ONE NIGHT II

142 3 2
                                    

[ Gusto ko lang lagyan ng part two kasi wala trip ko lang :P ]



"Ang tagal mo naman!" Autumn groans impatiently.

"Wow ha! Akala mo ba madaling makahanap ng atis na walang buto??" Asik ni Spring na kadadating lamang.

"Whatever." Pagtataray ni Autumn kay Spring. She walks toward Spring, getting the eco bag that he is handling.

"Oh ayan ubusin mo." Spring chaff and go up stairs. Autumn was left alone downstairs.

"Nakakainis! Biruin mo yon dalawang oras naghanap tapos dalawa lang ang binili, hindi man lang dinagdagan." Autumn ranted as if she is talking to someone. 

Her mood swings and food cravings are really killing her right now. She wants to thank Spring for being so patient with her especially her weird cravings but her subconscious would always battle, Kung hindi ka niya binuntis edi sana hindi siya nagpapakahirap sa mga cravings mo ngayon.

She's munching her seedless atis when Spring appeared from nowhere.

"I will just somewhere, huwag mo na akong hintayin baka gabihin ako." Spring said.

Autumn with her never ending eye roll whenever Spring speaks just acted up again. "As if naman hihintayin kita. Huwag ka ngang feeling."

Spring just shook his head and sighed before leaving the house. Yeah, house. Spring and Autumn were staying in one roof now—for now. In order to protect whatever career or job they have. Autumn got pregnant after that one drunk night moment of them. To make it short, both of them decided to keep the baby and keep everything as a secret.

SPRING's

It was hell for me during the first and second month of Autumn's pregnancy—especially Autumn's mood swings. May pagkakataon nga noong six or seven weeks pregnant siya noon, nanonood kasi siya that time and ako kararating ko lang sa bahay from work tapos kapapasok ko pa lang ng bahay nagsusungit na agad ni hindi ko naman siya pinansin tapos nung akmang tatalikuran ko na siya bigla na lang umiyak—I thought I did something—nung nilapitan ko na tsaka ko nalaman kung bakit naiyak. Iniiyakan niya yung toy story.

Napailing na lamang ako habang nagmamaneho dahil naalala ko nanaman yung pag-iyak ni Autumn dahil sa toy story.

"Hoy Spring! Ano nasaan ka na?!" Iyan ang bumungad sa akin pagkasagot ko ng tawag ng kaibigan ko.

"Driving...Malapit lapit na rin naman." I simply answered.

"Bilisan mo pare, ikaw na lang ang kulang baka mamaya bigla mo na naman kaming di siputin eh."

"Sige na sige na, malapit na nga ako." I said and ended the call.

My cousin's place wasn't that far from my house. Three months na rin simula noong huling gimik namin kaya ganoon na lamang sila kasigurista na dadating ako. This past months palagi ko kasing dinedecline ang mga aya nilang gimik dahil nga hindi ko naman maiwan ng basta ang nanay ng magiging anak ko.

"Spring! Finally sinipot mo rin kami!" Salubong sa akin ng pinsan ko habang may hawak hawak na bote ng beer.

"Parang bakla naman to oh." I jested dahil may pagakbay pa sa akin.

"Tarantado namiss ka lang namin! Wala na kasing nanlilibre ng drinks eh." Biro naman niya na ikinatawa din ng iba pa naming mga kaibigan na nandito din.

KJ OSWhere stories live. Discover now