This story is inspired by the tattoo concept of a 2007 foreign commercial. All the characters, places, events and situations including the conversations are all came from and originally created by the author. This story is an intellectual property of Renz Esguerra, the author.
From the continuous success of my very own first romantic comedy story, Coz U Are Da One. Here is my second romantic comedy story, JUST LIKE A TATTOO! Ang istoryang tatatak sa inyong mga puso! Basahin na!
CHAPTER I: ANG HULA
“Ineng, ang lalaking makakatuluyan mo ay may tattoo ng ahas sa hita.”
Nandito ako sa labas ng simbahan kung saan maraming manghuhula at nagpapahula. Katatapos ko lang magsimba at naisipan kong magpahula muna sa isang matandang babaeng manghuhula. Naawa din ako sa kanya dahil wala siyang mauto este mahulaan na customer kaya naman nagpahula na ako sa kanya.
“Talaga po?” tanong ko na may halong saya.
“Oo ineng,” sagot sa akin ng matandang manghuhula habang hawak-hawak pa rin ang aking palad.
Pagkatapos kong magpahula ay umuwi na ko. Pag-uwi ko, sinabi ko sa aking ina ang sinabi ng manghuhula.
“Mama, kanina nagpahula ako sa labas ng simbahan. Sabi sa akin, makakatuluyan ko daw po ang isang lalaking may tattoo ng ahas sa hita,” pagkukuwento ko.
Tinawanan lang ako ng aking ina, “Naniwala ka naman anak?”
Ang totoo niyan, hindi naman ako naniniwala sa mga hula. Nagkataon lang na pumasok sa isip ko na magpahula kaya sinubukan ko.
Ako si Joey. Babae po ako. Johanna Marie A. Ledesma ang buo at totoo kong pangalan. Naging Joey ang palayaw ko at tinawag sa akin dahil gustong-gusto ni papa na magka-anak sila ng lalaki pero laking gulat nila na ako pala—isang babae ang lumabas. Dahil sa frustrations ni papa, kahit babaeng-babae ang pangalan ko ay ginawa naman niyang pang-lalaki ang palayaw ko.
Boyish ako simula pa noong bata. Kung anu-ano kasing mga pang-lalaking gawain at trabaho ang pinapagawa sa akin ni papa noon. Pero ngayon, hindi na dahil patay na ang papa ko. Namatay siya sa isang inuman kaya naman kami na lang ng mama ko ang naiwan.
Mahirap lang kami. Nag-aaral ako sa isang public school at fourth year high school na ako. Ewan ko nga kung makakapag-college pa ako eh.
“Joey! Nandyan ka ba?”
“Oo! Nandito na ako! Pumasok ka na!”
Siya nga pala, meron din akong bestfriend na lalaki. Siya si Makoy. Palagi kaming magkasama niyan simula pa noong bata ako. Nakilala ko siya noong nasa elementarya pa lang ako. Natatandaan ko, may nang-away kasi noon sa aking grupo ng mga lalaking estudyante. Palibhasa boyish nga ako kaya imbis na mga babae at pakikipagsabunutan ang gawin ko, mga lalaki at pakikipagsuntukan ang binabagsakan ko. Tinulungan ako ni Makoy noon. Tinulungan niya akong tumakbo.
BINABASA MO ANG
Just Like A Tattoo (Complete Romantic Comedy Story)
Teen FictionJoey is a typical high school girl who has a secret admiration to Billy, a basketball star player in their campus. What will happen if a fortune teller told her that the man for him has a snake tattoo beneath his leg? Will she believe on the fortune...