Mr. Author’s Note:
Ito na ang kahuli-hulihang kabanata ng istoryang ito. Kung mapapansin niyo, masyadong maikli lang ang istoryang ito. Yun ay dahil marami na ang nag-aabang ng katapusan nito and at the same time, gusto ko na ring simulan ang susunod at bago kong story kaya sana suportahan niyo rin po yun. Hindi ko akalain na dadami ang makakabasa at nag-eenjoy dito kaya naman salamat sa lahat ng sumubaybay nito. Asahan niyo pa ang maraming nakakatawa at nakakakilig kong stories.
Sana po pala ay wag po kayong mahiya na mag-comment at magbigay ng feedback or suggestions para naman alam ko po kung nagugustuhan niyo ang mga sinusulat ko. Salamat! :)
Without further ado, I give to you the final chapter of this 30% romance and 70% comedy story of mine. Siguradong tatatak at mag-iiwan ng marka ang katapusang ito. Enjoy!
CHAPTER V: ANG TOTOO
Matapos ang aming kauna-unahang date ay nasundan pa ito. Pero hindi lang date ang nasundan kundi pati ang nakakapagtakang kamalasan.
DATE #2
Sa loob ng sinehan, masaya kaming nanonood ni Billy ng romance movie. Pinaghahatian naming dalawa ang isang bucket ng popcorn. Akmang maghahalikan na ang mga bida sa pelikula nang biglang magkasabay ang aming kamay sa pagkuha ng popcorn. Nagkatinginan kaming dalawa ni Billy. Tanging liwanag lang na nanggagaling sa liwanag na nagmumula sa palabas ang nagsisilbing liwanag sa amin. Unti-unti namang nilapit ni Billy ang kanyang mukha sa akin. Akmang hahalikan na niya ako sa labi kaya naman pumikit na ako nang biglang…
“Aray!” narinig kong daing ni Billy.
Agad akong nagmulat ng mata at nagtanong, “Bakit?”
“Sh*t!” sabi niya nang may mahawakan sa kanyang likod.
At nalaman kong may isang hilaw na puting itlog ang nabasag at kumayat sa kanyang likod.
Tumayo siya at luminga-linga sa aming likuran. Hinahanap kung sino ang posibleng gumawa sa kanya nito. Wala naman siyang nagawa nang paupuin siya ng mga nanonood sa likod dahil nahaharangan niya ang mga ito.
DATE #3
BINABASA MO ANG
Just Like A Tattoo (Complete Romantic Comedy Story)
Novela JuvenilJoey is a typical high school girl who has a secret admiration to Billy, a basketball star player in their campus. What will happen if a fortune teller told her that the man for him has a snake tattoo beneath his leg? Will she believe on the fortune...