi naman siguro lahat ng taga-Capiz ay aswang."

"May sinabi ba'kong lahat? Sabi ko marami lang. Kita mo 'to nangbintang pa. By the way pati rin pala sa Ilo-Ilo marami din doon." Sabi niya kaya nanindig ang balahibo ko dahil sa takot na hindi lahat ng nandito sa mundo ay tao talaga. Shit!

"Yung witch kuya, totoo din ba 'yon?"

"Syempre. Kalahi mo eh."

"Kuya naman! Seryoso kasi!" Angal ko sa kaniya dahil sa sagot niya. Pinagtripan ba naman ulit ako.

"Biro lang. Syempre. May albularyo nga mangkukulam pa kaya?" Sagot niya, nabagot ako kakatayo kaya pumunta akong kama at nahiga.

"Ilang libro ang nabasa ko tungkol sa witch hindi ko parin alam kung totoo bang may Puti at itim na mangkukulam."

"Totoong ganiyan ang kulay nila." Sabat ni Kuya.

"Talaga? Baka kasi isa ka sa kanila." Pilosopong sagot ko and I recieve a deathglare from him.

"Baka nakakalimutan mong magkapatid tayo? Edi syempre pareho tayong witch kung sakali." Sagot niya kaya parang na turn the table.

"Tch. Hindi ako papayag. Puputulin ko ang pagkakapatid natin." Mayabang na ani ko sa kaniya.

"Sige ng makulam kita." Sagot niya naman kaya napa kunot nalang ako ng mukha dahil kahit yata anong gawin ko hindi ko parin siya matalo-talo pagdating sa sagutan. Makata kasi ehh!

...
SP

Trip To CapizWhere stories live. Discover now