Mr. Author’s Note: Nalalapit na tayo sa pagtuklas ng katotohan sa likod ng ahas na tattoo! Mangyayari nga ba ang sinasabi sa hula o mababago pa ito ng mga pangyayari? At sino sa dalawang lalaki sa buhay ni Joey ang masarap kasama? Si bestfriend ba o si boyfriend? Basahin na ang second to the last chapter ng istoryang tatatak sa inyo!
CHAPTER IV: ANG DATE
Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Si Billy?! Si Billy ang tinutukoy ng matandang manghuhula na makakatuluyan ko nung minsan akong magpahula noon? Hindi ko akalain na magkakatotoo ang hula ng matanda sa akin. Kagaya nga ng sabi ko noon, hindi naman ako naniniwala sa hula. Nagkataon lang nun na pumasok sa isip ko ang magpahula kaya sinubukan ko. Hindi ko naman akalaing magkakatotoo pala ang hulang iyon. Mukhang naka-tsamba sa akin ang matandang manghuhulang iyon ah!
Hindi ko namalayan na napapatagal na pala ang pagkatitig ko kay Billy sa repleksyon ng salamin. Nakita ko na isinusuot na niya ang pinahiram kong jersey shorts sa kanya kaya naman muli akong nagtakip ng mata at nagsalita.
“OK na?”
“O-okay na, Joey. Pwede ka nang humarap,” tugon sa akin ni Billy.
Humarap ako sa kanya. Napaka-gwapo niya talaga. Kahit ano yatang ipasuot mo sa kanya, babagay eh.
“Joey?” tawag niya.
Pansin niya yatang napatitig ako sa kanya, sa kanyang mga binti actually. Iniisip ko kasing tanungin siya tungkol sa tattoo ng ahas niya sa kanyang kaliwang hita. Naisip ko naman na kung tatanungin ko siya ngayon tungkol dun, iisipin niyang sinilipan ko siya habang nagpapalit siya ng shorts kanina. Kaylangan makaisip ako ng paraan para maitanong ko sa kanya ang tungkol sa ahas niyang tattoo pero hindi muna ngayon.
“Ah…ayan. OK naman pala yang shorts ko sayo. Gwapo mo pa din,” sabi ko na lang.
“Talaga gwapo ako?” tanong niya.
“Oo. Gwapo ka naman talaga ah?”
Natawa siya bago magsalita, “Ngayon mo lang kasi sinabi sakin yan. Naalala mo ba nung nasa party tayo ni Lorena. Tinanong kita kung nagwa-gwapuhan ka sakin, sabi mo noon konti lang. Eh ngayon?”
Ooops! Palibhasa kasi kami na kaya ang lakas ng loob kong sabihin sa kanya itong mga ito. Magde-deny pa ba ko eh gwapo naman talaga siya mula loob hanggang labas.
“Sobra na. Sobrang gwapo mo na sakin,” nakangiti kong sagot.
Napangiti siya. That killer smile.
Naalala ko naman na masyadong late na kaya naman, “Mahal, masyadong late na. Umuwi ka na sa inyo. Baka nag-aalala na sayo ang mga magulang mo.”
“Pwede bang dito na lang ako matulog?” tanong niya with matching puppy eyes.
BINABASA MO ANG
Just Like A Tattoo (Complete Romantic Comedy Story)
Teen FictionJoey is a typical high school girl who has a secret admiration to Billy, a basketball star player in their campus. What will happen if a fortune teller told her that the man for him has a snake tattoo beneath his leg? Will she believe on the fortune...