"Gumising kana sabi eh!" sabi ko habang abalang mag impake ng mga damit ko. Tumawag sa'kin ang sekretarya ko. May emergency meeting with Mrs. Perez.
"Last day na nga natin 'to tapos nagmamadali kapa" sabi niya habang kumakalot sa ulo at nakapikit pa.
"Gusto mong iwan kita dito?!"
"Hindi mo alam daan pauwi" aish! Oo nga pala
"Bitch. Please?" pagmamakaawa ko
Napadilat siya. Siguro nabigla dahil ang lungkot ng boses ko
"Ano?" sabi ko ng nakasimangot
Walang imik siya na kinuha ang towel niya at pumunta sa CR.
"Ako nalang mag iimpake ng mga damit mo!" sigaw ko pero hindi siya sumagot.
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang bag niya at nag impake na
Habang kami nasa daan hindi parin siya nagsasalita. Ano kaya problema?
"Bibilhan kita ng phone mamaya" sabi ko. Baka sakaling pansinin ako. Pero diretso lang ang tingin niya sa daan
"Ano problema?" tanong ko
Tiningnan niya ako saglit.
"Wala naman"
"You're acting weird again" sabi ko. Kumunot naman ang noo niya. Oopps wrong move? Bakit kaya siya nagkakaganito? Baka buntis talaga siya? Hays.
Pagkapara niya ng sasakyan sa harap ng bahay niya bumaba agad siya. Pero bago siya bumaba may sticky note siyang nilagay sa manibela.
Umupo ako sa driver's seat at binasa iyon
"Hoy lalaki. Sobrang naiinis ako sayo. Makasarili ka. #kagabi"
Ahhh. Yung kagabi? Kaya naman pala.
Amanda's POV
"Nakakainis eh! Ayoko kasing sinisigawan niya ako!" sabi ko kay Margaux sabay sabunot ng buhok niya
"With matching sabunot ng magandang hairlalu ko?! Eh bakit ba?! Ako nga araw araw kang sinisigawan eh hindi ka naman nagagalit! Ano yan girl? Nag iinarte ka? Sus! Ang gwapo kaya nun!" sabay kain niya ng tinapay. Nasa bakery kami ngayon
"Basta. Tapos alam mo girl, hinawakan niya ako tapos alam mo yung parang nakuryente ka? Yun girl! Ang weird"
"Ah so ano yan? Idk pa much? May spark girl!"
"Ewan ko sayo. Anong IDK much? Eh hindi ko talaga alam" sabi ko
"Baka naman kase inlove kana bessy?" nakataas pa ang isang kila niya
"Bessy? Tss. Hays Margaux ano ba?! Pera. Lang. Ang. Habol. Ko. Sa. Kanya. Okaa--"
"Hi bitch!" Linuwa ng isang sasakyan ang isang lalake na kinaiinisian ko
"Nanaman?! Ano nanaman kailangan mong gago ka?!" sigaw ko
"I understand you, bitch" sabi niya at tinanggal ang sunglasses. Ang hot, kainis
"Oh naintindihan mo naman pala" sabi ko at umirap
"Sabi ko bibilhan kita ng phone. Tara?" Tae namaaaan. Paano na 'to? Amanda libre na yan ha! Aarte pa? Pero kase namaaaaan huhu
"Hoy bessy ano? Choosy kapa beh. Gora na! Wag mo nang alalahanin yung amo mo!" sabi ni Margaux. Tumayo ako.
"Nang ganito ang suot ko? Bibili tayo sa mall ng phone na ganito ang suot ko? Ha?" sabi ko. Nakamaong shorts lang kase ako at nakaspaghetti
"Bakit yan ang suot mo?!" sigaw nung lalakeng feeling boss -_-
"Bakit?!" tanong ko
"Ayaw ko sabi ng nagsusuot ka ng ganyan! Ang kulit mo naman eh!" Wow?
"Boss ba kita?" sabi ko ng nakataray.
Hinila niya naman ako agad
"Mahilig ka talaga manghila 'no?!" sabi ko
Pagsakay namin sa kotse niya may kinuha siya dun sa likod
"Here, wear this" sabay abot saakin ng jacket
"Bakit ka ba protective?" tanong ko
"Ayokong ipaulit ulit. Okay? Just being sure, bitch" sabi niya at nagdrive na.
"Kumusta yung 'emergency' meeting mo, boss?" tanong ko bago sumubo. Nandito kami ngayon sa restaurant ng isang mall. Nakabili na kami ng cellphone ko. IPhone nga eh, grabe pasalamat ko sa lalakeng 'to
"Okay lang naman. Tapos kana kumain?"
"Nagmamadali?", uminom ako ng juice "May pupuntahan pa tayo?"
"Dalian mo nalang diyan!"
"Nakakastress naman 'to eh. Tsk" sabi ko at binilisan nalang ang pagkain
"Masanay ka na hindi nagsusuot ng mga spaghetti. You should wear tshirts. Or ano basta wag yung parang nagkulang sa tela", sabi niya at kumuha nanaman ng ilang damit "At lalo na ang shorts. Don't you dare to wear short shorts, bitch. Pedal is good." sabi niya at pumunta na kami sa cashier dala ang maramiiiiing damit na kinuha niya kanina.
"Teka sinasabihan mo lang ba ako o akin ang mga damit na yan?" tanong ko at napatawa siya. Ngayon lang ako nakapagsalita simula nung pumunta kami sa botique na 'to at kumuha siya agad ng maraming damit.
"Both" sagot niya
"Kaloka ka talaga. Sige na nga. Ang ganda ko talaga" sabi ko at nagflip ng hair. Oh diba improving na ako?
"No you're not, bitch"
"Ouch. Nakakasira ka naman ng moment ko eh"
Dala ang limang plastic bags bumaba ako ng sasakyan niya.
"Salamat uli ah!" sabi ko
"No prob, bitch. And oy itapon mo na yung mga damit na pinagbawalan ko sayo ah? Suotin mo lahat na binili natin. And please take care of the phone"
"Haha oo na. Salamat talaga, boss. Ang bait mo talaga. Pero joke. Sige na! Bye! Ingat" sabi ko at sinirado na ang pinto ng sasakyan niya.
Hays. Sobrang saya. Hindi ko mapaliwanag pero sobrang saya ko ngayon. Dahil lang ba sa mga damit? Dahil lang ba sa iPhone? Dahil lang ba sa kinain naman kanina? O dahil sa lalakeng yun kaya ang saya saya ko? Aish ang landi. Makapasok na nga lang sa bahay!
×××
Tadaaaaa! Haha you like it? Haha vote and comment ilurvu guys mwa :)
-yinshonbabe
BINABASA MO ANG
That Bitch Is Mine
Teen FictionLalaki na gagawin ang lahat para lang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng isang masayang pamilya. May asawang maganda, matalino, mabait, karespe-respeto, understanding, caring yan ang ideal wife niya. At ang magkaroon ng anak. Kahit ilang anak...