Chapter 9

19.4K 367 36
                                    

Zenia's POV

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Hinanap 'ko agad si Justin. Wala na siya sa tabi 'ko. Bumangon ako para hanapin siya.

Nakita 'ko siyang may kausap sa phone habang umiinom ng kape sa kusina. Napatingin siya sa'kin at ngumiti.

"Yes. Okay. I will be at the office right after our vacation. Thank you." Banggit ni Justin sa kabilang linya. Office? Hindi 'ko alam na may trabaho pala siya before?

"Sinong kausap mo?" Mahinahon 'kong tanong.

"Kausap 'ko si Anna." Si Anna? 'Yung personal assistant 'ko sa opisina? Paano niya nakilala si Anna?

"Ha? Panong-"

"Sabi 'ko naman sa'yo, unti-unti 'ko nang naaalala lahat. Medyo confused pa ako pero I don't want to bother you about it. Gusto 'kong ayusin 'yung sarili 'ko nang hindi ka naaabala." Aniya. Pero paano? Paano niya nakuha 'yung contact ni Anna?

"Nakuha 'ko kay mommy 'yung contact ni Anna." Ngumiti siya sa'kin. Hindi 'ko na rin napigilan ngumiti. 'Yung ngiti na abot hanggang tenga. Ang sarap naman gumising sa ganito.

Ang sarap pala sa pakiramdam ng may asawa. 'Yung tipong hindi lang ikaw ang humaharap ng lahat. 'Yung pakiramdam na hindi ako nagiisa.

Hindi 'ko alam kung paano o ano ang sasabihin. He got me hanging.

"Coffee?" Alok niya.

Tumango ako.

"I'm starting to be a morning person." Aniya. Morning person? Bakit naman? Hindi ba siya morning person dati?

"Ha?"

"Kung ganyan ka-ganda ang makikita 'ko tuwing umaga. Excited siguro ako palagi gumising." Banggit niya habang naka-hawak sa pisngi 'ko. Nag-init na naman ang mga pisngi ;ko sa sinabi niya. Sana naman hindi niya gaanong mahalata na kinikilig ako.

"Hindi ka ba excited gumising noon?" tanong 'ko sa kanya. Umiling siya at sumimangot. Dapat ba akong mag-tanong sa mga ginagawa niya noong mga nakalipas na taong wala siya sa piling namin ni Alex?

Tumahimik nalang ako at nag-focus sa pandesal at kape na nasa harapan 'ko. Masyadong maganda itong araw na ito para masira. Maybe we have to take everything slowly. Ayoko naman maging accusing at nagger sa paningin niya.

"Beb. I have several meetings to attend tomorrow. Kailangan 'ko pang mag-adjust sa office eh. Okay lang ba kung uuwi na tayo mamaya?" Tanong niya. habang nakahawak sa isa 'kong kamay. Ngumiti ako.

"Oo naman. Wag ka gaanong ma-pressure. I'll help you with everything." Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi.

"Oo nga pala. You're the one who took over for the company. What I brave woman I got here." Biro niya.

"I'll remind you first thing in the morning about your meetings Mr. Hermoso. We'll work this out." Confident 'kong sagot sa kanya.

"Kamusta ba ang company natin?" Tanong niya.

"For almost 5 to 6 years, stable naman siya. Medyo nahirapan lang ako sa mga agricultural projects na naiwan mo before kasi hindi stable 'yung ibang farms eh." Explain 'ko sa kanya.

Medyo pinipili 'ko pa rin 'yung words na sasabihin 'ko sa kanya dahil ayokong ma-offend siya at ayokong bigyan siya ng impression na para bang nanunumbat ako. I don't want him to feel that way.

Umakbay siya sa'kin at inipit ako sa kili-kili niya. Hmm. Ang bango niya talaga.

"Don't worry babe. We'll build an empire again." Aniya. Ngumiti ako at hinalikan siya sa baba. What a way to spend a morning like this.

Secret Admire 2 (updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon