Y/N's POV
DALI-DALI akong nagkukumahog sa opisina, inutusan kasi ako ng mga ka-trabaho ko na bumili ng kape, pa-print at kung ano-ano pa.
Isang linggo na kasing wala si Patricia, oo, bagay sa kaniya Patricia hindi Ma'am Patricia.
Diba ang panget?! Hahaha!
"Hey you! Did you bring the copies of my work?" Saad ni Sabrina. Mataray pa itong nag-kukutiks.
"You peasant! Asaan na ang reporting ko?" Hindi ko naintindihan kung ano pahiwatig niya sa una pero ramdam kong hinahanap niya ang report niya para kay Patricia?
"S-Saglit lang po, ibaba ko lan--"
"Hoi nasaan na 'yung hinihingi ko sa'yo!?" Galit na usal ng ka-trabaho ko.
"Hindi ko pa po tapo--"
"Bobo ka talaga! Yuck! Illiterate, can't even do simple tasks. For all I know you didn't even grad--" Naluha naman ako sa unang sinabi niya, pinagdiinan talagang bobo ako.
Hindi ako makaintindi ng ingles pero hindi naman ako hirap sumunod.
Naiyak ako sa sinabi ng mga ka-trabaho ko, nagtago ako sa bundok-bundok na papel na hawak ko.
"That's why your brother is laying in the hospital dahil wala kang pambay---" Nagulat ako nang maputol siya ng suntok.
"Tonta! You're all fired! Don't make me review the CCTV!" Galit na saad ni Patricia. "But Ma'a--" Sabay-sabay nilang pamimilit sa boss namin.
"No excuses, I flew here, I reviewed the videos beforehand. Baka you all forgot na may mga mata ako? Lalo na sa loob ng company ko?!" Gigil na sambit ni Patricia.
Napatungo ang mga empleyado.
"I've had enough! You're all fired, get all your last pay sa HR!" Bagsak ni Patricia ng kataga.
Hinila niya ako papasok sa opisina niya. "Patricia, 'yung mga pape---" Nagkanda laglagan na ang papel na dala-dala ko kanina.
"The hell I care with that!" Binagsak niya ang mga papel na hawak ko.
"G-Gawang repo---"
"Wala akong pakialam! They don't deserve your hardwork! Mga putangina sila!" Galit ang maaninag sa mga magagandang mata niya.
"Did they hurt you?!" Tanong niya at hinawakan ang pisngi ko at pinasadahan ng tingin.
Umiling ako, baka kasi magalit pa lalo eh!
Hinawakan niya ang punong-braso ko, napangiwi ako. Shemz! Patay na!
Tinaas niya ang manggas ko. "Sino gumawa niyan sa'yo?" Tanong niya, umiling ako.
"Y/N, isa." Sabi niya pa. "Ano--Wala 'to. Nadapa lang ako." Rason ko.
"Dapa? Really?" Tumango ako sa tanong niya. "Dapa pero may burns ng cigarette?" Galit na tugon niya.
"Ano, kahapon lang 'to." Pagsisinungaling ko. Nagdilim ang awra nitong babaeng 'to.
Nakakatakot siya.
"Did you forget that I am a doctor?! I can see that your pasa are a week ago" Saad niya. Hirap naman 'pag doktor, bisto kaagad.
"H-Hindi ah!"

YOU ARE READING
Dos | Tricia Robredo One-shot
FanfictionTricia Robredo x Fem Reader Work of fiction po, don't take this seriously.