Chapter 4: Racing
Third Person's POV
"Ethan, pa'ano mo nalaman na siya yung babae kagabi?" Takang tanong ni Daniel.
"Her shoes." Tipid na sagot nito. Napatingin naman ang apat sa taong naka-hoodie na ang alam ng karamihan ay lalaki ito. Masuring tiningnan ng apat ang sapatos na suot nito ngunit wala naman silang napansin na kakaiba. Nagtatakang napatingin ulit sila kay Ethan.
"Wala namang kakaiba sa saptapos." Takang komento ni Jacob.
"Tsk. No idea." James
"Wala rin akong napansin." Daniel
Tahimik namang pinagmamasdan ni Troy ang sapatos nito ngunit kahit anong tingin niya ay wala pa rin siyang napapansin na kakaiba nang mapansin niya ang kulay pilak sa ilalim ng sapatos nito at pilit inalala kung sa'n nga ba niya ito unang nakita.
Itinaas ng taong naka-hoodie ang kanang kamay at binitawan ng tatlong daliri ang mga bala. Agad naman itong sinuntok ni Rafael ngunit isang malakas na sipa sa sikmura ang dahilan ng pagsuka ng dugo ni Rafael.
"Tama! Alam ko na." Masiglang saad nito. Tahimik namang naghihintay ang tatlo sa susunod na sasabihin nito.
"No'ng maglaban sila ni Rafael, isang sipa lang ang ginawa ng babae pero nagsuka ng dugo si Rafael non. Pansin niyo ba kanina? Isang magkasunod-sunod na sipa lang din ang ginawa niya sa apat na lalaking kalaban. Malakas siya pero yung sapatos niya ang isa sa rason kung bakit sumusuka agad ng dugo ang mga kalaban niya. Hindi ba kayo nagtataka kung pa'nong sa isang sipa, tumba agad ang kalaban?" Pagku-kwento nito.
Hindi agad naintindihan ng tatlo ang sinabi ni Troy.
"Yung sapatos niya kung tiningnan niyo ng maigi habang naglalaban sila kanina, may mga blades ang ilalim ng sapatos niya at delikado ito kapag natamaan ka. Pero hindi halata yung blades sa ilalim dahil sa sobrang bilis ng galaw niya. Kung pa'no siya nagkaron ng ganong sandata ay palaisipan pa rin sa'kin." Dagdag pa ni Troy.
Pagkamangha ang nasa mukha ng tatlong lalaki na sina Daniel, James and Jacob habang tahimik naman na nakikinig si Ethan.
"Paanong nagkaro'n siya ng ganong klaseng sandata---" Naputol ang sasabihin ni Jacob dahil nagsalita na ang announcer gamit ang mic kung sa'n malakas na maririnig sa buong race track.
"The race between the former champion of tonight's racing competition David versus the newbie in black will now officially begin. Who will win?"
Sigawan at hiyawan ng mga nanonood ang nangingibabaw ngayong gabi. Ang iba ay pumapalakpak kay David habang ang iba naman ay pumapalakpak sa naka-itim na naging kilala sa tawag na The Mask Man at mas kilala ngayon sa tawag na Black dahil sa purong itim na suot mula sapatos hanggang sa hoodie at itim na maskarang tinatakpan ang kalahating mukha nito. Nakapasok na ang dalawang kalahok sa karera at kasalukuyang naghahanda dahil magsisimula na. Winawagayway ngayon ng isang lalaki ang kulay pulang tela sa gitna habang nagsisimulang magbilang.
"1"
"2"
"3"
"GO."
Mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan at nangunguna ang pulang Audi na pag-mamay-ari ni David. Nakangisi naming nagmamaneho si David dahil nangunguna ito sa karera. Malakas ang hiyawan ng mga taga-suporta ng dating kampyon na si David.
"David! David! David!"
Dismayado ang karamihan sa taga-suporta ng kalahok na si Black dahil nahuhuli ito. Ang akala pa naman ng karamihan ay magaling ito. Seryoso at tahimik namang nanonood ang Knights at Slayers.

BINABASA MO ANG
Angel In Disguise
ActionBook 2 of Empress: The Gangster Queen A story of an angel in disguise with a demon living inside.