19

63 4 0
                                    

Uwian na. Cleaners ako. Haha lol

Nakasalubong ko si reins.

"Ate tam!" Nagulat ako napalapit ako kay Reins.

"Bakit?"

"Inaaway ka nanaman ba ng mga kaklase mo?" Tanung ko sa kanya

Ngumiti siya. Tapos nagbuntong-hininga. "Ate, hindi... I-reremind ko lang na next week, saturday na yung shooting ng blinds mo."
O_O hala?! Di pa ko nagpapractice.
"What?!"

"YIIIIEEE!!! EXCITED NA KO SA BLIND AUDITION MOOO!!!"

"Shhhh!!!" Ang ingay nito.. Haha "huwag kang maingay" sunod kong sabi...

"Oh sige na ate... Mauuna na ako kasi nandyan na yung driver eh. Basta, manonood ako sa BA mo ah!"

"Oh sige na... Bye. Ingat ka... Hahanapin kita sa audience... Haha hindi joke. See you there." Kumaway ako

Bumalik ako sa classroom para maglinis. Pagdating ko dun, wala ng tao. Nakalagay sa side lahat ng armchairs tapos patay yung ilaw. Grabe tong mga to. Iniwan ako...

Dahil takot ako pag madilim na lugar dali-dali akong lumabas. Pagkalabas ko sa front door, may nakita akong bouquet of roses.
"Kanino kaya to?" Kinalikot ko yung bouquet and may note dun.
Follow the petals in which a rose is form... Its how beautiful you are. Follow them and you might solve the mystery...
Yun ang sabi... Pagbitaw ko nung note, may bumagsak na isang petal, tapos sinundan ko lang yung petal.

Nung nakarating ako sa mga pang-sampung petal, yung barkada nandun except si greg.
"Halika tammy dalii..." Sabi ni Shy.

"A-anung meron?" Tanung ki sa kanila.
Nagkatinginan sila tapos sabay-sabay, "seeeccrrreeeetttt!!!"
Anu kaya meron?

Pinahubad nila ako ng damit tapos nag-abot sila ng floral blouse at isang flare na palda. Ang cute nga eh. Favorite ko. Kasi yung floral na blouse, puti sya tapos may mga maliliit na blue flowers sa paligid. Tapos yung skirt, light blue sya na below the knee. Tapos pinagsuot ako ng stockings tapos 2in. Na heels.
"Anung ginagawa niyo? Bakit nyo ko pinagpalit? At ngayon naman, makeup at hair ko yung pinagkakaguluhan nyo?"

"Basta, kami bahala sayo!" Sabi ni Sophie na abalang abala na tinutulungan si Shy sa buhok ko. Ladderbraid yung ginawa nila habang kinukulot ni Sophie ngayon yung dulo. Si Kyla naman sa mukha ko. Nilagyan niya ng beige sa mata ko tapos pinatungan niya ng light blue sa gilid tapos nilagyan ako ng eyeliner and mascara. Pero light lang. Ganun din naman sa lipstick at blush on ko. Anung meron ba talaga.

"Ayan. Tapos ka na! Ito oh!" Sabi ni Iya. Binigay niya yung card na parang yung sa bouquet of roses.
Now that your friends insist,
You've became more fierce.
Follow each petal
Focus in everything you see
In order for you to find me.

"Gora na..." Sabi ni Jovelyn.
Naglakad ako. Yung heels ko is makinang na 2 inches lang kaya mabilis akong nakapag lakad. Well, kahit 4 inches naman, kaya ko pang tumakbo. Sanay kasi ako sa heels eh!

Every petal, tinitignan ko yung paligid. After 10 petals from the 'makeover', nakita ko si Greg. Binigyan nya ako ng accesories. Heart silver necklace, tsaka silver charm bracelet. Tapos bingay niya na sakin yung card.
10 more petals to go,
you will easily find it
A man behind this,
Hurry before others see him

"Thanks greg!"
Tinignan ko yung path. Yung path ay papunta sa lobby namin. Naglakad lang ako.
Nung nasa lobby ako, nakita ko si patpat. Siya yung girlfriend nung batang kapatid ni Chan. Si Gem. Kamukha niya si kuya Chan pero syempre mas gwapo si kuya Chan. Magaling din yan magpiano. Mas magaling sa kuya niya. Pero mas may puso yung kuya niya kung tumugtog.

Bingyan nila ako ng card...
Card nanaman?!

Follow the footsteps of a guy,
And girl, you will be mine.

Ang sweet nito. Naglakad si Gem. Sinundan ko siya kasi siya lang naman guy dito. Tumigil siya sa pinto ni Ms. Diana. At binuksan ito.

"Welcome."
Nginitian ko siya.
Pagkapasok ko, wala si miss Diana. Pero may bouquet nanaman ng roses.

Tapos biglang lumabas mula sa cr ng office si kuya Chan. Oh my G. Ang wafuuu....
"Hi."

"Hello" Na-awkward ako sa kanya.

"Nakakalito ba?"

"Hindi. Nag-enjoy nga ako eh!"

"Well, salamat sa participation mo..." Tumalikod sya at kinuha yung bouquet of roses

"Here. Basahin mo"

Ikaw ang bukod tangi
Saki'y nagpapangiti
Tatlong salita para sa'yo
Gamit ito, sisigla ang puso

Hulaan mo: _'_   _ _ _ _ _ _   _ _'_ _

Anu kaya yun?
Nakakunot yung noo ko.

Ahhh... Gets ko na..

I'm _ _ _ _ _ _ sa'yo.... Gets ko na....

In love?! Talaga

"Weh?!"

"Oo nga... I was actually inlove sayo grade 7 ka palang. Kasi lahat ng type ko sa babae nasa'yo na."

"Weh?! Sige nga. Enumerate!"

"Sige ba! Una, lagi kang nakangiti. Tapos kahit maraming nang-aasar sayo hindi mo pinapansin. Tapos masayahin ka tapos caring ka tapos thoughtful tsaka kung may kelangan yung iba, gagawin mo. Tapos kind ka tapos God-fearing tapos Loving sa Family mo. At lastly, ang ganda ganda mo."

"Maniniwala na sana ako eh! May maganda pa talaga? Anyways, thanks for admiring me."

"Maganda ka naman talaga eh. Hehe pwede ba kita ligawan?"

"Sige. Bahala ka. Basta wag mo pababayaan yung sarili mo at yung studies mo."

"Ok. Yes, yes, yeesss!!!" Kinalong niya ako na parang dawn zulueta.... Ang saya saya ko.... Tapos lumabas kami ng office ni miss.

"Reins? Kasama ka rin?"

"Oo ate kasi para ma-distract ka at magkaroon ng chance yung mga yan magsetup."

"Ahhh."

"Kuya Chan wait lang ah. Sophie! Samahan mo ko sa cr. Tatanggalin ko makeup ko."

"Bakit? Maganda naman ah!"

"Ah eh ano kasi... Papagalitan ako ni tatay at mommy eh. Tsaka mas maganda wala. Natural lang."

Dream that came trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon