Chapter 6

32.2K 604 53
                                    

"But down the road, the sun is shining. In every cloud, there's a silver lining. Just keep on holding on." One Day You Will / Lady Antebellum

Zenia's POV

Hm. Masakit parin ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit. Dumliat ako nang katabi si Justin. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siyang nakatulog kagabi.

Medyo akward yung nangyari kagabi, pero anong gagawin ko? Mahal na mahal ko si Justin and I've been longing for him. 

Sa lahat nang nangyayari ngayon, hindi ko parin mapigilang magalala. Dahil sa tuwing sobra yung saya ko, biglang may mga bagay na dumarating na ikalulungkot ko.

Minsan mahirap maging sobrang saya dahil baka ito na ang huling pagkakataon na masaya tayo, o baka may kasunod itong kalungkutan. Pero sino bang makakapagsabi ng mga susunod na mangyayari sa buhay natin? Only God knows. So might as well, trust in Him and savor the moment habang andyan pa.

Nandito lang ako sa sa may balcony ng mismong pinaka rest house. Tinawagan ko narin sila Kriston at Ross na sumunod dito. Tiyak na magugulat si Kriston kapag nalaman niyang buhay pa si Justin. O baka nabanggit narin ni Ross kay Kriston yung nangyare. 

Hindi ko muna inimbita si Flip dahil mukhang magiging malabo ang sitwasyon sa kanilang dalawa ni Justin.

Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko mula sa likod. 

Si Justin. 

Naka-boxer shorts lang siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Napaka-ganda ng tindig ng katawan niya at napaka-gwapo niya.

"Good morning!" masayang bati sa akin ni Justin.

"Good morning din." ngumiti ako sakanya.

"Kanina ka pa ba gising?" tanong niya habang umuupo sa tabi ko. May malaking duyan na pwedeng upuan o higaan dito sa may balcony. Sobrang perfect dahil fresh air dito.

"Medyo kanina pa. Anong gusto mong kainin? Sorry hindi pa ako nakakapagluto. Medyo masakit kasi.." Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Hindi ko na matuloy yung sasabihin ko.

"Anong masakit?" Halatang na-realize niya agad kung ano yung sagot sa tanong niya.

"Yung katawan ko masakit." sagot ko. Pinilit kong wag maglagay ng wall sa pagitan namin.

"Zen, sorry. Nabigla ba kita kagabi? Akala ko kasi hindi na tayo mga bata..." Hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya.

"Hindi. Masaya ako. Masaya ako kasi kasama na ulit kita." Yumuko ako. Hindi ko mapigilan magworry. Sobrang saya ko ngayon pero pano mamaya? Pano bukas? Sobrang kinakabahan ako na mawala nanaman siya ulit.

"Bakit ganyan yang mukha mo? What bothers you? Come on, speak up." Hinawakan niya yung kamay ko. Humawak rin ako nang mahigpit.

"Natatakot ako na mawala ka ulit sakin." sagot ko. Hindi ko na napigilan yung luha ko. Magkahalong takot at saya ang nararamdaman ko.

Hindi ko rin naman masisi yung sarili ko sa pagiging iyakin at pagaalala, nakaka-trauma yung nangyari na bigla siyang nawala sa akin. Mahirap at sobrang sakit.

Niyakap niya ako bigla.

"Nangako na ako sayo diba? Hindi ko kayo iiwan ni Alex." Napanatag ako sa sagot niya.

Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo yung taong mahal na mahal mo, at nangakong hindi ka iiwan kahit anong mangyari. Minsan tinanong ko yung sarili ko, kung maghahanap ako nang kapalit ni Justin, anong klaseng lalaki ang pipiliin ko?

Secret Admire 2 (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon