Dane
"Oo na po, Mr. Albularyo" Nang-iinis na sabi ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot kaya binalik ko ang tingin ko sa garden pero napako talaga ang tingin ko sa puno ng balete daw na sabi ni Kuya.
"Totoo bang may kapre talaga diyan?" Turo ko sa puno ng balete.
"Sinabi ko na diba?" Pabalik na tanong niya saakin.
"Tsaka ibaba mo nga yang kamay mo. Hindi mo ba alam na bawal ang mga ganiyan?" Saway niya saakin at ibinaba ang kamay kong nakaturo sa puno ng balete.
"Bawal ang ano?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Bawal ang magturo ng turo. Kung ano 'yong nakikita mo h'wag mo basta bastang ituro o inguso, sabihin at banggitin. Might as well shut up your mouth and don't speak any word." Pangangaral niya saakin.
"Bakit?"
"May nakapagsabi saakin na minsan daw kapag mag tuturo tayo ng kung ano-ano at may mga taong hindi tulad natin ang hindi magustuhan 'yon ay pwede nilang putulin ang kamay mo. O kahit ngumuso kalang sigurado akong pag-uwi mo bitbit mo na ang bibig mo." Sabi niya kaya hysterical akong napahawak sa bibig ko.
Grabe naman pala 'yon. Nakakakaba.
"Tapos eto pa. Pagnakakita ka ng bahaghari o rainbow sa tuburan o kung sa tagalog pa. Balon. Lumayo ka wag lang lalapit. It's really dangerous." Pangangaral niya at aatras na sana ako para sumaway ng kantang 'Dangerous' pero wag nalang.
"Bakit?" Curiously, I asked.
"Hinihigop ka nito" Nakangiteng sabi niya.
"Uh... that was very cool but creepy." Nakangiweng sabi ko at tumingala. May sunset. Hapon na pala.
"Ang ganda" manghang sabi ko. It's really relaxing to meet the sunset.
Mabilis na lumipas nag minuto at tuluyan ng lumubog ang araw at napalitan ng buwan.
"Parang super moon" Komento ko dahil hindi pa kami umaalis ni kuya sa rooftop kahit gabi na at madilim. Thanks sa buwan na napakamaliwanag at nakikita parin namin ang paligid.
"Buwan. Yan ang mga panahon kung saan malakas ang kapangyarihan ng mga madilim na elemento." Biglang salita ni Kuya habang nakatingin sa buwan. Humangin ng malakas at sumabay sa pag-galaw ang buhok niya na nililipad ng hangin. The light of the moon reflected his perfect constructed face. Nasilaw ako dahil parang lumiwanag ang mukha niya na natatamaan ng sinag ng buwan.
"Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan." Pakantang sabi ko at bumungisngis.
"Aray naman!" Angal ko ng bigla niya akong pitikin sa noo.
"Seryoso ako dito tapos kanta kalang ng kanta diyan."
"Ehh. Kasi naman, May pa elemento kapa diyang nalalaman. Hindi naman kasi ako naturally na naniniwala talaga kasi hindi ko pa nga nakikita. Kinakabahan---natatakot. Oo naman syempre. Pero gusto ko yung makikita ko talaga para naman worth-it yung takot ko noh!." I exclaimed and crossed my arms. Kiniskis ko pa ito sa balikat ko dahil umihip ulit ang hangin at malamig na simoy na ang dala nito.
"Ganon?" Tanong niya kaya tumango ako.
*TIK! TIK! TIK!*
Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang hindi pamilyar na tunog.
"What's with that sound?" I asked Kuya my eyebrows frows.
"Hindi ka naniniwala sa elemento diba?" Tanong niya.
*TIK! TIK! TIK!*
"Shit! It's really creeping me out. What's with that sound? What was that? A frog?." Natatarantang tanong ko sa kaniya.
Napa-poker face si Kuya sa sinabi ko. "Seriously, Dane? Frog?"
"I don't know! Malay ko ba kung iba ang tunog ng palaka dito sa Capiz?" I defended myself.
"Bend over. And watch with your back." Utos niya kaya ginawa ko.
Napatayo kaagad ako ng maayos at nagtatatakbong iniwan si Kuya sa rooftop.
"Mommy!!!" Sigaw ko habang pababa na ng hagdan.
"Dane wait!" Pahabol na sigaw ni Kuya saakin pero hindi ko siya binalikan. Bahala siya.
I thought it was cool to be in rooftop but that's the mistake that I thought. Since then.
"Anong nakita mo?!!"
"Isang taong walang buhok na buto"t balat, mahabang kuko at may buntot na gumagapang papalapit saatin!." Sigaw ko at pumasok sa kwarto namin ni Kuya.
Lumundag ako kaagad sa kama and wrapped the blanket around me.
It's creepy. And It's make me feel creepier the most because they really real!. Creatures like my brothet said was real! They were existing!.
Malayo man saamin ang nilalang na'yon pero klaro parin ng mga mata ko.
Gray colored skin. Big eyes na nanlilisik at ang dila nitong mahahaba sabayan pa ng mga kuko. Wala pang damit at may buntot! And it's worst gumagapang!!
...
SP
YOU ARE READING
Trip To Capiz
HorrorDane Asuncion is forced to go to Capiz with her brother Drew Asuncion. Is it because she broke the rule of their parents that she couldn't go outside when it's already late and to her sloid punishment she will stay there with her brother with her Gr...