39

41 1 0
                                    

Tam's POV

Pagkagising ko, nagbihis na ko.

Nag-iintay nako sa service.

"Anak oh! Baon mo." Sabi ni tatay. Nilagay ko sa wallet ko yung pera tapos yung lunch box, sa bag ko...

"Tay, antagal ni kuya Lando!"
Sabi ko kay tatay. Antagal kasi. Male-late ako eh.

"Hindi ka pwedeng doon mag-service. Nandyan sa dulo ng street yung van mo. Sinabihan ko na si manong Will. Simula ngayon, bawal ka na daw sabi ni mommy at sabi nga ng tvk2 kahit hindi muna eh. Pinilit mo lang kami. Bye anak." Nag-kiss ako sa cheeks ni tatay tapos nag-hug. Pumunta na ko sa dulo nung street namin. Nandoon na si kuya Will.

"Tara na kuya!" Sabi ko. Tapos, sumakay nako doon.

~~~~~~~

Tinext ko si Reins. Sabi ko, hintayin niya ko sa may parking lot. Kasi sabi nila, dudumugin daw ako...

Which is tama.
Alam nilang lahat yung van ko. Pagdating ko sa parking, yung mga tao nag-kukumpula tapos papalapit sa van. Pero nung nakita ko si Reins.

Pagbaba ko, as in, pinagkakaguluhan ako ng lahat.

Kasama ko si kuya will tapos si Reins. Nasa magkabila silang side ko.

Pagdating ko sa may classroom namin, andami pa ring tao. Pero sabi sakin ni Reins, wag daw akong lalabas pag wala kong kasama...

Ang strikto naman. Ito pala feeling. Lol.

"Hi Tam!"

Puro yan yung naririnig ko.

Nag-assembly kami tapos announcement na.

"Another announcement." Sabi ni ate Therese.

Nag-pay attention ako.
Andami kong na-miss.

"Let us support Tam Lohan in the upcoming Grand Finals of The Voice Kids Season 2." Nagulat ako sa announcement.

Pinabalik na kami.

Nagklase lang ng nag-klase pero yun, nakikinig ako habang nag-iisip ng kung anu-ano.

Habang break, binilhan lang ako ng mga kaklase ko ng pagkain...

Urrrggghhh. Ayaw nila ko palabasin.

Kahit pumunta ng library, sasamahan pa ko ni Reins o kay ng barkada.

Nakakaasaaarrr...

Ang hirap naman...

+++++

Pauwi na kami. Syempre, nagkakagulo pa rin mga tao. Ok lang sa BURIEd subd. Eh! Wala namang hindi nakakakilala sakin dun eh...

Habang nasa kotse, tinawagan ako ni Darren.

Convo:
A: Hi Dar.

D: hello. Oh? Kamusta araw mo?

A: ok lang naman

D: ang hirap noh?

A: medyo. Pero ok lang naman....

D: ok lang yan. San ka?

A: pauwi na. Ikaw?

D: break namin.

A: nasa eton ka?

D: yup. P.E. namin eh.

A: ahh...

D: uhhmm... Tammy,

A: oh?

D: may sinabi ba si Tita Jen sa iyo?

A: tungkol saan?

D: na nasabi ko.

A: ahh... Wala naman. Nag-uusap lang kami nung mga gagawin namin. Bakit?

D: ahh. Wala... Sige. Bye na.

A: sige sige. Bye bye. Ingat. Good luck sa P.E nyo. Wag mong pagudin sarili mo ah.

D: yup. Sige bye...

Ang saya naman.

Hayyy.

Alam niyo namang gusto ko siya diba?! Matagal na. Pero mas nagugustuhan ko siya.

Sabi ni mommy sakin 16 pa daw pwede...

Sana kayanin ko na tiisin na itago yun.

Dream that came trueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon