45

39 3 0
                                    

Tam's POV

After a couple of days.

September 9 na. Tutal Wednesday naman, at may klase, pumasok nalang ako... Siguro sa Friday, di nalang ako papasok.

Birthday ko kasi yun and baka ako pagkaguluhan ng tao. So, sa bahay nalang ako tapos pupunta nalang sa school pag may kailangan.

Nakakahabol naman ako sa lessons eh... Pag may P.E. nalang siguro or SAP Time, Pupunta ko...

Nag-discuss lang kami tapos, nagpunta ko sa HRC... After nun, pagbalik ko sa classroom, wala nanamang tao... Bag ko lang nandun. Hindi ko kinuha yung bag ko. Lumabas lang ako.

Hinanap ko sila... Pababa palang ako sa stairs, sinalubong ako ni Sophie.

"Tam, may naghahanap sa'yo... Nasa auditorium." Sabi ni Sophie.

"Ah ok. Thanks" sabi ko kay Sophie.

Naglakad ako papunta sa audi... Wala namang tao... I decided to go back to our classroom.

Pagbalik ko, buti nalang wala pa si sir DanDan. Ang strikto pa naman nun.

Kinulbit ko si Sophie. Wala pa naman si sir eh.

"Sophie... Wala namang tao sa may audi eh..." Sabi ko sa kanya.

"Ahh... Baka nakaalis na... May hinahabol daw eh." Tapos, nagtinginan sila ni Kyla. Tapos biglang tawa...

Ano kaya yun?!

Andami kong ginawa after that incident...

JCA(Junior Clubs Assistants) stuff, Facilitators Group, Studies, Duty(Scholar), and many many more stuff...

Ang sakit na nga ng ulo ko eh...

Dismissal time na. Sabi ko kay Reins, hintayin nalang ako sa Q2. Dadaan pa kasi ako sa locker. Pero sabi niya, samahan nalang daw niya ako.

Wala kong choice.

"Ate... Ano bang gagawin mo dyan?" Tanung sakin ni Reins.

"May iiwanan ako. Yung mga materials ng JCA at FG pati isang libro... Ang hirap kasi buhatin tsaka kailangan din naman bukas." Sabi ko...

Pagbukas ko nun, may nalaglag na papel... Akala ko, love letter or what... Andami kasing ganyan nung grade 9 ako...

Para siyang tula tapos may phrase sa huli na parang i-so-solve.

Papel siya na kulay blue...

Ang nakasulat:

Song you hear
Love you feel
A boy in disguise
No more butterflies
In the stomach of mine

Your birthday is coming! Can you guess who it is? A puzzle mind I give you. For your birthday surprise... :)

Yun lang nakalagay.

Tinanung ko kay Reins kung kilala niya kung sino... Nag-smirk siya tapos sabi wala daw siyang alam. Tinanggal ko na yung mga gamit na iiwanan ko sa bag at nilagay ko sa loob ng locker ko.

Simarado ko siya tapos sabi ko kay Reins na pumunta na... Nakaabang naman si kuya Will.

Nung nakarating na ko sa bahay, nagpalit ako tapos nag-meryenda. Tapos, pumunta ko sa kwarto ko. Tinignan ko naman yung FB ko at Twitter kung may message or may nang-i-i-stalk. Alam ko kasi kung saan malalaman yun eh.

Wala naman. Tinignan ko din naman yung Instagram ko, wala naman.

Nagtataka talaga ko kung sino yun...

Sigurado, kilalang kilala na ko nun... Sino kaya yun... Nailagay siguro nung pumunta ko sa audi... Pero hindi pwede. Iisang daan lang yung dadaanan papunta sa audi at pabalik sa classroom at sa tabi lang naman ng classroom namin ang locker ko... So pano yun?! Nag-teleport siya?!

Ang hirap naman ng puzzle na ginawa ng taong yun....

Birthday ko nga, pinapasakit naman niya yung ulo ko...

Alam ata ng buong klase namin tapos pati si Reins, si mommy at ang buong pamilya ko alam...

Tinatatanong ko kasi sila... Nag-smirk lang tapos tumawa sila.

Pero sana malaman ko na kung sino to bukas...

~~~~
Hi!!!! Sorry! Ang iikli lang ng chapters ko... Busy na kasi ulit sa school... Grade 9 na kasi ako eh... Thanks for understanding...

Vote, comment suggestions and read soulfully... ✌

~AMVL

Dream that came trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon