Nuwebe

217 14 0
                                    

Dane

"Geez. I can't imagine myself being butchered by Aswangs." Kinikilabutan kong saad kay Kuya.

"Your imaginary sucks."

"Eh sa hindi ko ma-imagine eh.  ba? Naiisip ko palang ang mga wangis nila. Naiimagine ko yung mga mahahabang kuko. May mahabang dila. Mataas ang buhok na may nanlilisik na mata sabayan mo pa ng pakpak!" Giit ko.

"Wait" sabi ni Kuya at tumayo pumunta sa bag niya at kinuha ang isang notebook at lapis bago lumapit ulit sa'kin.

"Aanhin mo 'yan?" Tanong ko  kaniya.

"I'll sketch some example of aswang." Napamaang ako dahil sa sinabi niya.

"Nakakita kana ng aswang, Kuya?."

"Yeah" sagot niya.

"Lah! Paano?"

"Tingin ka sa salamin, Dane." Napabusangot ako dahil sa sagot niya minsan talaga hindi ko maintindihan ang liko ng utak nito. Masyadong magulo.

"May aswang na may apoy, Kuya?" Tanong ko kay Kuya at sumilip sa dino-drawing niya.

"Yeah."

"Anong tawag sa

"Santelmo"

Natahimik ako. Santelmo?

"Bakit santelmo?"

"Kasi nasa apoy sila. Hindi naman talaga sila Aswang. Actually halimbawa may nabaril tapos may naiwan na dugo doon. Doon nang-gagaling ang santelmo. Mula sa dugo ng tao."

"Pumapatay ba sila?"

Binaba niya muna saglit ang lapis. "Wala pa naman akong nalalaman na namatay dahil sa santelmo. Actually santelmo ang tawag kung tagalog. Kung sa ilonggo ang original na tawag ay Santermo. " Napatango ako. Tatandaan ko lahat ng sinasabi ni Kuya.

"Wala naman silang katawan, apoy lang sila na tumatalon, sabi nga nila pag nasa malayo ka at sinenyasan mo silang lumapit gamit ang sandok isang kisap lang andiyan na siya."

"O may! Totoo?" Gulat na tanong ko.

Tumango siya. "Sa pagkaka-alam ko. Oo"

"Masusunog ka kapag lumapit sila? Apoy diba?" Tanong ko st umiling siya.

"Yan ang hindi totoo, Dane. Ang santelmo kapag yumakap..."

"NANGYAYAKAP SILA?!" Gulantang kong sigaw sa kaniya, napangiwe siya pero tumango. Napayakap tuloy ako sa sarili ko. Damn!

"Kapag yumakap sila, Lamig ang mararamdaman mo" Parang mas natakot tuloy ako dahil sa sinabi niya. Cold na Santelmo ganun?.

"Anong mas delikado, Santelmo o Tiktik?" Tanong ko sa kaniya.

"Syempre walang mas lulupit sa tiktik." Sagot niya.

Oo nga naman. Tiktik. Tapos may Tiktok? Goddamn!. Tapos may mga tiktik pa sa bahay na'to, tapos isang buwan pa kami dito. Makaka survive paba kami sa takot na nagmumula sa bahay na'to?.

"May naalala ako Kuya" sabi ko.

"Ano 'yon?" Tanong niya at bumalik sa pag drawing ng Aswang.

"Yung tito daw ng classmate ko dati, Nakakita daw ng Kapre sa isang puno. Diba magka tagpi-tagpi ang puno ng saging, mahirap lusutan diba? Yung tito niya daw nalusutan ang Puno ng saging dala ng takot sa Kapre. Kinabukasan tinry niyang lumusot ulit, di na siya nagkasya." Medyo natawa pa ako sa kwento ko. Totoo kasi yon.

"Takot, Dane. Hindi mo alam ang magagawa ng takot sa'yo. Kahit nga siguro butas ng daga kasya ka dahil sa takot. May dalawa kasing klase ng tao pag takot. Yung isa tatakbo, yung isa naman hindi maka-galaw at paminsan minsan nahihimatay pa nga." Explain ni Kuya. Napatango ako dahil sa sinabi niya. Ako kasi pag takot tumatakbo.

"Pero minsan kailangan mong harapin kahit takot ka"

"Hell no!" Kontra ko kaagad. Lasing lang siguro ang matapang na haharap sa mga ganong klaseng mga nilalang o kahit mga lasing nga siguro magiging hindi na lasing pag nakita ang mga nilalang na'yon.

"Depende lang naman sa'yo." Natatawang sabi niya ng makita ang pamumutla ko. Hinding hindi ako haharap sa Aswang!. Tatakbo ako ng mabilis pa sa flash kapag nangyareng may nagpakita. Karera kung karera importante buhay.

"Oh eto na" sabay abot ng notebook at tinignan ko ang mga drawing niya.

"Ano 'to?" Tanong ko sa parang pusa na mahaba.

"Sigbin"

"Eh? Ano na naman yan?" Tanong ko.

"Mga taong parang aso na pusa pag nag transform" Nilipat ko kaagad ang pahina dahil nangilabot ulit ako.

Hindi normal ang mundo!. May mga hindi taong akala natin ay hindi nag e-exist but in the first place mas nauna pa pala sila kesa sa tao.

"Paano mag transform ang aswang, Kuya?"

"May mga aswang na hindi nag t-transform, Dane. Pero kadalasan, sa pusa, Aso, baboy. Ganun" sagot niya.

Hindi ko parin lubos maisip kung papaano nila magagawa 'yon diba? Like I mean. Pusa? Tao naging pusa? Diba parang mahirap paniwalaan pero sa iba akala nila powers? Pero iba na pala. Isa siyang sumpa.

"Madalas nila itarget ang mga buntis."
Sabi ni Kuya kaya napalunok ako.

"Ibig sabihin kapag may buntis maraming aswang?"

"Oo, Dane. Hindi lahat ng dumadalaw sa buntis ay tao, kadalasan sa mga nangangamusta at hindi maalis ang tingin sa tiyan ng buntis ang mata, posibleng sila."

"My ghod" para akong na highblood sa nalalaman ko mula sa Albularyo kong kapatid.

"Huwag kang matakot sa mga aswang. Hindi naman sila nang-aano kaagad well unless kung kaaway mo. Sure talagang uunahin ka. Kaya kung ako sa'yo wag kang basta basta nang-aaway dahil hindi mo alam hindi na pala tao ang inaaway mo at balikan kapa ng pamilya at gawing hapunan" oh god jesus.

Muntik na'kong mapa sign of the cross dahil sa sinabi ni Kuya.

...
SP

Story about Santelmo and Kapre above is from my real experience and real story. Actually yung sa Kapre totoo talaga 'yon. And about Santermo kasi Ilongga ako, Totoo talaga yun. I swear! Nakakita na kami.

Trip To CapizWhere stories live. Discover now