20

65 5 2
                                    

Paglabas ko sa C.R. , nag-iintay si prince charming ko sa may bench.

"Huy! Kuya Chan! Tara na." Sinenyasan ko siya na tara na.

Tumayo siya tapos tinabihan ako. "Mula ngayon, P.C na tawag mo sakin" bulong niya

P.C.??? Personal Computer((charot))

"P.C.?" Tanung ko sa kanya

"Prince Charming."

"Ahh"

"Ayieeeee." Ay? May supporters pala aa likod. Char. Nasa likod namin sina Shy, Pat, Gem, Greg, Trisha, Sophie, Kyla, Iya, Reins at ang kinagulat ko, nandun si Ms. Diana.

Hinawakan ni Chan, I mean P.C yung kamay ko. Tapos yung mga gamit ko, binigay na sakin ng barkada.

"Uy guys... Pano tong damit ko?"
Kasi hindi naman akin yung damit eh!

"Binili ko yan para sa'yo" si Ms. Diana?!

"Miss?! Ahh... Ehhh. Eto na po... Miss--"

"Wag mo na isoli! Pera ko naman yung gamit eh!" Si kuya- ay si PC alam size ko?! Eh di WOW!

---
"Byee..." Sabi nila. Nagpababa na ko sa dulo ng street kasi baka sabihin nila, meron na akong manliligaw. Which is true naman pero, bawal pa kasi kay tatay.

Nagpunta ko sa bahay.

"Mommy!" Nagmano ako kay mommy at tatay.

"Bakit ganyan suot mo?" Ang taray talaga ni Jessie.

"Si ms. Diana bigay sakin to. Para daw sa audition ko. Pero sabi ko, nagprepare na ng damit si mommy kaya ang sabi niya lang, basta makita niya daw ako na suot to sa contest. Bakit jess aber?! May problema ka?" Pag-explain ko...

"Wala. Ang cute kasi." Haha sabi na nga ba eh! Inggit bleh...

"Oh! Magpractice na tayo." Wow! Si tatay talaga nagsabi nun ah?!

When you feel like your ready to go, somewhere you've never been
Make a wish and that dreamin' in you grows
Shining as bright as day
Carrying you faraway

The story begins with a light in your heart a fantasy, a dream and a spark once you believe, you are ready to shine
A princess inside you will show
You are the glow.

"Ok naman. Pero dapat may emosyon... Pakita mo sa kanila na kaya ito na yung time mo mag- shine!" Wow! Coming from my dad?! Really?! Hayy. Sana ganto nalang lagi.. Sinusuportahan ako at pinapakita nila na mahal nila ako...

Dinner: 7:30 pm

"Mi? Ikaw lang ba kasama ko sa audition?" Tanung ko

"Hoy hindi pede. Dapat ipakilala mo ko kay babes" ang bantot talaga ng babes.

"Hoy ka rin. Hindi pwede noh! And stop mentioning babes pag minemention mo si Lea!" Kasi si Jessie sobrang fan ni Ms. Lea Salonga na kahit saan kami pumunta, aasa siya na makakaaalubong namin si Lea. Actually, sayaw talaga siya magaling. Pero dahil hindi na siya nakakasayaw, hindi na niya gaano alam yung steps. Pero dahil sa CA din papasok, palagay ko, maibabalik niya yung pagsayaw niya.

"Ako, at si ate Micah lang. Pag pumasok ka sa blinds, Lahat kami pupunta doon" yay. Full support

~~~
Hello guys!!!! Sorry late UD. Hope you enjoy my story!

Dream that came trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon