Chapter 1

30 5 0
                                    

Chapter 1: The Mysterious Girl

Third Person's POV

Mabilis ang takbo ng isang Lamborghini Aventador ang huminto sa isang tahimik na lugar. Bumaba ang driver ng sasakyan at tiningnan ang buong paligid. . Isang lumang karatula sa kanan na may malaking bungo ang nakatawag ng kanyang pansin.

"BIENVENIDO AL INFIERNO" ang nakasaad sa karatula na ang ibig sabihin ay "Maligayang pagdating sa Impyerno."

"What place is this?" Saad nito sa sarili habang seryosong nakatingin sa madilim na daan.

Bakit nga ba siya huminto sa lugar na ito? Malalim na ang gabi at delikado ang lugar na kanyang hinintuan. Walang malapit na bahay at wala masyadong dumadaan na sasakyan. The ambiance of the place is extremely creepy. Tanging ang liwanag na nagmumula sa bilog na buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar na ito.

"Why am I here anyway?" She sighed. Napatingin ito sa buwan na tila ba ang lalim ng iniisip.

*beep beep*

Sunod-sunod na busina ng sasakyan ang nakapagpabalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. Hindi nito namalayan na nasa gitna na pala siya ng kalsada nakatayo. Ibinaba ng isang matandang lalaki ang bintana ng kanyang sasakyan.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Malalim na ang gabi. Mabuti pa ay umuwi kana." Magalang na saad nito sa kanya. Tiningnan lang niya ito at patuloy na tumingin sa madilim na daanan kung saan nakasulat ang isang karatula na may nakasulat na babala "Never enter this road if you don't wanna die."

"Balak mo bang pumasok sa lugar na 'yan?" Biglang tanong ng driver ngunit hindi niya ito sinagot.

" Wag mo ng subukan pa. Napakadelikado ng lugar na yan at malalim na ang gabi. Marami na rin ang napabalita na namatay diyan dahil walang sinasanto ang mga halang na kaluluwang gumagala sa lugar na yan. Balita ko maraming gangster diyan. Sana'y makinig ka sa'kin at umuwi na."

Napangiti siya sa narinig. "Nag-aalala rin kaya sila?" Bulong niya sa sarili at mapait na ngumiti sa matanda.

"Salamat po Manong." Sagot nito sa matanda.

"Mag-iigat ka." Ngumiti sa kanya ang driver bago umalis.

Napasandal siya sa kanyang sasakyan habang nakatingin sa kawalan. Ilang minuto pa ang lumipas ng magpasya itong pumasok sa sasakyan. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan para makaalis na ngunit bigla niya itong iniliko at pumasok sa isang lumang kalsada kung saan tanging mga damo at puno lamang ang makikita. Balewala niyang tiningnan ang lumang karatula "BIENVENIDO AL INFIERNO" ni bakas ng takot o pangamba ay di mo makikita sa kanya. Ilang minuto na ang nakalipas pero wala naman siyang nakikita ni isang tao sa lugar na 'yon. Inihinto niya ang sasakyan sa may gilid ng kalsada ng may marinig na boses di kalayuan. Bumaba siya ng sasakyan at nagpatuloy sa paglalakad kung sa'n nanggagaling ang mga boses. Natanaw niya ang maraming kalalakihan sa gitna kaya huminto siya sa isang malaking puno di kalayuan sa kanila at nag-aabang ng susunod na pangyayari. Tahimik itong naglalakad papalapit na di mababakas ang tinig ng yapak nito sa madilim na daanan. Mula sa kanyang kinatatayuan ay natatanaw niya ang mga kalalakihan na nagpapalitan ng suntok. Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig 'alas dose y media' at tila inip na tumingin sa dalawang lalaking nagsusuntukan sa harapan. Napasinghap ang karamihan ng maglabas ng baril ang isang lalaki at itinutok ito sa lalaking kaharap. Duguan man ay napangisi ang lalaking tinutukan ng baril at walang bakas ng takot sa kanyang mukha.

"You never change. Playing dirty and disgusting tricks again, Rafael?" Mapanuyang sabi nito sa kaharap.

"Shut up! I'll kill you!" Galit na sigaw ng lalaking nagngangalang Rafael. He was about to pull the trigger when a stone hit his hand. Nabitawan nito ang baril at umagos ang dugo mula sa kanyang kamay. Everyone was shocked. San nanggaling ang batong yun?

Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon