Chapter 10

15.3K 297 70
                                    

Zenia's POV


Nakatitig lang siya kay Alex na kasalukuyang naglalaro ng pasalubong namin ni Justin na mga laruan. Nakikita 'ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Bakit kaya siya malungkot? Hindi ba siya masaya?

Aminado akong after noong saglit na bakasyon namin ni Justin eh mas naging okay ang lahat sa amin. Mas naging kumportable kami at open sa isa't isa.

"Bakit?" tanong 'ko sa kanya. Tumingin lang siya sa'kin. Naghihintay ng susunod 'kong sasabihin.

"Mukhang malalim ata ang iniisip mo." Banggit 'ko sa kanya.

"Iniisip 'ko lang. Will I ever be a good father to Alex? At sa mga susunod pa nating magiging anak?" tanong niya. Bakit kaya niya naiisip 'yon? Did I ever give him that kind of impression para magisip siya ng ganun? Siguro dahil hindi niya nakasama at nakitang lumaki si Alex? Is that the reason?

"Of course. You will be a good father. You have always been a good boyfriend and a good husband to me."

"You are as supporting as ever, babe." Aniya. Ngumiti siya ng bahagya.

"Kahit hindi tayo gaanong nabigyan ng time noon, naging maayos kang boyfriend at asawa sa'kin. And I'm sure magiging maayos kang ama." I need to do this. I need to cheer him up. Siguro isa ito sa mga adjustments niya. Kailangan niya ng suporta 'ko.

"Thank you. I promise I'll make everything up to you." Hinawakan niya 'yung kamay 'ko at hinalakan ito.

Totoo 'yung sinabi 'ko Justin. Basta wag ka lang mawala. Hinding hindi ako magsasawang mahalin ka.

"Ay babe. Pupunta pala si Mr. and Mrs. Santos dito mamaya. We'll talk business over dinner. Pwede ka bang-"

"Mag-luto?" Excited 'kong tanong sa kanya. Ito na rin siguro 'yung moment para mapakita 'ko sa kanta 'yung pagiging wife 'ko sa kanya.

"Nadali mo. Okay lang ba?" tanong niya. Tumango ako.

"Sige. Pupunta lang ako sa grocery. Isasama 'ko na rin si Alex."

"I want to play with daddy!" Sigaw ni Alex habang nakahawak sa pants ni Justin. Hay. Mabuti nalang at hindi nanibago si Alex na nandito si Justin. Sa totoo lang, mukhang magkasundo agad sila. Halos sila na nga ang palaging magkausap simula ng umuwi kami dito.

"Ayaw mo bang sumama kay mommy? Malapit na akong mag-selos niyan." Nag-make face ako kay Alex na para bang nagpapa-awa.

"Babe. Hayaan mo na. Mag-bo bonding lang kami ni Alex." Nakangiting banggit ni Justin. That smile. When will I ever get used to that smile?

Ngumiti lang ako at tumango. Iniwan 'ko na ang mag-ama 'ko sa sala at nagtungo ng kuwarto para magpalit ng damit.


NAGLALAKAD ako ngayon sa isang grocery store kung saan ako at Ross madalas sabay mamili. Ano kayang lulutuin 'ko para kina Mr. at Mrs. Santos?

Speaking of cooking dinner for Mr. and Mrs. Santos. Bigla lang pumasok sa isipan 'ko. Si Mel kaya? Pinagluluto niya kaya si Justin noong panahon na tinago niya pa sa amin si Justin?

Huminga ako ng malalim. Panay ang pag-hinga 'ko ng malalim lately. Dahil na rin siguro sa napapadalas ang pagiisip 'ko ng kung anu-ano nitong mga nakaraang araw. Maliit na tulong na rin 'to para lumuwag 'yung pakiramdam 'ko sa lahat ng mga pangyayari.

Naglalakad ako palabas ng grocery store. Napag-desisyunan 'ko nalang na bumili ng tenderloin for meat. Blanched beans and carrots for the vegetable at mashed potato. Bumili din ako ng wine para match sa dinner na gagawin 'ko. I want to make it simple as much as possible.

Secret Admire 2 (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon