Chapter 8: Strangers
Third Person's POV
Emerald University Hallway
"Omg girls! Andito na raw si Kaizer!"
"For real? Oh, Gosh! Where is he?"
"Some students saw him earlier. OMG!"
"My Heart!"
"I haven't seen him yet. Huhu."
"Some students saw him earlier. OMG!"
Naglalakad si Kira sa hallway nang marinig niya ang mga kakabaehang nag-uusap ngunit dahil hindi naman siya interesado ay patuloy lamang ito sa paglalakad. Nakarating din naman agad siya sa kanyang unang klase at naghanap ng mauupuan.
"I'm so excited to see Kaizer! He's super gwapo talaga. OMG!"
"Ikr."
"Solve na araw ko makita ko lang siya."
Napangiwi naman si Kira dahil sa narinig.
"Hanggang dito ba naman?" Dahil sa sobrang ingay, naisipan niyang magsuot ng airpod para makinig ng musika at ipinikit nito ang kanyang mga mata.
---
Hallway
Naglalakad si Ella kasama ang kaibigang si Nikki nang marinig niya ang usap-usapan ng mga kababaehan patungkol sa isang taong nagngangalang Kaizer.
"I think I heard that name before." Pilit nitong inaalala kung sa'n niya narinig ang pangalang yun ngunit hindi niya talaga maalala kaya naisipan niyang magtanong kay Nikki.
"Nikki, who is Kaizer?" Tanong nito ngunit tila abala naman si Nikki sa pagbabasa ng libro hanggang makarating sila sa classroom nila. Nang mapansin ni Ella na lumampas si Nikki ay agad niya naman itong hinatak pabalik sa pintuan ng classroom.
"Nikki! Andito na tayo."
"Ah! Hehe. Sorry. I'm just so excited to read this book." Nakangiting sabi nito at ipinakita ang librong binabasa nito.
"Come. Do'n tayo sa bagong kaklase natin para mabigyan naman tayo ng kunting katalinuhan. Hehe" Biro ni Ella.
Nagmadali naman ang dalawa at umupo sa bakanteng upuan katabi ni Kira.
"Good morning." Sabay na bati ng dalawa dahilan upang mapabuka ang mata ni Kira.
"Good morning too."
"Hello. What's your name pala? I'm Nikki." Magiliw na sabi ni Nikki at inilahad ang kamay upang makipagkamay at agad naman itong tinanggap ni Kira.
"Hi. I'm Ella." Sabay lahad ng kamay nito at malugod namang tinaggap ni Kira.
"I'm Kira. Nice to meet you Nikki, and Ella." Nakangiting sabi nito sa dalawa.
"Nagbabasa ka rin pala niyan, Nikki." Komento ni Kira nang mapansin ang librong binabasa ni Nikki.
"OMG. You know this book?" Excited na tanong nito.
"Yes. Actually, I just bought this book the other day." Kinuha nito ang libro sa kanyang bag at ipinakita ang librong may title na "The Prince First Love". Todo ngiti naman si Nikki at binalingan ang kaibigang si Ella.
"You should consider reading this Book, Ella! Cause it's super cute and awesome!" Kinikilig na saad nito. Napangiwi naman si Ella.
"I'm not a fan of novels but sure, I'll consider it next time."

BINABASA MO ANG
Angel In Disguise
ActionBook 2 of Empress: The Gangster Queen A story of an angel in disguise with a demon living inside.