Amanda's POV
"AMANDAAAAAAA!! HOOOOY POTPOOOOOT!!! GISIIIIING!" napaayos bigla ako ng upo. Shutanginers! Nakatulog pala ako.
"Wag kang maingay loka 'to. May mga bumili ba?" tanong ko
"Gagi oo kanina pa. Marami. Ang daming naghahanap ng tinapay ngayon ah? Anyways highways mabuti nalang pumunta ako dito. Sarap ng tulog mo ateng! Napagod kagabi?" Ang ingay talaga ng bestfriend ko eh. Mana saakin
"Kilala mo ako, Margaux. Sumasayaw lang ako ng hubo't hubad sa bar pero hindi ako nagpapagalaw" sagot ko sabay irap. Oo totoo yun. Virgin pa ako 'noh, mahirap na'ng mabuntis ngayon. Naghihirap na nga ako sa buhay eh. Ako na nga ang nagtratrabaho para sa nanay at tatay ko tapos magpapabuntis pa ako? Gagi
"Gaga siyempre alam ko yun! Nagjojoke lang ako. Eh nagshave kana ba ng gubat mo sa baba?" tanong niya sabay hampas ng puson ko. Baliw talalaga
"Siyempre naman 'noh. Sasayaw pa ako mamaya" sagot ko
"Mamaya? May chika pala ako giiiiirl!"
"Edi ichika mo na! Taeners"
"Dumaan ako kanina sa bar at may mga gwapong nagpareserve dun ng table. Aba girl galingan mo mamaya sa paggiling!" naexcite naman ako sa sinabi ng bestfriend ko haha exciting talaga 'to
"Lipbite ka nga muna!"
"Ha? Ano yun?" tanong ko. Lipbite?
"Gaga! Lipbite! Kagat sa labi! Grumaduate ka ba talaga ng college?"
"Gusto mo isampal ko pa sayo yung diploma ko?! Gagi. Bakit?" sabi ko at yun nga, naglipbite
"Wow. Yan girl. Mas hot, sexy. Lipbite ka mamaya sa pagsayaw mo!" sabi niya at pumalakpak pa
"Matagal na akong hot at sexy. Maganda pa nga eh" sabi ko
"Hays oo na! Kaya nga magbeztfriendzzzz tayo eh hihihi" sabi niya
"Hoy! Hoy! Ang lalandi niyo!" napatigil naman kami ng biglang dumating yung amo ko. Kilala na din 'tong si Margaux ng amo ko kaya okay lang kung pumunta siya dito. Mabait naman talaga ang amo ko, bungangera lang talaga
"Ay sorry po"
"Sige na. Umuwi na kayo." sabi niya at inabutan ako ng 500. Oo 500 sweldo ko sa isang araw. Ang taray diba? Mayaman naman kase ang amo ko. Kaya ang swerte ko.
Alexander's POV
Pagdating ko sa condo ko nagring agad yung phone ko. Tumatawag si Grey.
"Brad?"
"Brad magpagwapo kana. Alas otso na. Punta ka nalang dun sa Red Bar ah?" sabi niya
"Gwapo na ako brad. Saan ka?"
"Nasa bahay brad. Kakaalis lang ng dalawang chicks ko"
"Kinama mo?"
"Malamang brad"
"Ang bastos mo brad"
"Ano ka ba, normal lang yun. Mamaya sa bar tumikim ka ng babae"
"Ayoko. Bye" sabi ko at inend call ang tawag. Hindi ako gagalaw ng babae. Ang mapapangasawa ko lang ang makakatikim sa'kin. Haha.
Pinark ko na ang sasakyan ko sa harap ng Red Bar. Dito palang sa labas rinig na rinig ko na ang music. Sobrang lakas sakit sa eardrums.
Pagpasok ko nakabangga ako ng babae at natumba pa siya. Grabe kinulang sa tela yung suot niya. Croptop tapos sooooobrang ikli nung shorts tas ang kapal ng make up. Ewan, imbis na tulangan ko siya sa pagtayo, nairita ako sakanya. Tsk sayang ang mga ganitong babae eh.
BINABASA MO ANG
That Bitch Is Mine
Teen FictionLalaki na gagawin ang lahat para lang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng isang masayang pamilya. May asawang maganda, matalino, mabait, karespe-respeto, understanding, caring yan ang ideal wife niya. At ang magkaroon ng anak. Kahit ilang anak...