96

34 2 0
                                    

Juliette

The Graduation day

"So ano? Maghihintayan na lang ba kayo dalawa kung sino magtatanong at sino magsasabi ng card na 'oo'," Coraline asked while she was doing my make up. Gusto kasi nila na sabay sabay na kaming pupunta sa FEU mamaya. Napa-desisyunan din nila na kami na lang ang mag-ayos sa isa't-isa since marunong naman kaming apat lalo na si Nash. 

"Hindi ko alam," I shrugged. "Ako 'yung na-stress sa inyong dalawa sa totoo lang kasi kung ako iyan, hindi ko paghihintayin iyan, mas gusto ko na relasyon namin ang magtagal kaysa sa panliligaw," natatawang sambit ni Coraline. 

"Tama ka diyan Jen," singit ni Jamie. "Eh ano magagawa ko? Wala naman akong alam sa ganitong bagay eh," natatawa kong sambit. 

"Inosente ka talaga 'pag dating sa ganito pero sa kaharutan to the max kang hayop ka," natatawang sambit ni Nash. Siya naman nag-aayos ng aking buhok habang si Jen at Coraline sa mukha ko. Gusto daw nila maganda ako habang nag-speech sa stage. Parang mga tanga. 

"Ganoon talaga ang buhay minsan parang life," natatawa kong sambit. "Kahit kailan hindi ka na nag-seryoso sa ganitong bagay," singhal ni Jamie. "Hoy! Seryoso ako, sa kaniya hehe," saad ko. 

Napa-iling naman ang tatlo sa aking sinabi wala naman mali doon sa sinabi ko ah!

"Kung ako iyon, hindi ko na hihintayin na tanungin niya ako kasi bibigay ko na din ang 'oo' ko kasi ang panliligaw hindi pinagtatagal, ang relasyon dapat iyon," sambit ni Nash. "Pareho lang din kayo ng sinabi ni Coraline, walang nag-bago," irap ko sa kaniya.

Natawa naman sila. "Tamang tama, pupunta siya ngayon 'di ba? Mag-kaiba kasi tayo ng department sa kanila, pina-una tayo 'di ba?" Jamie asked. "Oo ata? Pupunta siya?" I shrugged. 

"Halatang hindi sigurado ang bwiset," saad ni Nash. "Hindi ko alam kasi wala naman siyang binaggit sa akin kaya hindi din ako sigurado," usal ko. 

"What if ngayon mo na siya sagutin? Perfect timing ito para sa inyong dalawa kung sakali?" Jamie suggested. "Ewan?" I shrugged again hanggang sa maka-tanggap na ako ng batok kay Nash. 

"Aray ko! Gago kang bakla ka!" singhal ko. "Puro ka ewan, sasapakin na talaga kita bobita ka," baklang sambit ni Nash. "Hindi ko kasi alam paano ko siya sasagutin, tangina mo," I gritted my teeth. 

Nang matapos naman akong ayusan, inayusan na din namin ang dalawa naging mabilis lang naman kasi hindi kami nagdaldalan katulad ng ginawa nila sa akin kanina parang mga gago. 

"Ayan ganda ng suma cum laude, sayang kung nandito si Tita at Tito masaya ang mga iyon para sa iyo," Coraline sighed. A small smile flastered in my lips. 

"Kaya nga eh...pero alam ko naman na proud naman sila sa akin kasi natupad ko 'yung pangarap ko ng kasama sila sa laban ko," I smiled. "We are so proud of you my best girl," Nash hugged me tightly.

"Teka! Huwag muna tayo mag-drama, ma-lalate tayo sa ceremony," natatawa kong sambit kasi anytime babagsak na ang nagbabadyang luha sa aking mata. 

Nang makarating na kami sa FEU ay nandoon na din ang parents ng mga kaibigan ko, ako? Wala. Ano pa nga ba aasahan ko doon sa pamilya ko na never akong tinuring na isa sa kanila? Nag-patawad naman na ako pero masakit pa din...

Malapit ng mag-simula ng dumating si Azi. "Azi!" I yelled para makita niya ako. Agad naman sumilay ang kaniyang ngiti ng makita niya ako. 

"Bakit ka nandito? Manonood ka?" I asked. "Of course, hindi puwedeng hindi ako manonood, bawal akong umabsent," he said. 

"May isasama ako sa iyo..." he whispered in my ears. Agad ko naman sinundan ng aking mata kung saan siya naka-tingin. Agad akong napahawak sa aking toga. "A-ano ginagawa nila dito?" I asked. 

"Don't worry, Love. They won't hurt you this time. Mag-tiwala ka sa akin," he smiled. "J-juliette, 'n-nak I am sorry...naging masama akong tiyahin sa iyo..." Tita Christa apologized. Napa-tingin naman ako kay Azi. He just gave me a warm smile. "Alam kong kulang ang sorry sa mga nagawa ko sa iyo sa loob ng limang taon...pero hayaan mo ako...hayaan mo akong samahan kang maglakad sa gitna gusto kong tuparin ang pangako ko kay Ate...I'm really really sorry, Juliette," she broked her voice. 

I reached for her hands. "Tita...napatawad ko na po kayo...pasensiya na po kung naging bastos ako noong panahon na nag-away tayo, nasaktan lang po ako...hindi po ako pinalaki nila Mom at Dad upang magtanim ng galit sa kahit na sino man sa inyo...sorry din po," I apologized. 

"Oh tama na iyang drama, magsisimula na ang seremonya," pag-puputol ni Kuya Adrien. Natawa naman kaming dalawa ni Tita Christa. Napag-desisyunan din namin na sa memorial park kung saan naka-libing sila Mommy. 

Kaya pala sabi ni Azi, may surpresa daw siya sa akin ngayon graduation ko. I didn't know about this. He make a move for me to move on...for me to look forward.

Then it's my turn to speak. 

"Juliette Rye Rivero, Summa Cumlaude," the emcee announced. 

He also gives me the microphone. 

"So uhm...First of all magandang umaga po sa inyong lahat...I didn't expect na mag-ispeech pala ako," I laughed that made the crowds laugh even. 

"Uhm I want to say thank you to my friends whose been there for me at my highest and lowest...my family...my parents from above. Hindi ko po makakamit ito kung hindi dahil sa kanila lalo na sa isang tao na walang hangad kung hindi ang suportahan ako sa mga bagay na gusto at balak kong gawin," I introduced.

"I'm always doubting myself, if I can do this...if I can make my dreams achieve than I want. If I could do greater things, but with the help of people whose around by me, natupad ko...at matutupad ko pa,"

Without those people I am nothing, I am thankful for them...because with them I see my future.

Admiring JulietteWhere stories live. Discover now