Chapter 8

34.8K 568 59
                                    

Zenia's POV

Nakatulog pala ako.

Binalot ko ng kumot ang sarili ko at sumilip sa bintana. Gabi na pala.

Teka? Asan si Justin?!

Hay! Natataranta ako kapag nawawala siya bigla at hindi ko alam. Ayoko na siya mawala pa sa paningin ko.

Nag-ma madali akong kumuha ng bagong damit sa bag at lumabas para hanapin si Justin.

"Justin?!" sigaw ko sa may kusina pero wala siya dito. Hay, nasaan kaya siya?!

Lumabas ako ng bahay para hanapin siya. Napahinga ako ng malalim nang makita ko sila Kriston at Ross na kasama si Justin sa may kubo malapit sa beach. Nakita ko si Justin na tumatawa at mukhang nag-ka gaanan agad sila ng loob ni Kriston.

"Oh, gising na pala si Zen eh!" sigaw ni Kriston nang makita niya akong papalapit sa kanya.

Tumingin ako kay Justin. Nakatitig siya sa akin habang nakangiti. Ano kayang iniisip niya?

"Uy, kanina pa kayo nandito? Sorry, nakatulog ako." Mahina kong sinabi sa kanila. Nanghihina pa ako gawa ng nangyari kanina.

"Halata ngang kakagising mo lang banana eh." Biglang sinabi ni Kriston. Naalala ko bigla yung tawagan namin noong highschool na banana. Siguro sinadya niya rin 'yon para maalala ni Justin.

Tumayo si Justin para ibigay sa akin 'yong upuan na inuupuan niya.

"How's your sleep?" tanong sa akin ni Justin. Malumanay akong tumango.

"My God! You look exhausted besty! Anong nangyari sayo?" tanong sa akin ni Ross. Andito rin pala si Ross. Akala ko hindi siya makakapunta due to her pregnancy.

"Wala naman. Kumain na ba kayo?" tanong ko.

"Mabuti naman at natanong mo.. kasi hindi pa!" sigaw ni Ross. Hay, kapag buntis nga naman.

"Ito talagang wifey ko, palagi nalang gutom." lambing ni Kriston habang yumakap sa asawa niya.

"Uh, sige, magluluto lang ako. Justin, kilala mo na ba sila?" tanong ko kay Justin.

"Ah, oo. Nakwento sakin ni Ross 'tong si Kriston. Medyo.. medyo parang familiar nga siya sakin eh." gumaan ang loob ko sa sagot niya.

"Dude, sabi ko sayo brother brother tayo noon eh." sagot ni Kriston. Sabay-sabay kaming naglakad papuntang kusina.

"Naalala ko 'tong ganitong vacation natin. 'Yung pupunta tayo dito tapos wala tayong ibang iniisip kundi magsaya lang. Sayang wala sila Flip at Me—" Napahinto si Kriston sa pagku-kwento.

"Kilala mo rin si Mel?" mahinahon na tanong ni Justin.

"Ah. Par, barkada rin kasi natin 'yon eh. Bale, asawa siya ng isa pa nating kababata.. si Flip." Paliwanag ni Kriston.

"Kasal si Mel kay Flip?"

"Oo, kaso sa west lang. A month after we thought you're dead, nagpakasal na rin yung dalawa." Gulat na gulat si Justin sa nalaman niya.

Maski ako ay nakagawa ng conclusion.

Akala siguro ni Mel eh patay na si Justin kaya nag-decide nalang siya magpakasal kay Flip?

Mahirap talagang basahin ang iniisip ng tao kahit pa sabihin na matagal na natin silang kilala.

"Kaya rin siguro ayaw niya pumayag na magpakasal kaming dalawa." Napayuko ako sa sinabi ni Justin. Ibig-sabihin, inaaya niya na si Mel na magpakasal silang dalawa.

Tinuloy ko nalang 'yung paghihiwa ko ng mga spices para sa inihaw na bangus for dinner.

"Pero ang nakakapagtaka lang sayo Justin, bakit hindi ka manlang umapila? Bakit hindi mo hinanap ang mga magulang mo? Di mo napansin na itinatago ka ni Mel sa lahat ng katotohanan." banggit ni Ross. Hinayaan ko lang sila magusap.

Secret Admire 2 (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon