Amanda's POV
"Oh para! Para! Dito lang!" sabi ko at hinahampas pa sa braso ang lalakeng 'to. Hinatid niya kase ako sa bahay
"Skwater?" nandidiring tanong niya
"Oo baket?!" mataray kong sabi
"Ugh nevermind. Ano nga uli pangalan mo?"
"Secret! Hihi bye" sabi ko at bumaba ng sasakyan
"Hey bitch!" napatigil ako
"Bitch pala ah? Hahahaha" sinarado ko ng malakas yung pintuan ng kotse niya at pumasok agad sa bahay.
Pagkapasok ko ng bahay nakita kong nasa may bintana si Nanay.
"Oh Nay?"
"Galit na galit ang tatay mo kagabi. Saan ka natulog? Sa kalsada?"
"Ang ganda ko para matulog dun Nay!" Linagay ko sa mesa yung pagkain na hindi namin naubos kanina nung lalake dun sa condo niya "Sa condo ako natulog"
"Sa condo nung nagsundo sayo dito? Nagpagalaw ka Amanda?!"
"Nanay highblood ka ngayon ah?! Siyempre wala. Oo magkatabi kami sa pagtulog at paggising ko nakapanty at bra nalang ako pero--"
"Wala namang dugo dun sa kama? Hindi naman masakit yung pekpek mo?" tanong niya
"Yup. Kaya virgin pa ako Nanaaaaaaay", yinakap ko siya at bumitaw agad "At may naisip ako. Sinabi ko sakanya na nagalawan niya ako at malaki ang posibilidad na mabuntis ako" sabi ko
"Hindi ka mabubuntis kase first time!"
"Ano ka ba Nay alam ko yun! Kaso nabola ko. Virgin pa 'ata yun."
"So peperahan mo?"
"Nay gusto ko lang naman tumino si Tatay. Ipaparehab na natin siya. Kaya kailangan ko ang pera ng lalakeng yun"
Hinawakan ni Nanay ang dalawang kamay ko.
"Salamat anak. Eh ano ba ang pangalan ng lalakeng yun?"
"Hindi ko nga po alam Nay eh"
"Shunga!" sigaw niya sabay batok saakin at tumayo. Nagtransform agad? Mahinahon pa siya kanina ah? Baka kailangan din magparehab ng nanay ko?
"Sabog ka nanaman sa katol nay?" Tanong ko
"Ay oo marami ang linagay ko na katol kagabi. Ang daming lamok! Nakakainis kagat ng kagat. Ganyan talaga 'noh basta masarap?" nagwink pa siya
"Oo nga Nay! Pareho tayong masarap! Hahahaha" sabi ko at nag apir kami.
Alexander's POV
"Tapos brad ano sabi?" tanong pa ni Grey
"May nangyari daw. Baka nabuntis ko raw" sagot ko ng nakayuko. Nandito ako ngayon sa opisina niya at himala walang babae. Sobrang busy niya ngayon
"Congrats brad! Proud ako sayo!" sabi niya at nakikipag apir saakin pero umayaw ako
"Tsk. Brad ayoko! Hindi gano'n na babae ang gusto kong maging asawa at ina ng magiging anak ko!"
"Aarte pa brad? Chicks naman yun ah. Tiwala lang brad" sabi niya at tinapik ang balikat ko. Basta talaga chicks okay na yun kay Grey. Tss
"Tapos siya ang nagluto ng almusal namin kanina"
"Masarap ba magluto?"
"Oo brad parang sanay na sanay na eh"
"Pakasalan mo na brad! Nako" sabi niya at bumalik sa pagtrabaho
BINABASA MO ANG
That Bitch Is Mine
Teen FictionLalaki na gagawin ang lahat para lang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng isang masayang pamilya. May asawang maganda, matalino, mabait, karespe-respeto, understanding, caring yan ang ideal wife niya. At ang magkaroon ng anak. Kahit ilang anak...