Aziel
"Kinakabahan ba anak ko?" pang-aasar ni Mama. "Ma naman eh, wala pa kasi girlfriend ko eh," saad ko. Sabi niya kasi pupunta na siya.
Natawa naman si Mama dahil 'yung mukha ko ay hindi mapinta. "Girlfriend mo na pala, hindi ka man lang nagsasabi ha," mapang-asar na saad ni Mama. "Ma, kakasagot lang no'n sa akin kahapon, huwag ka nga," singhal ko.
Mag-sisimula na kami pero wala pa din siya, baka naman na-traffic lang?
"Pakilala mo sa akin mamaya ha," banta ni Mama. Natawa naman ako dahil ang tagal na niyang gustong makilala si Julz pero lagi kong sinasabi na hindi pa niya ako sinasagot kaya hindi ko muna papakilala.
"Hello po! Pila na po tayo!" the coordinator said kaya naman umayos na kami. Baka malalate lang sabi niya kasi ay papunta na siya kaya sa loob ko na lang siya hihintayin. "Love!" may tumawag sa akin mula sa likod.
Tinignan ko naman kung sino iyon. It was her...akala ko naman ay i-goghost na niya ako after sagutin. "Nandiyan na pala girlfriend mo, masaya ka na niyan?" Mama teased. "Ma!" reklamo ko. Natawa na naman si Mama. Lagi na lang niya ako pinagti-tripan kapag about na kay Julz.
She whispered that she was saying sorry dahil late daw siya.
Tinext na lang niya sa akin ang gusto niyang sabihin, it says she buys something for me kaya siya natagalan and I understand pero sana hindi na siya bumili 'di ba?
Masaya ako para sa kaniya dahil ayos na ang relasyon niya sa kaniyang Tita Christa at sa iba pa nitong pamilya. Mahal ko si Julz, ayokong makita siyang umiiyak na lang lagi dahil sa pamilya niya kaya hangga't maaari ay tutulungan ko siya.
Nagsimula na ang sermonya kaya naman nag-focus na lang ako doon pero alam ko naman na nandiyan siya.
"Let's give a warm applause to Aziel Mill Mercado for his speech as a Suma Cum laude," the emcee announced. Nag-tungo naman ako sa stage.
He give me the microphone at hinayaan na ako sa aking sasabihin.
"Uhm...magandang umaga po sa inyong lahat...hindi ko alam ang aking sasabihin dahil umaasa na lang po ako sa kung ano sasabihin ng aking bibig at isipan," natatawa kong panimula. Natawa naman ang mga tao.
"Una sa lahat, nagpa-pasalamat ako sa Diyos na walang ginawa kung hindi ang gabayan ako sa araw-araw hanggang sa matahak ko ang tamang daan papunta dito kung nasaan ako ngayon, at iyon ay 'yung magsalita ako sa harap niyo. Pangalawa kay Mama at Papa na walang ginawa kung hindi ang suportahan ako sa bagay na gusto kong gawin...I'm a volleyball player also and the captain of it. Hindi ko alam paano ko na-balanced ang time ko for that,"
"Masaya ako...masaya ako sa ginagawa ko. Pangatlo sa taong walang ginawa kung hindi ang suportahan ako mula't sapol na magkakilala kami," I eyed for her. "Kung hindi dahil sa mga taong sumporta sa akin ay wala ako dito, masaya ako at nagagalak na maibahagi ito sa inyo,"
"Do you all know that I almost gave up on my dreams? But when I was struggling, this girl came to support me. It was my girlfriend now, then my Mama...who never gives up on me, guiding me through my journey. She knows that I want to be a lawyer...because I want to help all people,"
"But with the help of my two special girls in my heart, I never give up dahil nasimulan ko naman na, bakit ko pa susukuan? Nandito na tayo...malapit na natin matahak ang tamang landas para sa atin. Kaya malaki ang pasasalamat ko para sa kanila dahil kung hindi dahil sa kanila siguro baka nasa maling daan ako, they guided to reach the right path for my dreams. I am more than thankful for them..." I said.
"If you are almost giving up, think about the people who surrounds you, the people choose to guide you along your journey," I smiled.
"Don't quit, we are just starting to reach it. Keep chasing...keep dreaming everyone," I bowed.
After kong magsalita ay naging mabilis na lang ang lahat.
"Congratulations graduates!" the emcee announced.
Tinaas namin ang toga na hudyat na tapos na ang pang-apat na step for our dream.
"Ma! Magkakaroon ka na ng lawyer!" I hugged her. "Proud ako sa'yo 'nak! Proud palagi si Mama sa iyo," she almost got teary. Natawa naman ako dahil doon. "Huwag ka na muna umiyak Ma, may law school pa ako," natatawa kong sambit.
Natawa naman siya dahil doon. "Puntahan na natin girlfriend mo doon," turo niya kay Julz. Pumunta naman kami sa kaniya.
"Love," I kissed her forehead. "Congrats Love," she greeted me. I smiled. "Thank you," I said. "Ehem," singit ni Mama.
Pareho naman kami natawa ni Julz.
"Ma, si Juliette girlfriend ko," I introduced her. "Julz, si Mama," pagpapakilala ko kay Mama. "Hello po Tita," she smiled and she even hugged my mother. "Naku, Mama na lang din tutal doon din naman punta niyong dalawa," natatawang saad ni Mama.
"Napaka-ganda naman pala ng na-uto mo, 'Nak," pang-aasar ni Mama. "Ma, huwag mong sirain image ko sa harap ni Julz," singhal ko, natawa naman si Julz. Hindi niya siguro ine-expect na close na close kami ni Mama.
"Oh by the way I have surprise pala sa iyo, so let's go na?" she asked. Sumunod naman kami ni Mama sa kaniya, namasahe kami papunta dito kasi nasira na naman sasakyan ko.
"Saan tayo pupunta?" I asked. "It's a surprise kapag sinabi ko hindi na surprise," natatawa niyang sambit habang nag-mamaneho siya.
Damn, I love this woman.
YOU ARE READING
Admiring Juliette
Teen FictionCOMPLETED ₊❏❜ ⋮ Admiring Duology 2 ╰──╮ ◦•◦❥•◦ an Epistolary wherein; Juliette Rye Rivero is a political science student and a tragic and romantic fiction writer. Her ability to weave a tale provides her with an escape from the constraints of societ...