61

43 2 0
                                    

Juliette

At hindi nga ako nagkakamali kasi nandoon na nga siya sa hallway na tinatambayan namin nila Coraline. Tangina kinakabahan talaga ako kasi hindi ko naman ine-expect na gusto niya akong makita. 

Makapal nga mukha kong mag-papansin pero no'ng napansin na ako para na tuloy akong tanga. 

"Akala namin sumama ka na sa inidoro," Nash laughed when I reach to them. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, panira ampota. 

"Maiwan na namin kayong dalawa, alagaan mo iyan Azi. Mahal pa namin iyan," Coraline joked agad ko naman siyang kinurot sa gilid para tumahimik pero ayaw nilang lumubay. Tangina kinakabahan ako ha.

"Uh, let's go?" he asked. "Saan tayo pupunta?" I asked. 

Tapos na kasi ang klase kaya naman okay lang sa akin kung saan kami pumunta, wala naman pake sa akin'yung Tita Christa ko. 

"Moa seaside?" he said. Malapit lang kasi dito ang moa kung may sarili kang kotse. I have my own car pero dahil nga dito naki-sabay na lang ako kay Jamie. 

"Sure, ano naman gagawin natin doon?" I asked. "Uhm hindi ko alam," napahawak naman siya sa batok niya dahil nahihiya siguro siya. "Tara na, baka gabihin pa tayo," natatawa kong sambit. 

Tahimik lang akong sumakay sa kaniyang sasakyan, tahimik din kami habang naka-biyahe. Wala ni isa ang nag-sasalita sa amin, may ilangan pa din kasi kami. Unexpected 'to eh!

"Where do you want to eat? Or hindi ka pa gutom?" he asked ng makarating kami sa moa seaside. "Hindi pa naman ako gutom, siguro hanap tayo ng mapaglilibangan na lang?" I asked. "Okay sure," he smiled. 

Tangina tiklop pala ako kapag si crush ang kasama, nakakahiya naman puta. 

Wala akong baong topic ngayon buwiset.

"How was your day?" he asked ng maisipan namin umupo sa harap ng dalampasigan. "Okay naman med'yo stress na kami pero kakayanin dahil ga-graduate na tayo ng ilang months," sambit ko. "Ikaw kumusta araw mo?" I asked him back. "Okay naman, same lang," natatawa niyang sambit.

"Matanong ko Azi, bakit mo nga pala gustong makipag-kita?" I asked, tinapangan ko na kasi curious ako dahil sa sinabi niya sa akin sa twitter.

"I want to be friends with you, Julz. Because I want to know you more before I start to court you," he said straightforwardly. Ha?! "Gagstok?! Seryoso ka ba? Eh hindi mo nga ako pinapansin no'n eh? Tapos ngayon biglang ganiyan?" I asked because I was too curious. 

"I was the one who like you first, Julz. Bago mo ako magustuhan naunahan na kita, 1st year pa lang ina-admire na kita sa malayo, no'ng 2nd year nag-confess ka sa akin pero binalewala ko kasi natatakot ako, hindi ko alam kung bakit. Pero no'ng ni-reject kita tuloy ka pa din sa pag-papansin sa akin hanggang sa na-realize ko na, ayon na 'yung chance ko...kaso pinanghinaan ako ng loob pa din, ang dami na kasing umaaligid sa iyo. Nakakatakot kang mahalin..." he said.

"But I am willing to take a risk for you, basta ikaw ang premyo ko. Kaya ngayon 4th year...nilakasan ko na ang loob ko. Ayoko ng maging torpe pagdating dito gusto ko naman ipaglaban ang nararamdaman ko para sa iyo, tuwing nakakakita ko ang qrt's mo sa account na smile always, gusto kong i-comfort ka...alam kong may pinagdadaanan ka pero lahat iyon dinadaan mo na lamang sa ngiti dahil doon napahanga mo ako Juliette," he said with a full of sincerity.

I was too stunned to speak...hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nalaman ko kay Azi. 

"Kaya iyon Smile Always account na iyon, ginawa ko iyon para sa iyo. Para sabihin na hindi ka nag-iisa, para sabihin nandito kami...kasama sa laban mo," he added. "Now, will you let me to know you more? Gusto pa kitang makilala habang nililigawan kita," he said. 

"I-i don't know what to s-say," naguguluhan kong sambit. Natawa naman siya. "Nabigla ba kita?" he asked. "H-hindi okay lang! Nagulat lang ako dahil akala ko hindi ako 'yung gusto mo kasi hindi naman ako ang iyong gusto 'tsaka hindi ko naman inaakala na ikaw pa ang mauunang magka-gusto sa akin. I wasn't your standard, Azi, pero ito ka pa din willing to take a risk," I said. 

"You are the standard I've always wanted since the day I met you," he smiled. His soft smile makes me warm. "Ba't ngayon lang, Azi? Bakit hindi pa noon?" I asked. "Because I am too shy and weak that time," he said hesitantly. "Shy type ka pala?" I joked. "Crush mo naman itong shy type na ito," he smirked. 

Agad naman akong namula aba'y marunong din palang rumebat ang loko. 

"Atleast ako naunang nag-confess sa ating dalawa, pero teka ikaw ba may ari no'ng account na Smile Always?" I asked. "Yes, I made it for you," he said. 

Tangina kinikilig na 'ko!! Kalmahan mo muna Aziel!!

"Bakit mo naman ginawa? Puwede mo naman akong kausapin no'n, hinihintay lang kaya kitang kausapin ako, pagod na ako mag-first move kasi ako na nga naunang nag-confess ako pa din ba mauunang mag-chat?" I joked. "'Di ba nga sabi ko sa'yo, nahihiya nga ako na i-approach ka kaya nga gumawa na lang ako no'n para sabihin na nandito ako para sa'yo," he smiled.

I don't know what I should say now, but all I can hear is my heartbeat beating fast. 

You damn, Aziel. You're going to make me insane right now!!

Admiring JulietteWhere stories live. Discover now