Bruhitang Doktor

1.5K 99 183
                                    

Y/N's POV

Bwisit! Bwisit! BWISEEEETTTTT!

"Hayok na hayok sa presensiya ko 'yung doktor na 'yun! Iisipin ko na talagang may crush 'yun sa'kin!"

"Kung 'di ko lang kasi specialization 'to eh!" Hilamos ko sa mukha ko habang nasa banyo ako.

Lumabas na ako dahil tinatawag nanaman ako ng demonyitang 'yon, favorite akong sagarin, alam na pagod eh.

"Doc Y/N, tawag na po kayo ni Doc." Kinakabahang saad ni Jian, residente ng cardiothoracic surgery, mas nauna nga siya sa'kin eh. Tumango na lang ako.

Tinahak ko ang daan patungo sa E.R. Nagbubulyaw nanaman ito. "WHAT TIME IS IT? WHY ARE YOU NOT COMPLETE?! WHERE'S Y/N?!" Bulyaw niya. Psh! Engot pala siya, 'di naman ako dapat duty ngayon pero pinatawag!

"At ikaw naman Y/N!" Turo niya sa'kin na bagong dating. "Po?" Bakas ang pagkalamya ko sa tono.

"Gawin mo na lahat ng iuutos ko, you know the drill chop-chop! You, you assist me." Saad niya, nagising naman kaluluwa ko.

Gaga, inaasar ata ako nito? Pero keri na. Seseryoso na ako.

-

Pitong buwan ang nakalipas..

"Y/N, c'mon, ano ba 'yan?"

Inis na tanong ni Dr. Robredo. Rumolyo ako ng mata, heto nanaman kasi siya, nanggugulo.

Lagi naman ganito, ako lang pinupuna, hindi na nga pinupuna 'yung iba eh.

Minsan talaga feel ko may sapak 'tong doktor na 'to. Bruhitang Doktora!

"Ano 'yon?" Taas-kilay na tanong niya. "Wala po, DOC." Diin ko.

Itinuloy ko na lang ang pag-eensayo at nakakainis pa nga dahil sa klase namin, inatasan si Dr. Robredo sa'kin. Samantalang ang ibang kapwa ko doktor ay kasama 'yung mga pogi at mababait.

Akin, bruhitang doktor pa?! Urgh!

"Try again, Dr. L/N. Pangit ng ginawa mo." Deretsahang saad niya.

"Uy, why'd you let her do it again? Maayos naman ah? Ganda pa." Singit ng isang doktor na mukhang tropa si Bruhita. Kumindat pa nga siya.

Psh, buti pa siya marunong mag-appreciate.

"Shut up, Dr. Joseph. Do it again, Y/N." Bakas ang lamig ng boses niya. Luh, may pa-first name basis?

"Bakit po?" Tanong ko. "It needs to be perfect. Now, do it." Hawak niya sa kamay ko at napalingon na lang ako sa mukha naming magkalapit. Parang may kuryente sa mga kamay ko nang mahawakan niya iyon.

"Ako na nga d'yan Patricia. C'mere, Dr. Y/N. Pagpasensiyahan mo na si Patricia." Sambit ni Dr. Joseph at inilayo ako ngunit nahila rin ako pabalik ni Bruhitang Doktor.

"Dito ka lang, stay by my side." Saad ni Bruhita. Napakamot na lang si Dr. Joseph at natawa. "Sige, Dr. Y/N. I'll treat you some time." Kindat niya at kaway paalis, rumolyo naman ang mga mata ni Dr. Robredo.

Nilagyan naman ako ni Bruhita ng alcohol, 'yung totoo? Mukha ba akong bacteria?!

Lah, may saltik talaga 'tong si Bruhita. Jowa niya ata eh!

Pero want ko na umuwi, bakit kasi may pa-practice eh off ko naman, urgh!

-

Pitong buwan na gan'to pa rin ang ayos namin, papahirapan niya ako lagi! Kainis kasi maluwag naman na siya sa iba!

Dos | Tricia Robredo One-shotWhere stories live. Discover now