TBIM

40 3 0
                                    

Alexander's POV

Napagising ako sa ingay ng cellphone ko, kinuha ko ito sa side table at nakita ko sa screen ang pangalan ng secretary ko.

"Hello?" sabi ko at pinikit muli ang mga mata ko.

"Sir! 'Asan na po kayo? Yung meeting niyo po with Ms. Rodriguez magstastart na in 20 minutes" napadilat agad ako at napaupo sa kama. Meeting. With my ex este Ms. Rodriguez. Magstastart na in 20 minutes.

Tumayo agad ako at tumayo sa harap ng body-sized mirror ko. Messy hair. Boxers. Tangna masakit pa yung ulo ko. Ugh hangover, napadami yung inom ko kagabi sa birthday party ng Lola ko.

"Cancel it, Mika" sabi ko

"Pero sir magagalit po si Ms. Rodriguez! Last week pa siya naghihintay palagi mo nalang pinapacancel"

"I said cancel it. May hangover ako ngayon. Bye" sabi ko at inend call ang tawag at natulog ulit.

Pero biglang nagbago yung isip ko. Tumayo ako at pumunta sa kusina. Magluluto ng almusal. Kailangan kong pumasok sa trabaho. Aside sa meeting namin ng ex ko, may mas importanteng meeting pa ako with Mr. Fernandez.

Habang nagluluto ako napatingin ako sa salamin. Tangna dapat asawa ko ang nagluluto ngayon eh. I can't fucking wait to have a family.

Habang ako kumakain at nanonood ng tv, linuwa ng pinto ang ex ko. Oo. Nakakapasok siya. And I hate it.

"Hmm, Ms. Rodriguez?" sabi ko bago uminom ng tubig.

"Wow. Hangover" sabi niya at umupo sa harap ko.

"Yes I have" sabi ko naman na tumatango

"Importante yung meeting" matalim yung tingin niya. But who cares?

"I don't care"

"Wag ka ngang bitter sa'kin Alex!"

"Mr. Arquiza. And ooppps! Hindi ako bitter" sabay ngiti sakanya

"Ugh. Maghihintay ako. Next month! Siguraduhin mo yan. Isang buwan yan" tumayo na siya pumunta sa may pintuan.

"Okay" tipid na sabi ko.

"May posibilidad pa sanang bumalik ako sayo. Magbago kalang, Alex" mahina yung boses niya pero rinig na rinig ko yun. Pagkaalis niya nagpakawala agad ako ng napakalaking buntong hininga. Hinding-hindi ako magbabago para lang sa isang tao. Eto ako eh. Seryosong tao ako. Hindi ako sweet. Kailangan lang talaga nilang tanggapin ang tunay na ako.

Amanda's POV

Nagising ako sa sobraaang ingay ng music. Grabe naman!

"Hoy! Nanay pahinaan mo nga yan! Leche" sigaw ko at nag-inat. Pumasok naman siya sa kwarto

"Sumayaw ka nalang! Hahahaha" hays, baliw talaga 'tong nanay ko. Siyempre baliw din ako kaya sumayaw ako! Pagiling-giling pa!

"Wooooh! Ang galing talagang gumiling ni Amanda!"

"Ang sexyyyy!!"

"Saraaaap!"

Sabay-sabay naman na sumigaw ang mga lalaki sa labas. Nakabukas pala yung bintana. Napatawa nalang ako at lumabas ng kwarto.

"Oh Amanda malalate ka na sa trabaho mo"

"Charot Ma! Magtitinda lang naman ako. Nako!" sabi ko

"Hahahaha ano ka ba. Feel ko lang. Kunwari sa isang building ka nagtratrabaho hihi" baliw talaga

"Oo. Tapos secretary ako ng manager dun" sumabay naman ako sa trip niya

"Hindi! Ano ka ba!"

"Oh? Ano gusto mo, janitress ako dun? Kaloka ka Nay ah ang ganda ko kaya" sabi ko at uminom ng kape

That Bitch Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon