💞Chapter 5💝

4 0 0
                                    

"Manong driver deretso na po tayo sa site at ito na po ang cellphone ninyo, sasabay po ako sa sasakyan ng kuya ko, susunod na lang po kami sa inyo."

Naayos na nilang lahat sa bodega ng site ang mga materyales at naikandado na niya ang bodega, sa kuya niya siya sasabay ang truck ay naka alis na din, nang daanan nila ang guard house.

"Kuya heto po ang calling card ko, kung may maramdaman kayong kakaiba tawagan po ninyo ako," bilin niya sa guard na naka post doon.

Dumating sila ng bahay ay gabi na, naroon na si Gelo at Jared, nasa garden ang dalawa

"Oo nga pala, pinabantayan niya kay Jared si Gelo, pero bakit ito narito,bilin niya dito na ihatid sa hospital ang bata, tarantado pala itong pag bilinan hindi sumusunod sa instruction.'

"Bakit narito ka?," tanong niya dito na naka taas ang kilay,

"Inihatid ko si Gelo, nakalimutan mo na ba?, at hinihintay kita, makikibalita na din kung ano yung sinasabi mong masama ang kutob mo, ano ba yun?,"

" Manood ka na lang ng TV, may kasama kasing press sina kuya kagabi, kaya siguradong may balita tungkol sa nangyari, at pagod na pagod na po ako, kailangan ko na pong magpahinga, sige na uwi na, dalian mo na para makapag sara na ako ng gate, bukas na lang tayo mag usap,"

"Sa site ng umagang yun, parang hindi mai pinta ang mukha ni Jared habang pababa ng kanyang sasakyan, hindi nga ito mai park ng matino, basta na lang nito iniwan na naka tiwangwang, at agad na hinawakan sa kamay ang dalagang engineer, at sa pagkagulat ni engineer ay bigla niya itong sinipa sa tuhod kaya napa luhod ito, dahil hindi nito inaasahan ang atake ni Louise, at hindi pa rin binitawan ng dalaga ang kamay nito at pinilipit at sabay na binitawan kaya napa aray si Jared,"

"Anuba ba't nambubogbog ka? wala naman akong ginagawa," at hinilot hilot ang kaliwang kamay na pinilipit ni Louise.

"Nanggugulat ka kasi, kaya sa susunod na lalapit ka sa akin huwag mo akong hahawakan sa kamay, anubang kailangan mo?, ang aga mo yata?,"

"Oo ang aga ko nga dahil hindi ako maka tulog kagabi matapos kong malaman ang nangyari sayo, alam mo na palang may mangyayaring ganun bakit ikaw pa ang sumabay sa truck, anu na lang kung may mangyaring masama sayo paano na ang anak mo?,"

"Hoy, Mr. Regalado anubang pakialam mo sa buhay ko? Tatay ba kita?, makapang sermon ito parang taga North Korea,"

"Anong taga North Korea?"

"Di ba? sa North Korea walang karapatan ang sinuman na gumawa ng walang pahintulot ang kinauukulan?,"

"Ang dami mong alam ha!"

"Eh ano naman sayo?,"

"Because I care for you and your son as well,"

"Alam mo Mr. I care, anuman ang mangyari sa akin at kay Gelo ay labas ka na dun, dahil personal life ko na yun," iritableng sagot nito sa binata,

"Ang buhay ninyo ni Gelo ay may karapatan akong pakialaman, dahil mahalaga kayo sa akin,"

"Mahalaga lang pakikilaman na?," hoy. Mr.Regalado nananaginip ka ba?," mangilabot ka nga, huss! andami namang puwedeng pakialaman kami pa talaga?," umuwi ka na nga dahil nakakairita ka na, naiistorbo mo na ang trabaho ko dito, o kung hindi ako na lang kaya ang umuwi ng makapagpahinga naman ako, "

"Mabuti pa nga, ng mabawasan naman ang pag aalala ko sayo,"

'Dahil sa sinabing iyon ni Jared, ay biglang kinuha ni Louise ang kanyang bag sa locker at agad na umalis,"

Natutuwang tinanaw na lang ni Jared ang nagdadabog na dalaga.

"Bakit ba sobra akong nag aalala sayo Louise? ano ba ang nangyayari sa akin? itong feeling na sobra akong affected sayo?, I feel so empty when you are away from me?," sa isip ni Jared.

Kinagabihan ay nagtaka siya sa kanyang sarili bakit nasa tapat siya ng bahay nina Louise, pakiramdam niya ay hindi siya makakatulog hanga't hindi niya makikita ang dalaga, parang hindi na bago sa kanya ang pakiramdam na yun, at parang may mgo nakaraan siya na sobra talaga niya itong mahal?,.

"Sino ka ba talaga Engineer Louise Teyler?,"

Pinindot niya ang doorbell sa bahay nina Louise, swerte siya dahil ang dalaga mismo ang nagbukas ng gate.

"O bakit narito ka na naman? may kailangan ka ba?", tungkol sa site?,"

"Hindi, okey lang sa site, si Gelo? tanong nito sa dalaga?,"

"Bakit at ano ang kailangan mo sa kanya?,"

"Wala gusto ko lang siyang makita,"

"Tulog na siya, kaya umalis ka na,"

Wala siyang nagawa, kaya umalis na lang siya, pagdating niya sa kanila, nadaanan niya ang kanyang mama na naghihintay sa kanya sa sala at agad itong tumayo ng dumating siya,

" Mabuti at narito ka na, kanina pa kita hinihiintay,"

"Bakit po mom?,"

"Hindi ka na daw pumapasok sa opisina, saan ka ba pumupunta ? at heto ibinigay sa kanya ang isang envelop ,"

"Ano ito ma?"

"Basahin mo para malaman mo,"

"Ano ba kasi ito?,"

"DNA ng anak mo positive di ba?, kaya ba hindi ka pumapasok sa opisina dahil doon ka laging pumupunta?, at bakit hindi mo siya kunin tutal anak mo naman siya,"

"Mom alam mo daig mo pa si iron man, sa galing mong mag envade ng someones
privacy,"

"Hindi ko siya anak dahil ang mga magulang nito ay isang police at doctora , nagkamali lang ang DNA result na yan,"

"Ano ka ba Jared may ebedensya na at lahat still you're not believing me,"

"Mom paano mangyayari yun ,eh ang mga magulang nga ng bata ay nariyan kasama niya, kung halimbawa naman na nagloko ang asawa niya siguradong hindi ako ang magiging ama nun, dahil ni hindi ko nga kilala ang nanay niya, mom stop this argument okey, tatanda ka agad niyan, huwag mo ng problemahin yun, labas tayo sa problema ng pamilya nila leave them be
at magkakaroon ka naman ng apo, dahil sa inauguration ng building natin ay isasabay ko na ang proposal ko to marry my girlfriend Janice, by then itatakda ko agad ang kasal namin by six months, at sigurado ako after a year ay may apo ka agad,"

"Anak don't make this a joke, hindi maaaring magkamali ang DNA at nakita ko rin ang birthmark ng bata na nasa itaas ng kaliwang braso niya, di ba kagaya ng birthmark mo yun, and it was the reason why I decided to undergo of that DNA,"

"Totoo ba yan mom? nakita mo talaga ang birthmark niya?,"
*****************************************

Who are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon