🌷Chapter 7💝

1 0 0
                                    

"Mang gugulo ka ba talaga Jared? puwede ba ang asikasuhin mo ay ang tungkol sa inyo ni Janice, para matahimik ka na at magkaroon ka na rin ng sarili mong anak, at least hindi ka makikipag agawan sa magiging anak ninyo,"

"Bakit nangguhulo ba ako?, hindi naman Ah,!! "

"Sa tingin mo hindi ka nang gugulo?  sa lagay na yan? Puntahan ko kaya ang girlfriend mo at sabihan kong ginugulo mo ako tungkol sa anak ko, pakasalan ka pa kaya niya?," kaya manahimik ka na kung ayaw mong iwanan ka ng kasintahan mo,"

"Biglang natahimik si Jared at lumapit sa kanya sabay hablot ng kanyang kuwintas, nalingat siya kaya hindi na niya ito naagaw sa binata,"

"At ano ang masasabi mo dito itinaas nito ang kamay at ipinakita sa harapan niya ang dalawang kuwintas na magkapareho ng pendant, bakit identical ang kuwintas natin?,"

"Malay ko ba diyan?,"kung gusto mo kunin mo na lang yan para manahimik ka na lang," pagkasabi niya nun ay bigla siyang tumalikod.

Pero nahawakan nito ang braso niya at ipinihit siya paharap.

"Louise huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita, heto na ang kuwintas mo, hindi naman kasi sa akin yan,"

"Hindi naman pala sayo bakit sinira mo?,"

"Sige dadalhin ko muna para maipa kumpuni sa jewelry smith,"

"Huwag mo ng isasauli sa akin yan,  dahil hindi ko na rin yan tatamgapin,"

"O paalis na pala ang mga nagtatrabaho, sige mauna na ako,"

"Louise huwag mo akong tatalikuran, may pinag uusapan pa tayo,"

"Bye Jared!!,

Gabi ng inauguration at ito rin ang gabi ng pag propose ni Jared kay Janice, hindi naka tangi si Louise kay Mr. Alejandro Regalado, ito kasi mismo ang nag imbita sa kanya sa inauguration party na yun, naka upo siya sa isang mesa, kasama si Architect Omar Reyes at ang girlfriend nito, masyado itong selosa pero hindi nito pinag seselosan si Louise dahil best friend ito ng boyfriend niya, naging ka close na din niya ito, kaklase ni Omar si Louise sa elementary, ngunit nung mag high school sila ay lumipat na ang pamilya nila sa Manila, nag kita lang sila uli ng mag apply si Louise sa construction firm na connected din doon si Omar, kaya bawat project ay lagi na silang partner nito, naka ramdam na siya ng antok, kaya naisipan niyang umuwi na, nagpaalam lang siya sa magkasintahan, at dali dali na siyang umalis,. sa daan palabas ay nakasalubong niya si Jared, naka ngiti ito habang palapit sa kanya.

"O Louise aalis ka na ba agad?," the night is still young,"

"Ikaw saan ka din pupunta?" at di ba ngayon ka rin mag popropose kay Janice?"

Hindi siya nito pinansin, bagkus ay tinanong lang siya ng ....

"May sasakyan ka bang dala Lou?"

" Wala dahil sinundo lang ako nina Omar, nag insist din siyang ihatid ako ngayon kaya lang nakakahiya na din sa girlfriend niya, anyway maaga pa naman marami na din diyang taksi sa labas,"

"Ako ng maghahatid sayo, halika na sa garage tayo, no but's Lou,"

"Pero paano ang pag propose mo kay Janice?"

"That can wait, kesa ikaw naman ang malagay sa peligro, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun,  at di ba sabi ko sayo na "no but's",

"Hinila na siya ni Jared kaya wala na rin siyang nagawa,"

Pababa na sila ng garage ng may narinig silang parang nagtatrabaho, parang nag di drill ng sementadong daan, out of curiosity ay sinundan nila ang tunog ng  concrete drill, nakita nila ang dalawang lalaki na ang ginagamitan ng drill ay ang poste ng mismong building, balak yatang pabagsakin ang building, hindi na siya nag aksaya ng oras, na flying kick niya ang isa at yung isa ay sinuntok niya  ng ubod lakas sa mismong mukha nito , kaya tulog ito ng bumagsak,"kinuha niya sa kanyang bag ang handcuff na lagi niyang dala, binili Ito ng kanyang kuya Iza,  noon kasing high school sila ay maraming bully sa kanilang campus, hindi naman siya nabully ng mga ito dahil palaban na talaga siya noon pa, ang mga kaklase niya ang nabubully,  at lagi niyang tinutulungan ang mga ito, lalo na yung kaibigan niyang si Grace paboritong ibully ito ng  kanilang mga kaklase  noon,  kasi iyakin ito, umiiyak na lang ito sa isang tabi, kapag nabubully , si Jared ay parang may bumalik na ala-ala sa kanyang utak pagkakita niya na kinukuha ni Louise ang handcuff sa kanyang bag at bigla itong napahawak sa ulo at sumigaw ng napaka lakas at bigla na lang itong natumba sa lapag, buti na nga lang ay mahina lang ang pagtumba niya kung hindi ay baka nabagok  na ang kanyang ulo, Nabigla siya sa naging reaksyon ni Jared , hindi niya malaman ang gagawin,  naisip sana niyang dalhin ang dalawang lalaki sa presinto, pero dahil sa nangyari kay Jared ay tumawag na lang siya  sa kuya niya, tig isang kamay ang nilagyan niya ng handcuff ang dalawang lalaki. kaya ng maabutan sila ng kanyang kuya sa underground garage ay binabantayan niya ang dalawang lalaki at si Jared na pinahiga niya lang sa isang tabi dahil hindi niya ito kinaya kanina na balak sana niyang pahigain ito sa backseat ng sasakyan nito,.

"O anong nangyari diyan, napuruhan ba ng kalaban?," tanong sa kanya ng kuya niya.hmmmmmmm

"Hindi kuya, parang inatake yata ng migraine o kung anuman yon? bigla na lang na napahawak sa ulo at sumigaw ng napaka lakas at bigla na lang na natumba, kaya ayan hindi ko naman siya kayang ipasok sa  kanyang sasakyan eh di diyan na muna siya,"

"Sige ako na ang papasok sa kanya sa loob ng sasakyan, bantayan mo  na lang muna pag gising niya mamaya pumunta na lang kayo sa presinto singko, o kung hindi naman ay bukas na lang kayo pumunta, baka kasi matagalan yan sa pag gising, o dalhin mo na kaya sa hospital Lou, baka kung mapa ano pa yan sisihin ka pa mga magulang niyan,"

" Bakit naman ako sisisihin?,   eh wala naman akong alam sa sakit niyan, at saka siya lang naman ang nagpilit na ihatid ako,  hindi ko nga lang din inaasahan na may nag sasabotahe na pala sa bagong gawang Building na ito, kaya nangyari na nga ang ganito,  dadalhin ko na lang siya sa hospital kuya para maka uwi na din ako,  inagahan ko na nga sana ang alis ko sa party kasi inaantok na nga ako, lalo naman akong natagalan,
*****************************************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Who are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon