☘️Chapter 6🌺

1 0 0
                                    

"Ano ba talaga ang misteryo mo engineer?, Anak ba talaga ng kuya mo si Gelo? o anak natin siya?," tanong ni Jared kay Louise,.

Hindi maka kilos na tiningnan niya ng masama si Jared, pero kinabahan siya." bakit nito nalaman yun?" sa isip niya,"

"Nag iisp ka ba ng matino? ni hindi kita kilala tapos sasabihin mong anak natin ang pamangkin ko? lutang ka ba? anong katarantaduhan ang pinagsasabi mo?, Jared kahit sa panaginip ay malabong mangyayari yun dahil may ama at ina si Gelo hindi ikaw o ako yun,"

"Ipaliwanag mo nga ang tungkol sa DNA na ito, sabay abot sa kanya ng isang envelope na puti, at ang tungkol din dito? inililis nito ang suot na long sleeve at tumambad sa kanya ang birthmark na kagaya ng birthmark din ni Gelo,"

" Sir siguradong coincidence lang iyon, at para sayo ,ano sa tingin mo halimbawa na anak mo siya, sino sa palagay mo ang nanay niya? at paano mo magiging anak siya na hindi mo kilala ang kanyang ina?,"

"Sigurado ako na may nakaraan tayo Louise at tayo ang mga magulang ni Gelo,"

"Anong sigurado ka?, at kailan kaya natin ginawa si Gelo?, ngumiti pa siya ng matamis dito,"

"Louise nagkaroon ako ng retrograde amnesia limang taon na ang nakaraan, maybe late that years we are in a relationship? wala akong naaalalang nakaraan sorry kung isa ka sa aking nakalimutan , now please tell me the truth ako ba ang ama ni Gelo?,"

"Kung ikaw nga ang ama ni Gelo siguro dapat na hayaan mo na lang siya, tutal nakalimutan mo na naman kami so just go on and don't worry about us, kaya namin siyang palakihin ng mabait at marangal na mamamayan ng Pilipinas, at hindi papayag si kuya, at pag nag matigas ka, magugulo lang ang buhay ni Gelo, dahil kahit saan tayo makarating hindi i gi give up ni kuya ang anak niya , kaya please lang naka move on na kami, huwag mo na sana kaming guguluhin , just leave us and don't worry you can have happiness from someone you love today, I know who she is, she is my classmate in San Juan High in Cebu, she is a nice girl so just be with her,"

"So magkakilala nga tayo dahil sa iisang paaralan tayo pumapasok noon, at girlfriend ko na noon si Janice nung graduating na siya ng High School, yun ang sabi niya sa akin,"

"Eh iyon naman pala, ibig mo bang sabihin dala dalawa ang karelasyon mo noon? Dahil sinabi mo kanina lang na nagkaroon tayo ng relasyon kaya nga nagkaroon tayo ng anak, saan ang lugar ko noon sayo?, dahil hanggang ngayon ay magkasama pa rin kayo ni Janice?, one night stand lang ba ang nangyari sa atin?,. at palagay mo ganun ba ako ng klase ng babae? but I want you to know that I am not that kind of girl, now I'm begging you, leave our family alone, gumawa ka ng sarili mong anak, hindi yung aangkinin mo ang hindi mo pag aari."

"Louise I'm not saying that I am a two timer boyfriend, I tell you all that because they told me all that story, I'm at lost these past years, wala akong matandaan sinabi lang nila sa akin na kasintahan ko nga daw si Janice mula pa noong fourth year High School siya, at ako ay second year college na din daw noon, parang awa mo na sabihin mo ang totoong nagyari sa atin noon, gusto ko ang mga katagang manggagaling sayo,"

"Sorry Jared nagka amnesia na din kasi ako, at limot ko na rin ang mga nakaraan ko, pasensya na,"

"Louise hindi ako nakikipag lokohan sayo,"

"Mas lalo naman ako, sa tingin mo ba nakikipag lokohan ako sayo?, manahimik ka na lang kaya? para kasing lutang na lutang ka, kaya kung anu ano na lang ang sinasabi mo, at huwag na huwag ka ng pupunta sa bahay namin hindi ka na welcome doon, gulo lang kasi ang dadalhin mo, at galit na galit sayo si kuya, baka masaktan ka lang niya, sorry talaga wala kang makukuhang impormasyon sa akin tungkol sa mga nakaraan natin, paghirapan mong alamin kung gusto mo ang katotohanan, palagay ko kasi niloloko ka lang ng mga tao sa paligid mo,"

"Louise please tulungan mo ako sa pag alala ng mga nakaraan natin,"

"Jared hindi ka ba talaga titigil? , at saka bakit ba lagi kang nandito, dati naman ay hindi ka pumupunta dito? Wala ka bang ginagawa sa buhay? Kung kailan matatapos na itong building saka ka naman nagpupursigi isang buwan na lang ay tapos na ako dito, si Architect na lang ang paparito dahil sa kanila na ang finishing touches nito, at may naghihintay na din sa aking isang building na itatayo din sa Cebu, kaya pagkatapos ko dito ay sa Cebu na ako mamamalagi, but please don't go to our house, and don't look for Gelo anymore dahil isasama ko siya papuntang Cebu,"

"Louise puwede ba even for the last time ipakita mo naman muma sa akin si Gelo?,"

"Bakit pa? at wala na din siya dito nauna na sila ng yaya niya doon sa bahay namin sa Cebu, kaya wala na siya dito,"

"Hanggang kaylan ka sa Cebu?,"

"Ewan ko, depende na kasi yun sa itatagal ng trabaho ng mga kasamahan ko,"

"Puwede bang dalawin kita sa Cebu?,"

"At bakit?, ano naman ang gagawin mo doon?, mang iistorbo ka lang, kaya huwag ka na lang pumunta,"

"Kung may resulta na ang pag papa imbestiga ko, ipapa alam ko sayo,"

"Huwag na lang, because I'm not really interested to it, may concern lang ako sa building na pinagagawa ninyo ngayon, about anything else labas ma ako dun , at kung ako sayo huwag ka ng magsayang ng pera sa pagbabayad ng mag iimbistiga, manahimik ka na lang at mag focus ka ng tungkol sa inyo ni Janice,bakit ba kasi hindi mo pa siya pinakakasalan sana ay may anak na rin kayo, hindi yung mag aangkinin ka ng ibang anak,"

"Si Gelo ay hindi ibang anak sa akin, dahil totoo at sigurado ako na anak ko siya, maliwanag ang mga ebidensya ko, kaya hindi ako titigil hanggang sa tumanda ako, magpapa kilala ako sa kanya na ako ang tunay niyang ama,"
*****************************************

Who are you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon