Chapter 2: Cafeteria Encounter
Third Person's POV
Kinabukasan, usap-usapan ang nangyari sa Phyton Gang kung saan bugbog sarado ang lahat lalo na ang leader nilang si Rafael. Tila hindi ito makilala dahil sa mga sugat na natamo sa mukha. Palaisipan sa lahat kung anong gang ang nakalaban ng grupo. Ang hindi alam ng lahat ay iisang tao lang ang may gawa.
*Emerald University*
Limang magagarang sasakyan ang sunod-sunod na pumasok sa main entrance ng Emerald University ang nakakuha ng pansin sa mga estudyanteng naglalakad. Nagtilian ang mga babae ng isa-isang maglabasan ang limang makikisig at nag-gwawapohang mga binata. Naglalakad ang mga ito sa gitna ng daan na tila mga modelo habang ang mga babae naman ay tumitili at nangagarap na mapansin ng isa sa kanila.
"Kyaaaaahhhhh!"
"OMG!"
"Ang gwapo talaga nila."
"Troy, marry me!"
"Danei, my baby!"
"Ethan, Notice me!"
"James, omg be mine!"
"Jacob, I love you!"
Tuloy pa rin ang tili ng mga babae habang walang pakialam na naglalakad ang limang binata. Maraming mga babae ang natuwa dahil pagkatapos ng isang lingo, pumasok na rin ang pinakasikat na grupo ng Unibersidad na kilala sa tawag na "Slayers" ngunit nagtataka rin ang iba sa kanila dahil kulang ang mga ito.
"Hayyy sana makumpleto na sila."
Patuloy na naglalakad ang mga binata patungo sa headquarters nila habang ang mga karamihan naman ay nagbibigay daan sa kanila. Walang nais kumalaban sa grupong Slayers sa kadahilanang kinatatakutan ang mga ito at ang leader nito ay nag-iisang anak ng may-ari ng Emerald University. Nang makarating sa kanilang headquarters, binasag ng isa sa kambal na si James ang katahimikan.
"Have you heard about the news?" Excited na saad nito sa mga kaibigan.
"What news?" Takang tanong ng kambal ni James na si Jason.
"Pag balita talaga, wala kang maasahan diyan kay Jacob! Pero pag babae usapan, matik wala pang alas kwatro, alam na lahat ng detalye." Umiiling na banggit ni Daniel na sinang-ayunan naman ng karamihan. Palibhasa, kilalang babaero itong si Jacob.
"Well, usap-usapan ang nangyari sa Phyton Gang kagabi. I'm hella curious to know what happened at anon grupo ang gumawa. Balita ko nga lahat ng miyembro nasa ospital pa hanggang ngayon. Do you think it's their rival gang, the Cobras?"Maghang tanong ni James.
"No, it's not a gangster group. It's a 'she'." Seryosong saad ni Troy. Napatingin naman ang lahat sa kanya.
"How sure are you?" Takang tanong ni James.
"Daniel, Ethan and I were there. We witnessed everything. Daniel was wounded because of Rafael." Saad ni Troy sabay tingin kay Daniel.
"Wag mo na ipaalala sa'kin!" Napaismid naman ang binatang si Daniel dahil sa nangyari kagabi.
"What happened? Anong ibig mong sabihin na babae ang gumawa non?" Seryosong tanong ni Jacob kay Troy.
"Daniel was fighting alone that time against Rafael pero alam niyo namang tuso ang taong yun at nasaksak niya si Dan. Ayaw ni Dan na makialam kami kaya tahimik lang kaming nanood. Nang maglabas ng baril ang g@gong si Rafael, na-alerto kami at sasali na sana ngunit may isang taong dumating." Patuloy sa pagkkwento si Troy habang tahimik na nakikinig ang kambal na sina James at Jacob.
BINABASA MO ANG
Angel In Disguise
ActionBook 2 of Empress: The Gangster Queen A story of an angel in disguise with a demon living inside.