Pagkatapos kong sumayaw bumaba na ako sa stage. At biglang tumunog yung phone ko.
1 message received
Naku, si boss lang 'to.
Dalawang araw na kaming hindi nagkikita. Sobrang busy 'ata yun sa trabaho. At sa loob ng dalawang araw na yun? Parang wala akong gana. Sabi pa nga ni Margaux parang nanghihina daw ako, sobrang lungkot daw ng mukha ko. Hays ewan nga. Tiningnan ko na yung text message niya
From: Boss ew yuck
Hey bitch. Where are you? Siguraduhin mong wala ka sa bar ngayon.
Hay naku. Parang tatay eh. Hindi ko nalang rineplayan. Sinuot ko na ang damit ko. Dress. Oo dress. Binili 'to ni boss.
"Miss! Halika nga!" tawag sa'kin nung lalaki. Tatlo sila. Lumapit ako sa table nila
"Po?"
Binuka niya ang palad ko at linagay ang 1,000 pesos
"Hindi. Ako. Bayaran. Na. Babae" matigas na sabi ko at linagay sa mesa nila ang 1k. Aalis na sana ako pero hinila ako ng isang lalaki sa bewang kaya napabalik ako at napaupo ako sa kandungan niya
"5,000"
"Hindi nga sabi ako nagpapagalaw!" sigaw ko pero hindi niya parin ako pinakakawalan. Tapos tawa lang ng tawa yung mga kaibigan niya. Tangina naman!
"Gusto kita eh" sabi niya at hinalikan ang leeg ko
"Tangina mo! Bitawan mo ako! Bitawan mo ako! Leche!" sigaw na ako ng sigaw at tawa lang sila ng tawa. Umiyak nalang kaya ako?
"Back off" biglang may nagsalita sa tabi namin. Napatingin kaming lahat
"B-boss oh! Ang kulit nila nakakainis!" sabi ko. At seryoso ako bubuhos na ang luha ko. Leche
"Sino ka? Boyfriend ng babaeng 'to? Ha?" sabi nung lalake na kanina pa nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. At hinalikan nanaman ang leeg ko. Tangina naman ayoko na! Nakakadiri
"You know dude? Ayoko ng gulo eh. Pero kung hindi mo pa siya bitawan? Magkakagulo nga 'ata" matalim ang mga mata niya. Nakakunot noo pa. Nakakatakot. Pero parang wala lang yun sa gagong 'to. Tawa parin sila ng tawa ng mga kaibigan niya. Aba matinde?
"Sino tinatakot mo? Hahahahaha" sabi nung gago at nag apir sila ng mga kaibigan niya.
Nagulat nalang ako nung nasa sahig na yung lalake. Sinusuntok parin siya ni boss.
"H-hoy! Ano ba tama na! Tama na okay na! Uy!" awat ko. Tumayo naman agad siya
"Tumawa kapa gago!" pahabol niya pa at hinila niya na ako palabas ng bar
"Thanks" sabi ko
"Thanks? Huh? Siguro nga kung hindi ako dumating eh sarap na sarap kana ngayon!" nabigla ako sa sinabi niya. Akala ko tinulungan niya ako kase naaawa siya sa'kin? Bakit galit siya?
"Hi-hindi ako gano'n na babae" sabi ko
"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko? Na ayaw ko nang pumupunta ka sa bar! Ayaw ko ng trabaho mong yan! Tapos ikaw sarap na sarap kalang?! Bitch! Ano ba gusto mo?! Ano problema ha?! Pera?! Nagtratrabaho ka dito para lang sa pera?! Oh dahil sarap na sarap kalang talaga?! Ha? I can give you money! Ilan ba gusto mo?! Putangina bitch!"
Parang ilog ang mga mata ko na maraming luha ang umaagos. Ganito na ba talaga ang pagtingin sa'kin ng mga tao?
Pinilit kong ngumiti
"Yun lang ba ang sasabihin mo? Baka meron pa? Ano? Sus wag ka nang mahiya. Sige na. Sanay na naman kase ako na binabastos at hindi rinerespeto."
"S-sorry"
"Ha? Bakit?", pinahid ko ang basang pisngi ko at pinilit na hindi ulit umiyak "Sus okay lang! Ako sarap na sarap? Sige! Bayaran akong babae? Sige! Tanggap ko naman eh" sabi ko at lumakad na
"Ayokong nagtratrabaho ka dito" sabi niya.
Nang hindi lumilingon, sinagot ko siya
"Hindi kita kaano ano para sabihan mo ako ng ganyan. Hindi ako nagtratrabaho dito para lang ipakita kung ano ang meron sa likod ng mga damit ko. May dahilan ang lahat. Kaya wag kang magpadalos dalos sa mga sasabihin mo sa'kin" sabi ko at tuluyan nang umalis. Mabuti naman at hindi na siya nangulit
Pagtayo ko sa kama sobrang sakit ng katawan ko. Ang bigat pa ng mga mata ko
"Alasdose na ha" sabi ni nanay na nagluluto
"Ay ano ba yan. Gaga talagaaaa" sabi ko at sinampal sampal pa ang sarili
"Hoy nababaliw kana naman. Wag kang mag alala, pumunta kanina si Margaux. Sasabihan niya nalang daw ang amo mo sa bakery na masama ang pakiramdam mo. Sobrang init mo kasi kanina eh. Mainit kapa ba?" ako? Mainit?
"Matagal na akong hot, Nay" sagot ko
"Tumino ka ha" sabi niya at lumapit sa'kin. Linagay niya ang palad niya sa noo ko
"Juicecoloredanginitinitngbatangitopumasokkabasaoven?!" sa sobrang bilis niyang magsalita hindi ko na naintindihan.
Biglang nagring yung phone ko
Boss ew yuck
Calling..."Sagutin mo!"
"Aawayin lang ako niyan" sabi ko nang nakatitig sa phone ko. 20 missed calls! Galing yun lahat sa lalakeng 'to. Nabigla ako ng kunin yun ni nanay at sinagot
"Hello... Ay oo kasi masama ang pakiramdam.. Ha?... O sige ba... Tamang-tama kasi may lakad ako.. O sige salamat.." Binaba na ni nanay ang phone
"Saan ka pupunta?! Iiwan mo ako dito?! Nay masama nga ang pakiramdam ko!" sigaw ko
"Wag kang OA anak!" sabi niya lang at nagpatuloy na sa pagluto.
Habang ako nagbabasa ng dyaryo nakaamoy ako ng pabango ni Nanay. Binaba ko ang dyaryo na binabasa ko
"Saan ka pupunta Nay? Wag ka sabing umalis. Masama na nga ang pakiramdam ko oh" sabi ko at nagpacute
"Pupunta lang ako sa ospital magpapacheck-up. Kumuha na ako ng pera sa wallet mo" sabi niya at naglipstick
"Pwede naman yan bukas. Sige na nanaaaaay. Alagaan mo lang muna ako ngayon. Ngayon lang naman"
"Amanda. Kumain ka nalang diyan pag nagutom kana. May mag aalaga sayo, wag kang mag alala" sabi niya at pumasok uli sa kwarto at kinuha ang bag niya. May mag aalaga sa'kin? Bubuksan na sana niya ang pinto ng biglang bumukas ito.
"Boss?" sabi ko at napaayos ng upo
"Hi" sabi niya at kumaway. May mga dala pa itong plastik.
"Ay ikaw na ba yung kausap ko kanina? Sige pumasok ka dali. Maiwan ko na kayo ah? Aalis lang ako saglit. Babalik ako mga alas syete. Sabihan mo nalang tatay mo. Tumatambay lang yun sa tindahan ni Aling Beba. Sige bye!" sabi ni Nanay at umalis na.
Tiningnan ko si boss na abala sa mga pinamili niya
"May pagkain oh. Kumain ka" sabi niya
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko ng nakataray. Tiningnan niya ako.
"Let me be your nurse, bitch"
××
Vote and comment mwa mahal tayo ng Diyos haha
-yinshonbabe
BINABASA MO ANG
That Bitch Is Mine
Roman pour AdolescentsLalaki na gagawin ang lahat para lang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng isang masayang pamilya. May asawang maganda, matalino, mabait, karespe-respeto, understanding, caring yan ang ideal wife niya. At ang magkaroon ng anak. Kahit ilang anak...