Chapter 8 Part 2

19K 359 28
                                    

Zenia's POV


Siguro tama nga si Ross. Mas magiging okay kung mag-ba bakasyon muna ako sa trabaho at mag-fo focus sa pagbuo ng family 'ko.

Alam 'kong nandito na si Justin sa tabi 'ko. Pero hindi 'ko pa rin maiwasan na hindi mag-worry na anytime ay pwede siyang mawala ulit.

Nawala na siya ng ilang beses. At ito na 'yung chance 'ko na 'wag hayaang mawala pa siya ulit. I cannot afford to lose him again.

"Ross, matulog ka na. Pina-ayos 'ko na 'yung kabilang kwarto para sa inyo ni Kriston. Hayaan mo muna 'yang dalawa na magkuwentuhan." Sabi 'ko kay Ross.

"Medyo inaantok na rin nga ako eh. Pati ang sakit ng likod 'ko! Ganito ba talaga pag buntis?" Tanong sa'kin ni Ross. Hindi 'ko maiwasang matawa sa expression niya. Naka-hawak siya sa balakang niya. Hindi pa naman gaanong malaki 'yong tiyan niya pero as a woman who has already experienced getting pregnant, mahahalata agad sa kanya 'yong symptoms kapag buntis.

"Oo! Mag-tiis ka! For the baby." Natatawa 'kong sagot sa kanya.

"At bakit ka natatawa?" Aniya.

"Wala lang. Nakikita 'ko lang 'yung sarili 'ko sa'yo." Pinigil 'ko 'yung sarili 'ko sa pag-tawa. Medyo maaga rin 'yung symptoms ni Mel. Halata na agad sa kanya na buntis siya kahit hindi pa man malaki 'yung tiyan niya. Sana hindi naman siya mahirapan sa pag-deliver ng baby niya.

"Pero Zenia, seryosong usapan. Who would have thought na ganito ka-tragic 'yung love story niyo ni Justin 'no? Everything is unexpected." Biglang naging seryoso 'yung expression ng mukha niya. Ganun rin ako.

"Sa totoo lang, ang masasabi 'ko lang.. Sobrang galing ng mga pangyayari. Maybe everything is just part of the plan." Ngumiti ako.

"True. At hindi 'ko rin expected na ganyan ka katatag na tao. Sobrang dami mong pinagdaanan but look where it took you."

"Happy ending pa rin naman kahit papano 'no?" Tanong 'ko kay Ross habang pinagbubuksan siya ng pinto.

"Oo naman. At sana, this time, mag-last na ah." aniya.

Tumango lang ako. Hindi 'ko alam kung anong dapat isagot sa sinabi niya. Wala naman sa mga kamay 'ko 'yung mga pwedeng mangyari eh.


BUMALIK ako sa kubo kung saan si Kriston at Justin masayang nagku-kuwentuhan. Parang noong dati lang. Para bang matagal na silang magkakilala. Ano ba 'tong sinasabi 'ko? Syempre, matagal na silang magkakilala. Medyo nauntog lang talaga si Justin kaya medyo nakalimot pero it doesn't mean na hindi niya na kilala si Kriston. I know and I believe na sa puso ni Justin, lahat kaming naging malaking part ng buhay niya eh mananatili sa puso niya forever.

Except lang kay Mel. Siguro kung may isang tao na gusto'kong mag-disappear sa mundo, wala nang iba pa kundi si Mel. After all she has done to me and to my family, hindi 'ko alam kung saan siya humugot ng lakas ng loob para gawin lahat ng 'yon sa'kin at kay Justin. Ninang pa man din siya ni Alex.

Nangyari na ang lahat eh. Might as well, patawarin 'ko nalang siya.

Pero kaya 'ko ba siyang patawarin? Kaya 'ko bang makita pa siya? Kaya 'ko bang mag-panggap na parang walang nangyari? Kaya 'ko bang kalimutan nalang basta-basta lahat ng ginawa niya?

Tuwing naiisip 'ko lahat ng mga pangyayari, hindi 'ko mapigilang maiyak. It's too painful. Siguro hindi 'ko pa siya kayang patawarin sa ngayon. Hindi pa ngayon dahil masyado pang fresh lahat ng pangyayari. Time can only tell. Kapag handa na akong kalimutan lahat ng ginawa niya.

Pero hindi 'ko na siguro masisikmura pang papasukin pa siya sa buhay namin ni Justin. Not now. Not ever.

"Baby." Bulong sa'kin ng isang lalaki mula sa likod 'ko. Isang pamilyar na boses. Si Justin. Nagsimulang umakyat ang kilit sa spine 'ko. Hindi pa rin nawawala 'yung effect ng presence sa'kin ni Justin.

Secret Admire 2 (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon