CHAPTER II: ANG MAKE-OVER
“Ano ba ‘to?! Damit pa ba ‘to?!”
Tanong ni Lorena habang hawak-hawak ang isa kong pambahay na damit na butas-butas na at may mantsa pa. Nandito kasi kami ngayon sa loob ng aking kwarto. Tinitignan niya kasi ang mga klase ng damit na meron ako.
“Akin na yan! Pwede pa yan noh?! Pambahay lang naman eh,” depensa ko sabay hablot ng damit na hawak niya.
“So wala ka talagang balak i-let go yan?” nagtatakang tanong niya sa akin.
Umiling-iling lang ako.
“Hay nako Johanna Marie! Pano ka gaganda niyan kung ayaw mong alisin ang mga bagay na makakapagpapangit sayo?”
“Hindi naman sa ayaw alisin. Pambahay lang naman ito eh,” depensa ko pa sa damit ko.
“Yun na nga eh. Pambahay mo lang. Paano kapag biglang pumunta dito sa bahay niyo si Billy tapos nakita ka niyang nakasuot ng ganyang damit, edi na-turn off sayo yung tao?” paliwanag niya.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga noh?!
“OK, itatapon ko na.” desisyon ko naman.
“Good,” nakangiti niyang sagot.
Halos wala namang natira sa damit ko nang ihiwalay namin ni Lorena ang mga damit na magaganda sa hindi. Ganun ba kadami ang pangit kong damit?
“Lorena, mukhang wala na akong masusuot na damit. Halos lahat yata ng damit ko nandyan na sa plastic bag na yan eh,” tukoy ko sa plastic bag na naglalaman ng mga itatapon kong mga damit.
“Anong yata? Talagang nandito lahat ng damit pong patapon noh?! Ano ka ba friend, ngayong gabi ang simula ng pagbabago sa buhay mo.”
“Sigurado ka ba dito sa ginagawa natin?” tanong ko.
“Hindi,” walang-habas niyang sagot.
“Lorena naman eh!” sabi ko with matching tantrums.
Natawa naman siya, “Joke lang. Ano ka ba? Syempre sure ako noh.”
“Sabi mo yan ha. Sayo nakasalalay ang future ko with my future boyfriend. Hahaha!” natatawa kong sabi.
“Trust me, nag-flanax yata ako. Charot!”
“Korni mo!” sabi ko with matching irap.
“O siya, itatapon ko na ‘tong mga damit mo. Tapos bukas punta tayong bayan.”
“Anong gagawin natin bukas sa bayan?” pagtataka ko.
“Bibili tayo ng mga bagong damit,” sagot niya.
BINABASA MO ANG
Just Like A Tattoo (Complete Romantic Comedy Story)
Teen FictionJoey is a typical high school girl who has a secret admiration to Billy, a basketball star player in their campus. What will happen if a fortune teller told her that the man for him has a snake tattoo beneath his leg? Will she believe on the fortune...