Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan kung bigla na lang nawala ang minamahal mo? Hindi naman kasi isang kaso ng AWOL o Absence without leave ang pagmamahal. Alam mo iyon, kapag yung minamahal mo iniwan ka ng hindi manlang inisip yung sitwasyon, hindi manlang nagiwan ng rason—kung bakit...
masakit, sigurado na masakit.
.....
"The Mass has ended, go in peace to love and serve the Lord."
My heart is overjoyed seeing this huge number of people attending the sunday mass.
Mayroong mga solo, mayroong isang buong pamilya, mayroon din naman na grupo ng mga kabataan pero nakakatuwa lamang dahil mararamdaman mo sa bawat tao dito sa loob ng simbahan, ang sinseridad nila. Ramdam mo na bukal talaga sa loob ang kanilang pagsisimba at hindi dahil lamang napilitan dahil nakagawian na.
"Father Jeth!"
"Oh, Veron." Masaya kong tugon sa bata. Veron is a five year old kid. He consistently attends sunday masses.
"Bless po, Father." He grabbed my hand and did the mano.
"Kaawaan ka ng diyos, anak. Kamusta ka naman Veron?"
"Okay lang naman po ako, Father. Masaya nga po ako, kasi po finally malapit na po ikasal si mommy at daddy ko po!!" I see that he is really happy by the way that his eyes twinkled.
"Masaya ako para sayo, anak. Pero nasaan ba ang mga magulang mo?"
"Ay, andoon po sila Father!" Sabay turo niya sa opisina ng simbahan. Siguro ay dito ang napiling simbahan ng magulang ni Veron para maikasal.
"Father?"
"Ano iyon?"
"Father, pwede po ba na ikaw ang magkakasal sa mommy at daddy ko po?" Medyo nagulat ako sa tanong ng bata pero tungkulin ko naman iyon bilang isang pari.
"Kung dito ang napiling simbahan ng mga magulang mo para magpakasal, malaki ang chance na ako nga ang magkakasal sa kanila." Paliwanag ko sa bata. "Saglit nga, nasaan na ba ang mga magulang mo para naman makilala ko na ng personal, ikaw lang kasi ang palagi kong nakakausap at nakikita."
Bahagya naman na sumilip sa may likuran ko ang bata na wari mo ay may tinatanaw.
"Mommy!!" Tawag ng bata sabay ng pagkaway niya ng kaniyang kamay. Hindi ko pa nakikita kung sino iyon dahil nakatalikod ako sa kinatatayuan ng taong tinutukoy ng bata.
Dahan dahan akong lumingon sa direksyon na tinitignan ni Veron.
"M-Mace??"
"J-Jeth?!"Nakakabigla. Nakakatulala. Pareho kaming hindi nakakibo at wari ay saglitang tumigil ang oras nang magtama ang aming mga mata.
Parang lahat bumalik, lahat ng alaala na iniwan na sa nakaraan.
"Mommy? nikilala mo po si Father Jeth?"
Then suddenly I cannot hear anything aside from my fast beating heart. Everything from our past flashes like it only happened yesterday...
—
—After attending the mass together, they chose to stay at the bench outside.