Trise

175 10 0
                                    

Dane

"WHERE have you been?" Bungad ni Kuya habang naka-kunot noo.

"Somewhere" kibit balikat kung tugon sa kaniya.

"Where?" Tila inis na tanong niya ulit.

"Basta. Doon" nguso ko sa kabilang bahagi ng daan.

"Anong ginawa mo doon?" Tanong niya at nagkibit balikat ako ulit.

"Wala naman. Gumala lang naman ako eh. Tsaka asan na mga pinamili mo? Uuwi na ba tayo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nasa kotse na. Let's go." Kumapit naman ako sa braso niya at sabay kaming lumakad papuntang kotse.

"I never thought na magugustuhan ko ang lugar na'to aside from those creepy creatures." Pagsasalita ko at mahina naman siyang natawa.

"Maganda naman talaga dito." Sagot niya.

Oo nga maganda dito. Masaya din kausap 'yong lalakeng 'yon kanina. Na-enjoy ako sa kwento niya. Actually marami akong nalaman tungkol sa iba pang mga nilalang dahil sa kwento niya. Tama nga si Kuya marami talagang mga aswang sa lugar na'to but I think safe parin naman kahit papano.

Nakarating kami ni Kuya sa bahay ng matiwasay. We look like we sneek out dahil sa bilis ng kilos namin na ilagay sa kwarto namin ang mga pinamili namin. Nakapagtataka nga na walang katao-tao dito ngayon. Where's Lola Maricar and Nanay Esmeralda?.

"Pinagpawisan ako 'don ah." I mumbled habang inaayos ang pinamili namin. Mabuti naman at kaya ni Kuya ang isang sakong bigas. Syempre asan ang silbi ng pag-g-gym niya kung hindi niya kaya?.

"Teka ano 'to--Okaay?...pako? Martilyo? Baka naman bumili kapa ng semento diyan Kuya ha?" Tanong ko habang nilalagay sa gilid ang mga pinamili niya. Hindi naman siya sumagot at pagtingin ko sa kaniya natulog na siya. Napailing nalang ako, pagod na pagod.

Lumabas muna ako para hindi ko siya magulo habang natutulog. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa tapat ng pinto ng Music Room. Huminga muna ako ng malalim bago unti-unting pinihit ang siradura ng pinto.

Kahit ilang beses ata akong pumasok dito ma-mamangha parin ako ng paulit-ulit. Umupo ako sa upuan ng Grand Piano. Malinis. Walang alilabok, siguro alagang-alaga 'to nila lola.

I pressed the key at kaagad na pumikit at dinadama ang dala ng tugtog ng piano.

And start singing the song.

*Translation: Korean to english. I can't find any song so I decided na korean muna*

"boiji anhneun neol chajeuryeogo aesseuda"

I try to find you, who I can’t see

"deulliji anhneun neol deureuryeo aesseuda"

I try to hear you, who I can’t hear

"boiji anhdeon ge boigo"

Then I started to see things I couldn’t see

Napatigil ako sa pagtipa ng maramdaman ko ang malakas na presensya sa likod ko. Kinakabahan kong nilingon ang likuran ko.

"Jusko! Nanay Esmeralda!" Gulat kong sabi at napatayo.

Tinignan niya ako at ngumite.

"Ilang taon narin simula ng may tumugtog sa piano na'yan. Ija. Mabuti naman at naisipan mong patugtugin." Nakangite niyang sabi saakin.

Kinakabahan parin ako pero pinilit kong ngumite ng normal na para bang hindi ako muntik nang ma-heart attack.

"Kamukhang kamukha mo talaga siya, Ija" Biglang usal niya kaya napatanga ako. Kamukha? Sinong kamukha ko?

"Sino po?"

"Señorita Allysandra"

...
SP

Title of the Song: Miracles In December by EXO

Trip To CapizWhere stories live. Discover now