"Kuya alis po muna ako,"💞
"Akala ko ba wala kang pasok ngayon? huwag ka munang umalis,walang magbabantay kay Gelo aalis din daw kasi ang ate Nimfa mo ,"
"Okey po ako nang bahala, isasama ko na lang siya pupunta kasi ako ng Super Market paubos na kasi ang stocks natin,"
"Lou ako na lang ang bahala sa grocery, paglabas ko mamaya tutuloy ako ng Market , basta dito ka lang ng makapag pahinga ka naman, aba'y puro trabaho ang inaatupag mo, ni mag ayos nga ng sarili mo ay hindi mo na magawa,"
Kuya ha! kapatid mo ako kaya dapat palakasin mo ang self confidence ko, hindi yung lalaitin mo ako , kainis naman,"
Naku nagtampo ang first princess ko, alam mo naman di ba na kahit hindi ka mag ayos ay maganda ka pa rin, iba ka sa lahat aware ka ba dun?,
" No kuya,"
"Punta ka na muna sa kuwarto ni Gelo, tabihan mo na sa kama tulog pa din yata, at ikaw ay matulog na din ulit, sige aalis na ako, ikaw na munang bahala dito,"
Napakabait ng kuya niya hindi siya nito iniwan noon pa man, namatay ang mga magulang nila nung magtatapos ng PMA ang kuya niya , elementary school teacher ang mama nila at isang pulis din ang kanilang ama, papunta ng Baguio ang mag asawa para dumalo sana sa graduation ng kanilang panganay na anak, sa bandang paliko ay may biglang bumundol na six wheeler truck sa kanilang sasakyan, dahil sa impact ng matuling takbo ng truck ay tumilapon ang sasakyan nila sa napakataas na talampas at naging dahilan pa iyon ng pagsabog nito, kaya walang naiwan na remains ang kanilang mga magulang, pinamisahan na lang sa ibaba ng talampas ang mga magulang nila ng tita nila sa father side, kaya tuwing araw ng mga patay ay pumupunta sila sa lugar na iyon para magtapon ng bulaklak at magsindi ng kandila sa gilid ng daan, first year college lang siya ng mangyari iyon, kaya ang kuya na niya ang nag alaga sa kanya, hanggang sa makapag asawa ito ay hindi siya inihiwalay ng kuya niya, mabuti na lang ay napakabait din ng napangasawa nito, na si ate Nimfa niya, pati ang mga magulang at kapatid ng kanyang ate Nimfa ay hindi sila itinuring na ibang tao, itinuring silang kapamilya na ng buong angkan ng mga Alegre, isang pediatrician ang ate Nimfa niya, Kaya lumaking malusog si Gelo alaga kasi itong masyado ng mommy Nimfa niya,
Dalawang araw ang lumipas ng dumalaw uli si Jared sa site, kaya saka lang niya natangap ang resignation letter ni engineer Louise Teyler, napamura ang binata sa hindi inaasahang nagyari, akala niya ay hindi tototohanin ni Louise ang sinabi nitong mag resign, kinaumagahan pa naman ng pag uusap nilang iyon ay pumunta siya ng Cebu may inasikaso din kasi siya doon ,kaya nawala sa isip niya ang problema dito sa site,"
"Architect saan ba natin matatagpuan si engineer?"
" Naku sir humanap na lang po kayo ng kapalit niya dahil kahit anong pilit na gawin mo kay Louise ay hindi mo na makukumbinsi yan, napaka hard headed ng taong yan, pero mapagmahal yan sa kaibigan, poprotektahan ka niyan saan man kayo makarating,"
"Pero paanong matatapos ito?,"
"Sundin na lang natin ang plano, at mag hire na lang kayo ng ibang engineer para lang sa supervision , tutulong na lang din po ako,"
" Hindi puwede kasi mahihirapan ang makukuha nating engineer, may mga markings na kasi si engineer Louise diyan na hindi masusundan ng ibang engineer na kukunin natin,. ito na lang kung puwede ipahinto muna natin ang trabaho hanggang sa makumbinsi na natin si engineer Teyler. titingnan ko kung anong puwede kong gawin makumbinsi lang natin siya,"
"Sige sa ngayon ay pupuntahan ko siya sa bahay nila, may address ka ba ng bahay ni engineer?
" Ako na lang ang pupunta sir baka kasi matarayan ka lang ni Louise, napaka suplada kasi niyan wala ngang makalapit na manliligaw, kasi bukod sa mataray na yan si Louise matapang pa ang kapatid niyang head of pulis na diyan sa Quezon City, at suplada din ang asawa ng pulis na isa ring pediatrician, naku nakakatakot pumasok sa compound nila,"
"Okey lang i'll face the consequences makuha ko lang uli si engineer,"
"Magandang araw po, bati niya sa katulong na nagbukas ng gate matapos niyang pindutin ang buzzer sa labas ng gate ng bahay na iyon."
"Ano pong kailangan nila?" Tanong nilto kay Jared."
"Nandiyan po ba si engineer?"
"Opo pero sino po ba sila?, para masabi ko sa kanya ang pangalan mo,"
Sabihin mo na lang na si Jarred Regalado kamo,"
"Ate Ai sabihin nyo po na wala na kaming dapat pang pag usapan ,"
"Wala na daw kayong pag uusapan sir."
" Marami kaning pag uusapan, kung hindi naman,ipaalam mo sa kanya na hindi ako aalis dito, hanga't hindi niya ako kinakausap,"
"Aywan ko sa inyo kayo nga ang mag usap,"
"Ano ba ginagawa ninyo akong messenger, labasin mo na kasi, akong napapagod sa inyo,"
"Ate Ai sino bang amo dito?," malumanay na tinig , habang may munting ngiti sa labi si Louise at naka taas ang kilay habang tinatanong ito .
Ang turing kasi nila sa mga kasambahay nila ay mga miyembro na ito ng kanilang pamilya, kaya kung sumagot ang mga ito ay ganun na lang, si ate Ai na ang nag alaga kay Gelo mula ng ito ay isilang, mababait at loyal din ang mga ito sa kanila at handa ang mga ito na ialay ang kanilang buhay para sa kapakanan ng kanilang mga amo, kaya ang apat nilang kasama sa bahay ay sapat na para sila ay makampante sa masasamang banta sa pamilya nila, straight na pulis kasi ang kapatid niya, kaya marami ang galit dito lalo na ang mga nasagasaan nitong mga nasa matataas na opisyal ng kanilang bayan ,tulad na lang nung nakaraang taon, muntik ng mamatay ang kapatid niya dahil sa pagbaril dito ng anak daw ng congressman sa kanilang distrito, iniharang ni Mang Tonyo na kanilang driver ang katawan nito at ito ang tinamaan sa kaliwang balikat, Ganun ang turing sa kanila ng mga tao sa paligid nila. hanggang kamatayan handa ang mga itong ipagtangol sila.
*****************************************
BINABASA MO ANG
Who are you?
ActionDue to a vehicular accident in Paris, Jared a multi billionaire bachelor, got a multiple injuries, the worst is he suffered on remembering all of his lost memories.He got a retrograde amnesia.He even forgot his beloved girlfriend in the Philippines.