Anything

1.5K 74 92
                                    

May-ari ng JP Group of Companies, isa nanamang tinanghal sa Time.

Samu't-saring awards ang nakuha nito.

Rinig mo sa balita habang naglalakad ka sa kalye at naghahanap ng trabaho. You had to work for jobs, para sa mga kapatid mo who were still little dahil sa pang-uulila ng iyong mga magulang.

The sad part is, you didn't even get to 1st year highschool. You chose to work, iniwan kayo noong nasa grade five ka pa lang, sampung taong gulang ka lang noon at ang mga kapatid mo'y nasa edad lima at tres.

"GULAY! GULAY KAYO D'YAN!" Sigaw mo habang babad ka sa initan, buhat-buhat ang paninda.

Janitress ka naman sa gabi hanggang madaling araw. Irregular ang iskedyul mo marahil ay hindi ka graduate.

'Para sa kanila, Tonton at Jimoy." You thought out of motivation. You looked up sa isang building, 'Sana lahat pribilehiyo, sana lahat may pambayad at hindi na iisipin ang gastos.'

Isip mo.

Naglakad ka na lang habang nagtitinda. "Neng, magkano 'yan?" Tanong ng isang ale.

"Ito ate labing-dalawa po. Mas mura na nga po 'to kesa sa palengke. Hahaha!" Saad mo.

"Ay nako neng, sinabi mo pa! Sige, sige, bigyan mo 'ko ng limang talong, limang kamatis tapos dalawang kangkong 'saka kalamansi. Tapos ito at ito rin" Turo niya. Inilagay mo ito sa supot, "Iha, parang ang bata-bata mo pa, ilang taon ka na?" Tanong niya.

"Kaka-bente lang po. Kayo po ano lulutuin ninyo?" Sagot mo at tanong.

"Ahh, grabe ang bata mo pa tapos ang sipag, sangkap ko kasi ito para sa handaan ng pamilya ko. Sinigang at iba pa ang lulutuin ko." Sambit niya sa'yo at ngumiti.

"Naku! Siguradong masarap ho kayo magluto." Sabi mo nang nakangiti. "Oh ito pala bayad,"

"Eto po 'yong sukli." Balik mo ngunit tinanggihan niya ito. "Hala, limang daan ho ito nay!"

"Ay nako, iha kunin mo na." Tutol ka pa sana sa kaniya kaso tumawid na ito bago mo pa nahabol.

'Sayang, hindi man lang ako nakapagpasalamat.' Sambit mo sa utak.

Patuloy kang nakababad sa arawan hanggang sa maubos mo ang paninda. Hindi ka kasi makapagbenta sa palengke dahil may upa roon.

Umuwi ka at sinalubong si Tonton at Jimoy. "ATEEE!" Sigaw nila.

"Oh! Kumusta araw ninyo mga bubwit!?" Asar mo.

"Ate! Naka-perpek ako sa exam!" Tuwang saad ni Tonton, ang pangalawa, grade ten na siya. "Naku! Congratulations!"

"Ako rin ate!" Saad ni Jimoy, ang pangatlo, grade six.

"GRABE! ANG GAGALING NAMAN NG MGA KAPATID KO!" Yakap mo sa dalawa.

"Heto! Nakabili ako ng tatlong hotdog. Malaki kasi ang naibigay sa'kin ngayong araw." Natuwa naman ang mga kapatid mo sa tatlong piraso ng hotdog.

Minsan lang kasi kayong makabili nito, pagnakaluwag lamang.

Y/N's POV

Tinawagan naman ako ng kumpaniya na pumunta raw ako ng alas-7 ng gabi para maglinis.

-

Naglilinis ako nang tawagin ako ni Kuya Robert, "Dai, 'lam mo ba? Dadating daw boss natin bukas?" Saad niya.

Dos | Tricia Robredo One-shotWhere stories live. Discover now