Chapter 3

9 3 0
                                    


Chapter 3: Underground

Third Person's POV

Nakasandal sa isang puno ang babaeng si Yuki habang nakatingin sa kawalan nang may biglang magsalita.

"I saw what you did earlier near the gate." Komento ng isang lalaki na nasa itaas ng puno. Tumingala ang babae para matingnan ang lalaking nagsalita. Naka-uniporme ang lalaki at tiyak ni Yuki na dito ito nag-aaral pero hindi niya pa ito kilala.

"I don't know what are you saying." Kibit balikat na sagot ni Yuki dahilan upang humalakhak ang lalaki at bumaba sa puno.

"You were the girl who throw the stone."

"No. Imposibleng may nakakita no'n kanina." Sa isipan ni Yuki.

"Paanong---" Yuki

"Yukiii!"

"Yuki! Asan ka?"

Maririnig naman sa di kalayuan ang boses ng dalawang babae na agad namang nakatawag pansin kay Yuki. Napalingon ito sa pinanggagalingan ng mga boses at namataan ang dalawang kaibigan.

"Yuki!!" Kaway ni Nikki at hinila si Ella para mapuntahan ang babae na nakasandal sa puno. Napatingin si Yuki sa pwestong lalaki kanina ngunit wala na ito ro'n.

"Sino kaya yun? Pano niya nalaman yung ginawa ko kanina?" Yuki

"Finally! Nahanap ka rin namin!" Sabi ni Nikki.

"Yuki, ayos ka lang ba? Pinag-alala mo kami." Ella

"I'm fine." Maikling sagot nito at pumikit.

"Yuki, ang galling galling mo kanina! Pero sana hindi mo nalang ginawa yun dahil panigurado gugulo ang buhay mo rito sa Emerald University. Baka gumanti ang grupo ni Bryan kaya mag-iingat ka lagi." Malungkot na pahayag ni Nikki sa kaibigan.

Naalala ni Yuki ang ginawang eksena kanina. Maging siya man ay nabigla sa ikinilos niya kanina ngunit ayaw na ayaw niyang may isang babaeng inaapi ng kung sino man. Hindi siya sanay na may mga kaibigan dahil sa katunayan, isang tao lang ang naging matalik niyang kaibigan noon pero natutuwa siya dahil sa dalawang bagong kaibigan na nag-aalala sa kanya ngayon.

10:00 pm

*Underground*

Ang Underground ay isang malawak na lupain na malayo sa syudad kung saan walang ordinaryong tao ang pwedeng makapasok dahil ang lugar na ito ay para sa mga gangster lamang. Dito nagaganap ang car racing, gangster fights at iba pang mga aktibidad sa mundo ng mga gangster.

Maingay at marami ang tao ngayong gabi dahil sa car racing na gaganapin isang oras mula ngayon. Tahimik lamang na nagmamasid ang isang tao sa gilid ng daan habang nakatingin sa mga taong nakadalo ngayon sa Underground.

Limang magkakasunod na sasakyan ang dumating mula sa entrance na siyang nakaagaw pansin ng karamihan. Isa-isang bumaba ang limang mga binatang naka-itim. Tahimik na nagmamasid ang lahat sa kanilang pagdating. Bihira lamang mapunta ang slayers sa Underground kaya marami rin ang nagtataka kung bakit sila andito. Tahimik naman silang naglalakad patungo sa race track kung sa'n gaganapin ang karera.

"Hindi ko inaasahang makikita ko ang Slayers ngayong gabi."

"Sasali ba sila sa karera?"

Nagtataka man ay walang naglalakas ng loob na magtanong sa kanila. Nagsimula ng magwarm up ang mga kalahok sa karera. Sampu lang ang magkakarera ngayong gabi dahil wala naman gaanong interesado sumali sa karerang ito ngayon lalo na at biglaan lamang ang pag-anunsyo nito. Tahimik na nagmamasid ang mga miyembro ng Slayers sa buong paligid at isa-isang tiningnan ang mga nakahilerang sasakyan.

Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon